Her Paid Husband ★ (On-Going...

By modernbinibini

325K 4.9K 530

[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America haba... More

Her Paid Husband(On-Hold)
One ★ - What a coincidence
Two ★ - I'll be your husband, Ina.
Three ★ - Offering myself to be your Paid Husband
Four ★ - Slowly falling for him
Five ★ - Totoo sa sarili niya
Six ★ - Sana
Eight ★ - Good Morning, Wife
Nine ★ - Jealous
Ten ★ - On This Day
Eleven ★ - Two of Us
Twelve ★ - Dinner Group Date
Thirteen ★ - Christmas Celebration
Fourteen ★ - Pinakamamahal
Fifteen ★ - Philippines
Sixteen ★ - Untitled
Seventeen ★ - Truth
Eighteen ★ - Buong Puso
Nineteen ★ - Hiding
Twenty ★ - It's All About Us
Twenty - One ★ - Family
Twenty - Two ★ - Childhood Sweetheart
Twenty - Three ★ - Pancit Canton
Twenty - Four ★ - I love you more
Twenty - five ★ - Giligans
Twenty - Six ★ - One-Zero
Twenty Seven ★ - Midnight Date
Twenty Eight ★ - Identity

Seven ★ - Hindi pa ako handang masaktan ulit

11.4K 167 3
By modernbinibini

Hi ~ gusto ko lang magthank you sa mga nag-basa ng 'My Wife's Regret' hanggang doon lang po talaga iyon. Walang epilogue or special chapter kasi magffocus na ako sa kwentong ito at doon sa 'A Mistress' Side' Kaya sana ay maintindihan niyo po <3 

Nawa'y masuportahan niyo po ang istoryang ito hanggang sa maisipan ko siyang tapusin <3 

Maraming salamat sa pagbabasa!! 

Enjoooooy <3 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Seven

Ina’s POV

“Kamusta?” tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa loob ng bahay. Kakauwi lang kasi nito galing sa school at alam kong pagod na naman siya tulad nitong mga nakaraang araw. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas pero parang kailan lang ang mga nangyayari sa amin ni Asher.

“Ayos lang” sagot nito pagkatapos ay agad siyang dumiretso sa kwarto para magpalit lang damit. Kakain na kasi kami ng hapunan, palagi na siyang nakakauwi ng gabi kaya naman palagi rin siyang puyat.

Minsan nga kapag aalis ako ng bahay para maghanap ng pansamantalang trabaho ay madadtnan ko pa siyang natutulog samantalang pagkatapos ng dalawang oras ay papasok na naman siya sa school.

Matibay ang katawan ni Asher, hindi siya basta basta nagkakasakit kahit na palagi siyang puyat. Nakakapagtaka nga rin kasi hindi naman siya nagvivitamins pero sa buong pagsasama namin ay hindi pa siya nagkakasakit. Marahil ay malakas talaga iyong resistensya ng katawan niya.

“Asher?” tawag ko sa kanya dahil ang tagal niyang lumabas ng kwarto.

Nang hindi siya sumagot ay pumasok na ako sa kwarto at doon nakita ko na naman siyang nakadapa sa kama habang mahimbing na natutulog. Kawawa naman ang asawa ko. Sambit ko sa isipan ko. Dahil halatang pagod na pagoda ng asawa ko ay inaayos ko nalang siya sa kama.

Tinanggal ko iyong sapatos niya at binuksan ang unahang butones ng suot niyang polo. Pagkatapos ay nilagyan ko rin siya ng blanket at saka ako lumabas para kumain mag-isa. Wala namang problema kung kumain ako ng mag-isa dahil ilang gabi na rin siyang hindi nakakasabay sa pagkain ng hapunan dahil nga sa palaging ganun ang nangyayari sa kanya pagkagaling niya sa school.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko iyong laptop na binili niya noong isang araw para sa akin, ang sabi niya kasi ay puwede naman daw akong kumuha ng ilang units online doon sa pinapasukan niyang school o kaya kung saan school meron dito. Iyon ay kung gusto ko rin daw mag-M.A katulad niya, pero sabi ko ayoko dahil puwede naman akong mag-aral gamit iyong mga libro niya sa Library.

Nang magbukas na iyong laptop ay agad akong nagbukas ng tab para pumunta sa facebook ko. Ilang buwan ko na ring hindi nakakausap iyong mga kaibigan ko. Kahit naman mataray at may kamalditahan akong taglay ay may mga kaibigan parin ako. Iyon nga lang, minsan ay talagang naasar iyong mga ‘yon dahil kapag nagmaldita ako sa iba ay pati sila ay nadadamay.

Agad kong tiningnan kung may online ba sa mga kaibigan kong sabog ang pag-uutak. Sa katunayan bago ako umalis ng Pilipinas ay hindi nila alam kung papaano ako pipigilan, dahil alam nila ang tungkol sa plano ko at hindi sila payag doon.

Ibebenta ko raw kasi iyong pagkatao ko para lang magkaroon ng maayos na buhay at ng makapag-higanti sa mga taong gusto kong balikan. Alam din nilang kapag naka-alis ako ng bansang Pilipinas ay matatagalan bago ako mapabalik. Pero sa huli, hindi rin nila ako napigilan dahil sila rin naman ang may pakana kung bakit ako nandito.

*flashback*

“Sumali ka na kasi Ina!” pagpupumilit ni Dana sa akin.

“Isa ka pa! Ayoko nga!” sagot ko sa kanila

“Sayang iyong trip to Washington, D.C” sambit naman ni Macy

“Sayang pala edi kayo ang sumali nang hindi masayang!” naiinis na sagot ko sa mga ‘to. Gusto kasi nila akong sumali sa isang runway contest. Alam naman nilang hindi ko hilig ang pagrampa sa harap ng maraming tao.

“Sayang naman kasi iyong tangkad mo!” sabi naman ni Kristine.

“Kung puwede ko lang ‘tong ibigay sa inyo. Ibibigay ko na para kayo nalang ang sumali diyan sa lintek na contest na ‘yan” sabi ko rito. Nandito kasi kami sa isang mall para mag-relax. Bukas kasi ay papasok na naman kaming lahat sa trabaho kaya naman ito nalang ang puwede naming gawing panrelax.

“Sige na Ina” pagpipilit pa nila

“A-Y-O-K-O. Wag kayong makulit” sabi ko sabay alis

Nakakaloko naman kasi iyong mechanics noong contest na gusto nilang salihan ko. Edi rarampa nga tapos kung sino iyong top three na mapipili ng judges ay dadaanin sa isang raffle iyong mananalo ng all-expense-paid trip to Washington, D.C.

Ang iniisip ko ay kung paano kung hindi ka makuha odi wala, sayang lang iyong pag-rampa mo sa harap ng maraming tao. Pero ang sabi ay iyong hindi mapipili ay may consolation price na five thousand pesos.

Nang hindi ko naramdaman na sinundan nila ako ay nagpunta nalang ako sa Jolibee para kumain, kanina pa kasi nagugutom at talagang nagiging masungit ako kapag gutom na ako. Pagkadating ko doon ay laking pasalamat ko dahil hindi masyadong mahaba iyong pila kaya naman agad akong umorder ng isang super value meal na may kasama isang extra rice at umorder din ako ng extra large fries, burger at ice cream.

Pagkakuha ko ng order ko ay agad akong umupo sa may looban ng fastfood, habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang maalala na naman sila nanay. Ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng mamamatay sila. Habang nag-iisip ako ay biglang dumating iyong mga kaibigan ko. Alam na alam nila kung saan ako hahanapin kapag nag-wawalk out ako sa pag-uusap namin.

“Anong gagawin ko diyan?” inilapag kasi nila sa harapan ko ang isang color blue na papel.

“You’re joining the ramp contest” nakangiti’t sabay sabay nilang sabi. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nila.

“WHAT?!” napatayo ako dahil sa pagkabigla

“Sinali ka namin sa contest” sabay at cool na sabi ni Kristine at Macy.

“Sinabi ng ayoko nga!” napaupo at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko dahil sa inis ko sa kanila.

“Sige na kasi. Minsan lang naman saka kung hindi ka mananalo bibigyan ka nalang namin ng trip to Korea. All-expense paid pa” sabi ni Dana. Palibhasa may mga kaya sa buhay itong mga ito kaya ganyan nalang kung magpamigay sila ng all-expense paid trip.

“Ano pang magagawa ko e kahit mainis ako sa inyo ay kasali na ako pesteng contest na ‘yan” pagsusuko ko sa kanila. Kahit kailan talaga ay wala akong laban sa tatlong ito. Laking pasalamat ko nalang dahil kahit na hindi ako katulad nilang may kaya ay hindi parin nila ako iniiwan at ipinagpapalit sa iba.

Pagkatapos ng ilang linggo ay araw na ng contest at iyon nga, poker face ang panlaban ko pati na iyong fierce na aura. Iyon kasi ang madalas na gamit ng mga runway model sa America. Nang dahil doon ay nakapasok ako sa top three at siguro dala na rin ng swerte ay ako nga ang nakabunot para sa trip to Washington, D.C. Laking tuwa ng mga kaibigan ko pati na rin ako dahil makakapagbaksyon na rin ako kahit saglit lang.

*end of flashback*

Agad kong nakitang online si Dana. Nagchat agad ako sa kanya, namimiss ko na silang lahat.

Ina: Agang aga online ka Daney!

*Dana is typing*

Dana: Inaaaaaa!!!! Umuwi ka na dito!!

Ina: Uuwi rin ako soon Daney. Namimiss ko na kayo :(

Dana: Miss ka na rin namin. Kamusta?

Ina: Ayos lang. Madami akong kwento pagbalik ko diyan. Saka ipapakilala ko kayo sa asawa ko.

Dana: Tinuloy mo parin iyong plano mo?

Ina: Oo. Wala akong choice. Para rin naman sa akin ito at siyempre para kila nanay.

Dana: Sana lang hindi mo pagsisihan iyong naging desisyon mo.

Ina: Of course. Don’t worry, no strings attached naman kami noong napangasawa ko.

Madami pa kaming napagusapan ni Dana hanggang sa nagpaalam na siyang maghahanda na siya para sa pagpasok niya sa trabaho. Sa kompanya nila siya nagtatrabaho, samantalang sa ospital naman nila si Kristine at si Macy naman ay doon sa boutique nila. Nakilala ko sila noong nasa college pa ako, bagong lipat kasi silang tatlo pagkatapos ay walang kumakausap sa kanila dahil transfree nga sila.

Nagkaroon ng group activity iyong isa naming major at kailangan ay apat, kinausap ko sila para sila nalang ang maging groupmates ko. At doon nagumpisa iyong pagkakaibigan namin, halos ilang taon narin kaming magkakaibigan at hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila, kung hindi para ring tunay na mga kapatid.

Madaling araw na ng matapos kaming mag-usap kaya naman napagpasyahan ko na rin magpahinga. Papasok na naman kasi ako bukas doon sa coffee shoppe ni Jem. Ipinasok kasi ako ni Asher doon dahil nga gusto kong magtrabaho para na rin syempre may pera ako ng sarili pagbumalik ako ng Pilipinas. Kulang din kasi ng staff iyong shoppe ni Jem kaya naman doon nalang ako pinapasok ni Asher kesa daw mapunta ako sa mga restaurant na masyadong delikado.

Para sa akin ay hindi delikado iyong pagpasok ko sa restaurant pero ewan ko ba doon kay Asher, ayaw akong papasukin sa mga restaurant dito. Sabi ko nga rin ay susubukan kong mag-apply sa mga bar and clubs dito bilang waitress pero ayaw niya ring pumayag dahil iba ang ugali ng mga tao rito.

Hindi nalang ako nakipagtalo sa kanya tungkol doon dahil malaki na ang utang na loob ko sa kanya. Kaya naman sa halip na makipagtalo sa kanya ay pumayag na akong sa coffee shoppe nalang ni Jem ako papasok. Mula umaga hanggang hapon iyong shift ko doon, ayaw kasi ni Asher ng abutin ako ng gabi sa daan.

Sa totoo lang nawiwirduhan ako sa kanya, may time na sobrang sweet niya tapos sobra siyang mag-alala. Tapos minsan kapag may kumakausap sa akin kapag nasa coffee shoppe kami ay sobra kung mang-asar siya, iyong tipong aasarin niya ako ng ‘Type ka non’ o kaya naman ‘Crush mo ‘yon? Ang pangit naman’ iyong mga ganun na pang-aasar kapag pauwi na kami. Kaya minsan iniisip kong nagseselos iyon e. Pero imposible dahil kontrata lang itong usapan namin. Saka, hindi pa ako handang masaktan ulit. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamaaat sa pagbabasa ~

 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 86.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.1M 35.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
61M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...