The Hidden Gem

By Celestine_Jade

1.2M 35K 3.5K

Gertrude Ellaine Mendez, a.k.a GEM, is a lady with an exceptional skill in all aspects. An epitome of genius... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27-Hidden Chaper
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63

Chapter 42

17.7K 492 44
By Celestine_Jade

"Don't just stand there, Icko. Just punch me."

Nakanganga akong nakatingin sa kanya na para ba siyang nasisiraan. Ang totoo, nasisiraan na talaga siya dahil sa gusto niyang mangyari.

Ano daw? Nasisiraan na ba siya? Gusto niyang suntukin ko siya? At para saan naman?

Hindi ko na kailangan malaman kung paraan saan dahil baliw na talaga siya kung inaasahan niyang susuntukin ko siya.

"O sige." Bigla siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"Talaga? I thought aayaw ka pero thanks!" At masaya pa talaga siyang nagpasalamat sakin. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip nitong babaeng ito?

Malalim muna siyang nagbuntong hininga bago pumikit at hintayin ang suntok na ibibigay ko.

"Sige pikit kalang. Eto na!" kinuyom ko ang mga palad ko para suntukin siya pero ang ginawa ko lang ay ilapat ang kamao ko sa pisngi niya.

Agad akong naglakad papalayo at hindi na hinintay kung ano mang reaksyon niya sa ginawa ko. Papalabas na ko nang may humawak sa braso ko.

"What the heck was that?" inis niyang sabi matapos tanggalin ang paghawak sa braso ko. Kitang kita kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Bakit? Inaasahan niya bang susuntukin ko talaga siya? Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para gawin to kaya nagtanong ako.

"Para san ba to?"

"Alam mo naman kung anong meron bukas diba kaya ito lang ang naisip kong paraan para hindi makilala."

"Anong paraan? Ang pagsira sa mukha mo? Baliw ka ba? Bakit hindi ka nalang magpalagay ng prosthetics sa mukha? At talagang magpapasuntok ka pa. Masokista ka ba?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Tinanggal niya muna ang salamin bago kusutin ang mata. Ngayon ko lang napansin ang itsura niyang parang pagud na pagod. Magulo ang buhok niya at mukang may itim na rin ang ilalim ng mga mata niya. Siguro hindi siya nakatulog dahil sa mangyayari bukas.

Magkikita na sila ng mga magulang niya. Gusto niya nang umuwi pero hindi pa daw pwede. Medyo naaawa ako sa sitwasyon niya. Na kailangan niyang magpanggap na lalake para makapagtago. Gusto ko siyang tulungan pero hindi sa ganitong paraan.

"Hindi mo ko naiintindihan." napapagod niyang sabi. "Mahirap maglagay ng kung anu-ano sa mukha araw-araw. Naisip mo ba na lagi nating makakasama ung anak-anakan ng mga magulang ko. Hindi lang isang beses natin siyang makikita like my parents. Bruises will heal and fade eventually kaya hindi niya na mapansin if my face change little by little. I just need to change my appearance for a bit in front of my folks. Do you get me?"

"Matalino ka at makapag-iisip ka pa ng ibang mas magandang paraan."

"And this is it." Agad niyang sabi. "Sige na, Iko. Hindi naman ako magagalit sa'yo eh. Just this once, please!" nagmamakaawa niyang sabi.

"Gusto man kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan. Sa palagay mo ba magagawa kong suntukin ka. Kahit nga lalaki ka nag-aalangan ako eh, ngayon pang babae ka. Meron pang paraan at hindi ung pagpapabugbog sa maganda mong mukha." Bigla akong natigilan at napamulan ng mukha dahil sa nasabi ko buti nalang at hindi niya napansin dahil sa sobrang pag-iisip at frustration siguro. "Pwede naman sigurong pakiusapan si HD na hindi ka makakapunta. Ako ang kakausap." Suwesyon ko at naglakas palabas.

"Duwag ka." Napahinto ako at napalingon dahil sa sinabi niya.

"Ano?"

"A coward. Sa'ting dalawa parang ikaw ang umaastang babae dahil sa kaduwagan mo. I just asked for a simple favor that you rejected. The others were right on saying that you're the most weak and coward of them." Napakuyom ang kamao ko dahil don. Tinawag niya kong duwag at mahina. Napakunot ang noo kong lumapit sa kanya at nakakaramdam ako ng galit. Parang gusto ko siyang saktan dahil sa pangiinsulto niya sakin at gagawin ko talaga 'yon pero nang makita ko siyang bahagyang ngumiti, natigilan ako. Imbes na suntukin siya ay pinitik ko nalang ang noo niya.

Alam ko ang ginagawa niya. Ginagalit niya ko para magawa kong suntukin siya pero buti nalang at nakontrol ko ang galit ko at huminga nalang ako ng malalim.

"Pasensya ka na Ger, hindi mo ko mauuto." Nakangiti kong sabi na nagpasimagot sa kanya.

"Kainis ka. Kung ayaw mo maghahanap ako ng iba." Lalo akong natawa nang ipadyak niya ang isang paa dahil sa inis at lumabas ng gym.

---------------

"Dude, were going to die there. I swear." Bulong ni Bryan sa'kin.

Matapos ang pag-uuspa namin ni Ger kahapon ay hindi ko na siya nakita ulit. Kumpleto kami dito malliban sa kanya. Ako, si Bryan, Kael, Marcus at HD ay naghihintay sa kanya dahil pupunta na kami sa mansyon ng mga Mendez. Doon narin kami manananghalian sa bahay nila. Kanina pa namin siya hinihintay at halatang naiinip na si HD. Tinanong ko kung pwedeng hindi na siya kasama pero tumanggi siya. Gusto daw kaming makitang kumpleto ng kliyente.

"Ano na naman problema mo Bry?" tanong ko sa katabi kong hindi mapakali.

"Were going to see that werewolf again. Panong kalmado ka lang dyan?" bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. 'Yon lang pala ang inaalala niya. Ang makita ang aso ni Gem.

"Hayaan mo Bry, pag nilapa ka ng werewolf, hihilain namin ung bangkay mo at itatabi namin para hindi pakalat kalat." Natatawang singit ni Marcus at nakitawa narin kami maliban kay HD na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cell phone niya.

"Dahil alam kong malapit na kong mawala sa mundo, Sasabihin ko na ang mga nasa saloobin ko." Nakayuko at seryosong sabi ni Bryan na ikinataka namin.

"Ano na naman ang ini-"

"Shhh. We're having a moment here." Agad na pinutol ni Bryan ang sasabihin ni Kael at hinarap siya.

"What moment?"

"I'll tell how much I love you, Kael." Bigla namang rumehistro sa mukha ni Kael ang pandidiri. Natawa lang kami ni Marcus sa itsura niya at sa seryosong mukha ni Bryan na nakatingin sa kanya.

"You know, when I first met you, akala ko tatanga tanga ka because you're always following HD and me. If you thought that it'll be a way for HD to share his handsomeness and my intelligence to you, mali ka don. You're cool kaya napamahal ka na sa'kin ang isang tulad mo."

"Anong sinasabi mong g4go ka?"

"Gay alert! Gay Alert!" natatawang sabi ni Marcus.

"What I'm trying to say is that, I love you, Kael and I'm not ashamed to tell that to you. I'm not even embarrassed to shout it for the whole world to hear."

"Oh God, kill him please." Nagususmamong sabi ni Kael habang nakatakip ang kamay sa mukha. Pareho kaming aliw na aliw sa sandali nila Bryan at Kael. Si Bryan naman ay biglang tumayo.

"Later, but first, I AM SO LUCKY TO HAVE YOU AS MY FRIEND AND I LOVE YOU IN A NON-GAYISH WAY, KAEL!" Sigaw niya at pagkatapos ay nagsusumamong tumingin kay Kael. "Say it too."

"FVCK YOU!"

"Hindi ako titigil hanggat hin-"

"OKAY! ME TOO SO SHUT UP!" Hindi na naming napigilan ang malakas na tumawa dahil sa sigaw ni Kael. Para siyang isang talunan habang si Bryan naman ay parang nanalo sa lotto dahil sa malawak na ngiti sa mukha nito. Hinarap naman niya si HD na seryoso parin ang mukha.

"Harvs, you al-"

"Shut the fvck up. We need to go." Seryosong sabi niya sabay tayo at umalis.Napaayos narin kami para sundan siya.

"He really loves me." Bulong ni Bryan habang nakalagay ang kamay sa ibabaw ng puso niya. Napailing nalang ako at napaharap kay HD ng tawagin niya 'ko.

"Try to call Ger, don't stop 'til he answers."

Ginawa ko ang sinabi niya hanggang makasakay kami sa Van na pinagdri-drive niya. Ilang beses akong tumawag pero hindi wala paring sagot mula sa kanya. Hindi ko rin alam kung san siya pumunta simula kahapon kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.

Sinubukan ko muli at laking pasasalamat ko sa Diyos ng sumagot siya.

"Asan ka? Papunta na kami sa kliyente." Nakita kong napatingin sa'kin si HD mula sa rear view mirror. Katabi niya si Kael habang napapag gitnaan naman ako nila Marcus at Bryan.

"Roque St." yun lang ang sinabi niya sabay baba ng telepono. Sinabi ko kay HD at bigla niyang pinihit ang manibela.

Ano naman ang ginagawa niya 'don?

Nag-aalala ako dahil nandon siya sa lugar na'yon. Alam ko kung saan 'yon dahil malapit ito sa dati naming tinitirhan. Maraming siraulo at delikado ang lugar na'yon. Gusto niya ba talagang mapahamak?

Mabuti nalang at malapit ang lugar na'yon sa kinalalagyan namin. Hindi namin alam ang eksaktong lugar pero madali kong nalaman kung na'san siya.

"Ihinto mo." Nakakita kami ng mga lalaking pabilog na nagkukumpulan at nagsisigawan.

"Suntukin mo pa"

"Mukang babagsak na ung isa o!"

"Ung totoy mukang masama tama."

Alam kong gusto niyang magpabugbog kaya sinabi ko kay HD na ihinto ang sasakyan. Agad akong bumaba matapos itulak tulak ng bahagya si Bryan dahil ang tagal bumaba. Nagsimula narin silang bumaba at nilapitan namin ang kumpulan ng mga tao.

"Tabi diyan. Paraanin niyo kami." Sigaw ko habang hinahawi ang mga tao.

Hindi nga ako nagkakamali dahil nasa gitna ng bilog ang dalawang taong nakatayo at nasa gitna ng laban. Nakatayo lang si Ger at seryosong nakatingin sa kalabang naghahanda na atakihin siya. Kalmado lang siya at taliwas sa kalaban niyang sobrang pagod at mukang babagsak na. Wala itong sugat pero hingal na hingal na.

"Ger!" tinawag ko siya pero hindi niya yata narinig. Biglang umatake ang kalaban niya para sikmuraan siya. Sinalo lamang ni Ger ito gamit ang kaliwa niya at ibinato patagilid.

"On the face." Sabi niya at dahil 'don ay alam kong sinasadya niyang magpatama sa mukha. Kung ganon dito siya humahanap ng susuntok sa kanya.

Ginamit ng lalaki ung kaliwang kamay niya para sundan ng suntok si Ger sa mukha. Pumikit lang si Ger para saluhin ang suntok. Tumakbo ako para awatin siya pero may nauna na sa'kin para pumagitna sa laban.

Hindi na nagawang lumapat sa pisngi ni Ger ang kamao niya dahil mabilis na nakatanggap ung lalaki ng suntok galing kay HD. Agad na bumagsak ung lalaki at hindi na bumangon. Mukang nawalan na yata ng malay.

Tumakbo ako papunta sa tabi ni Ger at hinawakan ang baba niya para inspeksyonin ang mukha niya. Wala siyang salamin at sombrero kaya kitang kita ang pamamaga at pamumula ng kaliwang pisngi niya. May sugat din siya sa kanang gilid ng labi at noo. Medyo may galos din siya at mukhang hindi naman siya hinihingal pero bakas sa mukha niya ang kapaguran.

"Okay ka lang ba?" hindi niya na nagawang sagutin ang tanong ko dahil biglang hinatak ni HD ang braso niya. Nagsimula naring mawala isa-isa ng mga tao kanina.

Sumunod ako sa kanila habang hinila siya ni HD hanggang makalapit sa sasakyan at marahas na pinakawalan. Bumangga pa ang likod ni Ger sa pintuan ng van at nakita kong napangiwi siya. Napayuko nalang siya at napasandal sa sasakyan. Dahil siguro sa antok at pagod.

"What the hell comes to your mind, huh? Of all times, ngayon ka pa gumawa ng ganito." Halata ang galit sa boses ni HD. Nakakuyom na ang mga kamay niya at nag-iigting ang panga habang nakatingin kay Ger na nanatiling nakayuko.

Ayokong makita siyang ganito. Na parang wala siyang magawa at mahina. Kailangan ko siyang protektahan kahit pa mula kay HD.

Pumagitna ako sa kanila para harangan ang mga titig nito kay Ger. "Ako nang bahala. Tatawagan ko si Yka para tumulong." Nalipat ang nanlilisik na tingin niya sakin pero tinignan niya muli si Ger bago sumakay sa driver's seat. Nilingon ko si Ger at hinawakan siya para alalayan papasok.

"Ah, kuya?" napalingon ako sa boses ng babae mula sa likod ko. nakangiti siyang nakatingin kay Ger. "Eto ung tuta at mga gamit mo."

"Thanks." Lumapit si Ger at nginitian din ung babae na parang uod na biglang binuhusan ng asin sa kilig.

Sira na nga ang mukha, meron parin nahuhumaling. Ang labo ng mundo!

"Let's go." Sabi ni HD. Inilgay ni Ger ung tuta sa kwelyo ng T-shirt niya at pumasok sa loob. Sa likod na naupo si Marcus at pumalit si Ger sa pwesto niya kanina.

"Tatawagan ko si Yka para tulungang takpan ng make-up ung mga sugat mo." Sabi ko at akmang tatawagan ang kapatid ko pero hinawakan niya ng kamay ko para pigilan.

"Don't bother. I'm fine." Mahina niyang sabi kaya napabuntong hininga nalang ako. Kumuha nalang ako ng tissue na nasa sasakyan at binasa ito ng tubig para punasan ang konting dugong nanuyo sa mukha niya. Nakapikit siya habang ginagawa ko ito hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga Mendez.

"We're here." Sabi ni Kael na binasag ang katahimikang kanina pa bumabalot sa'min. Gumalaw naman si Ger at unti unting minulat ang mga mata pero nanatiling nakatitig sa kawalan. Mas lalo akong nag-aalala sa kanya.

Humito kami sa tapat ng isang malaking gate na biglang bumukas. Tumambad samin ang isang napakalaking bahay na pamilyar sa'kin.

"Ger, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Humarap lang siya at ngumiti. Nagsimula namang magbabaan ang lahat at huli siyang lumabas.

"What the hell is that?" komento ni Marcus na nakatingin sa direksyon ni Ger.

"You look like a dweeb, a nerd, a loser and everything else in between." Sabi ni Bryan. Tumingin ako kay Ger at napahampas sa noo ko nang makita ko kung anong suot niya sa mukha.

Nag-iba ung dating salamin niya. Mas lalo pa itong kumapal at lumaki. Kalahati ng mukha niya natatakpan ng salamin. Hindi ko alam kung anong trip niya pero ang panget.

Siya ung mukhang estudyanteng laging binubully sa mga palabas dahil sa salamin niya. Samahan pa ng maliit niyang pigura. Nagmukha siyang talunan.

"Take off your hat." Utos ni HD na tahimik niyang sinunod.

Nauna siyang maglakad kasunod nung tatlo at nasa huli kami ni Ger. Lumingon pa saglit samin si HD habang naglalakad. Tahimik kami habang si Bryan pahawak hawak sa manggas ni Kael na maya't maya ito tinatapik palayo.

Agad na bumukas ang dalawang malalaking pintuan at lumabas ang isang babaeng nakapormal na nakapalda kasunod ng isang babaeng nakasuot ng maid uniforn. Ngumiti ito sa'min at nagsalita.

"Mamaya pa po bababa sila Ma'am at Sir. Dadalhin po namin kayo sa kwartong paghihintayan niyo." Halata sa salita niya ang pagiging pino at sopistikada. Siguro siya ang namamahala sa mga katulong dito. Tinignan ko si Ger na nakayuko at tahimik lang.

Pagkapasok palang namin ay tumambad sa amin ang napakaganda at eleganteng dekorasyon ng bahay. May chandelier din na sobrang laki at parang diamante sa kinang. May isang napakalaki at engrandeng hagdanan sa di kalayuan at mga mamahaling paintings at vases sa paligid. Hindi ko alam na ganito pala kayaman ang pamilya ng kaibigan ko. Wow!

"Mr. Mirovi, Sir wants to talk to you first." Rinig kong sabi nung babaeng sumalubong samin. Tumango naman si HD at lumiko sila patungo sa kung saan.

"You're cute. What's your name?" Puri at tanong ni Bryan sa maid na naiwan. Nanlaki naman ang mga mata nito at namula. Mukha namang kontento si Bryan sa reaksyon niya kaya nakangiti ngayon ito ng nakakaloko.

"Belle po." Nahihiya niyang sagot. "Dito po pala ang daan." Nauna siya sa'min at sumunod kami pero bingyan muna ni Kael ng isang batok si Bryan. Hinihimas ni Bryan ang kanyang ulo. Paalis palang kami ng bigla kaming nakarinig ng ingay at sigaw pati tahol ng aso.

"Si Knight nakalabas na naman!"

"Hulihin niyo, bilis!"

"Arrf! Arrf!"

Pagkarinig namin ng tahol ay biglang namutla si Bryan at pumunta sa tabi ko. "Shit dude, yung werewolf 'yon dama ko." bulong ni Bryan sakin at agad na napatingin sa direksyon kung san nanggagaling ung tahol at ingay. Napatingin ulit ako kay Ger at nakita kong humakbang siya palayo, papunta sa likod namin.

"Don't let him escape!"

"Arrf!"

Biglang tumambad sa amin malaking asong mabilis na tumatakbo papunta sa sireksyon namin. Agad itong napahinto nang makita kami. Humakbang patalikod si Bryan kaya napako ang tingin nung aso sa kanya. Halata namang kinakabahan si Bryan sa kanya dahil bawat galaw niya at bawat hakbang niya ay tinitignan siya ni Knight.

"He's into me. I'm dead." Rinig kong bulong ni Bryan. Bigla namang naging alerto ung aso at tumaas ung buntot. Tumingin siya sa paligid hanggang mapunta ang paningin niya sa likod.

"Ayun siya." Sabi ng isa sa dalawang lalaking biglang lumabas sa pasilyo na nakaturo kay Knight. Dahil sa sigaw niya at tumakbo palapit samin bigla si Knight.

"Aaahhh!" napalingon ako at napangiti nang biglang mahinang tumili si Bryan. Umubo siya at inayos ang lalamunan at sumigaw ulit. "Aahhhh!" Hindi na siya tili ngayon, boses lalake na.

Handan a kaming tumakbo para iligtas ang mga buhay namin nang bigla akong makaring ng isang mahinang sipol. Biglang humito si Knight at umupo. Kumakawag kawag ang mga buntot at nakalabas ang mga dila. Lalagyan na sana siya ng tali ung mga lalaki kanina pero bigla siyang tumayo ulit at naglakad papunta sa tapat ni Ger. Alam kong siya ung sumipol kanina pero hindi ko alam kung napansin din un ng iba.

Nagkatingin lang sila sa isa't isa. Inilabas ni Ger ung tuta sa kwelyo niya, lumuhod at tinapat kay Knight. Tinignan ko ung mga kasambahay dito na mukhang gulat na gulat sa mga pangyayari. Pagbalik ko ng tingin ay inaamoy at dinidilaan na ni Knight si Doggie. Binaba ni Ger si Doggie at naglaro naman sila ni Knight.

Tumikhim si Ger nang mapansing nakatingin lahat sa kanya. "Pa'no niya nagawa 'yon?" rinig kong bulong ni Belle bago kami samahan sa silid na paghihintayan namin. Nakilala niya si Gem kaya ganon.

Dinala at agad niya ring kaming iniwan sa isang silid pero hindi pinalagpas ni Bryan na kindatan ito na ikinapula niya bago umalis. Malaki ang kwarto at puno ng libro sa kanang gilid nito at malaking sofa sa na nakatapat dito kung saan kami umupo. May nakita akong violin sa malapit na lamesa at cello na nakalagay sa pagitan ng malaking book shelf at ng inuupuan naming sofa.

Medyo naiinip na kaming naghihintay dito sa loob. Naubos narin namin ung juice na ibinigay samin kanina. Napatingin ako sa katabi kong bigla nalang tumayo at lumapit sa cello. Kinuha niya muna ung music sheets sa stand na kaharap ng cello at tinignan. Umupo ito at pumosisyon sa pagtugtog.

"I think it's not a good idea na ga-" napahinto si Bryan nang tumayo si Knight at tignan siya. "Sabi ko nga tumugtog ka." Nakita naman ng mga lalaki kanina na kalmado na si Knight kaya pinabayaan nalang nila. Namangha ulit sila kay Ger dahil sinundan siya nito pati narin ni Doggie. Nahahalata lamang na magaling talagang trainer si Ger. Hanggang ngayon sinundan parin siya nung dalawang aso at humiga sa gilid niya.

Ayoko talaga ng tunog ng cello dahil pakiramdam ko, malungkot at nakakatakot ang tunog na lumalabas dito pero nang nagsimula nang tumugtog si Ger, gumaan ang pakiramdam ko at pumayapa. Maganda ang tunog na inilalabas niya. Nakatingin lang ako sa nakapikit niyang pigura habang tumutugtog. Tanging musika mula sa cello ang bumabalot sa malaking silid na 'to.

"Who the hell gave you permission to touch my stuff?" napatinigin kami bigla sa malakas na nagsalita. Kasunod niya ang dalawang bodyguards niya habang naglalakad at nakatitig kay Ger. Nakasuot siya ng pulang sapatos na mataas ang taking. Naka skinny jeans at blouse na nagpapakita ng makikinis niyang braso. Ang brown niya at kulot na buhok at nakalugay na hanggang sa gitnang likod niya.

Ang tinitigan kong mabuti ay ang mukha niya. Dalawang beses ko palang na nakikita ang tunay na mukha ni Gem kaya masasabi kong magkamukha sila. Hindi ganong kamukha dahil mas singit itong nasa harapan namin.

Naglakad ito papalapit ulit kay Ger at ang tunog ng sapatos niya ay humalo sa tunog na nililikha ni Ger. Humalukipkip ito sa harap niya at masama ang tingin kay Ger. Hindi ko alam kung hindi siya narinig ni Ger o wala lang siyang pake dahil diretso parin siya sa pagtugtog.

"Stop that!" pagbabanta niya. Napatayo si Knight at napatingin sa kanya.

Mukang may hindi magandang mangyayari kaya napatayo narin ako para lapitan si Ger.

"I said STOP THAT!" dahil sa inis at hindi siya pinapansin ni Ger, napasigaw siya at malakas na inihampas ung music stand. Nagkalat ung mga music sheet at biglang napigtas ung string ng cello. Humampas ito sa pisngi ni Ger kaya napangiwi siya.

"Ger." Napatakbo nako at tinignan ung pisngi niyang nadagdagan na naman ng sugat. Inis kong hinarap ung babaeng nagpapanggap na Gem. Nakangiti siya na parang natuwa sa nangyari kay Ger.

"Grrr! Arrf! Arrf!" biglang pumagitna ung dalawang aso at tinatahulan ung pekeng Gem. Napakunot naman ang noo niya at biglang napalitan ng takot nang humakbang si Knight papalapit. Galit na galit ito at akmang sasakmalin na sa anu mang oras ang taong nanakit kay Ger.

"Shut up you mutt." Sabi niya "Control this dog!" utos niya sa bodyguard niya.

"Yes, Ms. Gem." Lumayo siya at pumagitna ang dalawang utusan. Mukang hindi nagustuhan ni Knight 'yon dahil mas mukha pa siyang galit kesa kanina at mas lalong lumakas ung mapagbantang ingay mula sa kanya.

Naglabas naman ng tig-isang security grade stainless steal expandable stick ung dalawa para protektahan ang amo nila. Kung alam lang nila na ang totoong amo nila ang sinasaktan ngayon. Buti pa si Knight alam.

Napatayo narin sila Bryan at ako naman ay humakbang narin paharap. Baka kung ano kasi ang mangyari kay Ger kaya nilagay ko siya sa likod ko.

"Grrrr! Arrrf!"

Bilang sumugod ung isa kaya sumugod din si Knight. Hahampasin sana siya pero tumalon ito pakanan kaya naiwasan niya. Ang hindi niya alam ay ung isa ay handa na siyang hampasin sa tagiliran niya. Lahat kami ay gulat na nakatingin sa akmang paghampas niya kay Knight. Ung pekeng Gem ay hindi nawawala ang ngiti.

Naramdaman ko ang isang mabilis na pagkilos sa tagiliran ko at maya maya ay nakita naming hawak hawak na ni Ger ang pulsuhan nung lalaking hahampas kay Knight.

"Don't you dare hurt him." Hindi ko alam kung ako lang pero damang dama ko ang lamig at pagbabanta sa boses niya. Nakakapanayo ng balahibo. Hindi siya nakatingin sa hawak niya kung hindi don sa pekeng Gem.

"You son of a b-"

"Mukang nagkakasayahan kayo dito!" lumingon kami sa boses ng babaeng biglang nagsalita. Napansin kong biglang natigilan at napayuko si Ger. Nakita kong napakagat siya sa ibabang labi niya at parang kinakabahan. "Care to explain what happened here." Kung hindi ako nagkakamali, siya si Mrs. Mendez. Ang kanyang ina.

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
7.7K 236 32
[Dangerous Gentlemen Series #1] Morticia 'Tish' Ignacio was the newly hired maid by the mean and arrogant leader of the mafia group 'Familia Carillo'...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
1.6M 63.2K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...