From Anonymous, To Dearest (B...

By asyhiea

7.4K 515 440

EMAIL DUOLOGY (Book 1 of 2) To Dearest, When feelings became words, words became letters, and letters became... More

proem
visuals
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
epilogue
envoi

26

100 9 10
By asyhiea

"How's your sleep?" tanong ni Mavy sa akin nang makaupo ako sa upuan ko. Kadadating ko lang dito sa room at nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro.

"Okay lang," tipid kong sagot at umub-ob sa arm chair ko nang maibaba ko na yung gamit ko sa baba ng upuan ko.

"Okay lang pero parang drained na drained ka," rinig kong sinabi niya.

"Inaantok pa ako," walang gana kong sinabi.

"Anyway, Cess is so talkative! Hindi ko nga ma-feel nung pauwi na kami na may tama siya or what," she giggled.

"Mababa tolerance nun sa alak," sabi ko naman.

"Ahh, kaya pala."

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap at mukhang naintindihan naman yun ni Mavy dahil hindi na rin siya nagsalita pa ulit. Ilang minuto ang lumipas na nakaub-ob pa rin ako. Wala akong marinig, pakiramdam ko tulog na ako. Hindi ko sigurado kung natutulog ba ako at nananaginip o baka ganon lang talaga kalalim ang iniisip ko kaya lutang ako.

Kung hindi lang siguro ibibigay ngayon yung topics sa thesis, hindi na muna ako papasok.

"Hi Zecky!" rinig na rinig kong bati ni Mavy dahil sa sobrang lakas nang pagkakabati nito.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagub-ob ko sa arm chair ko. Pakiramdam ko isa rin siya sa dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

Bwisit. Bakit pa kasi sila dumating sa buhay ko?

Maingay ang buong klase nang pumasok si Zecky pero ngayon tumahimik ito at sa tingin ko may prof na sa loob ng room namin. Nag-angat ako ng ulo at hindi nga ako nagkamali sa inisip ko.

Yung prof na buong 2 hours magtuturo sa amin.

Nagsimula na siyang magklase pagkatapos namin magdasal at mag-greetings, gustong-gusto kong makinig pero parang naiwan ko yata yung brain cells ko sa apartment dahil kahit anong gawin ko, wala akong maintindihan.

Inikot ko ang paningin ko at nahuli kong natutulog sa klase si Zecky.

Mukhang bago yun ah.

Umiwas ako ng tingin nung bigla siyang gumalaw at umayos ng upo. Sinulyapan ko siya at nagulat akong sa akin siya nakatingin.

Mabilis akong umiwas sa kanya at tumingin sa prof namin na nagsasalita, kunyaring nakikinig pero hindi naman talaga.

Natapos ang klase namin na discussion at board work lang ang nangyari. Nag-inat ako nang makalabas na yung prof namin sa room at lumingon kay Mavy na nag-aayos na ng gamit niya.

"Kung makapag-inat ka parang nakinig ka sa klase ah." Hindi siya nakatingin nung sabihin niya yun dahil abala siya sa ginagawa niya.

"So yung nakinig lang ang may karapatang mag-inat?" mapang-asar kong sinabi.

"Wala akong sinabi," aniya at agad na kinuha ang bag niya. "Tara na."

"Yun yung ibig sabihin nung sinabi mo kanina," nakangisi kong sinabi at sumunod sa kanya palabas ng room.

"Ba't parang nasa mood kang makipag-asaran ngayon?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami pababa ng building.

"Inaantok lang ako kanina kaya wala ako sa mood," pagpapalusot ko. "Nakaidlip ako kanina kaya medyo okay na ako," dagdag ko pa.

"A'right," tipid niyang sagot at pumasok na kami sa cafeteria at dumiretso sa linya kung saan kami umo-order.

"So what's your plan?" tanong niya sa akin nang mailapag namin ang pagkain na inorder namin sa isang table.

Hindi kami nahirapan maghanap ng available seats dito sa cafeteria dahil nauna kaming mag-break time sa junior high.

"Saan?" pabalik kong tanong.

"Well obviously, about Rio." She rolled her eyes at nagsimula ng kumain.

"Wala pa." Agad na kumunot ang noo niya nang sabihin ko yun. "...sa ngayon," dagdag ko.

Tumaas ang dalawa niyang kilay kasabay ng paghinga niya ng malalim at tumingin ng diretso sa akin.

"Basta kung ano mang plano mo, nandito lang ako para suportahan ka. Just please don't stress yourself up just because of him," paalala niya. "Isa pa, may rason kung bakit 'yan nangyayari. Lahat naman may rason. Let's just hope na it's for the better," she smiled at muling kumain.

Natapos kaming kumain at wala nanaman akong nasabi. Agad din kaming bumalik sa classroom pagkatapos naming kumain, napansin namin yung printed na sitplan sa may pinto kaya tinignan namin kung saan kami nakaupo.

Pagpasok namin ay nadatnan naming nandun na sa loob yung professor namin sa thesis.

"Good morning Sir. Sorry we're late," paumanhin ni Mavy.

"No it's okay, kadadating ko lang din naman. Nakita niyo na yung sitplan sa labas?" tanong ni Sir na agad din naming tinanguan. "You two may sit down," nakangiting niyang sinabi sa amin.

Naupo na kami ni Mavy sa pwestong nakalaan sa amin at itinuon ang atensyon sa prof namin na sa tingin namin ay pinaplano na ang topic namin para sa thesis.

Lahat ng nasa paligid namin abala sa pakikipag-usap sa partners nila habang kami ni Zecky, katahimikan ang bumabalot sa amin. May parte sa akin na gusto ko siyang kausapin pero may pumipigil sa akin na huwag na lang.

Tanungin ko kaya kung... nevermind. Nasabi naman na sa akin ni Rio na naibalik na n-

"Naibalik ko na kay Rio yung journal," pagpuputol niya sa iniisip ko. Lumingon ako sa kanya at hindi siya sa akin nakatingin.

Alam ko. Gusto kong isagot kaso baka magtanong siya ng magtanong tungkol sa amin ni Rio.

"M-Mabuti naman," mautal-utal kong sinabi, umiwas na ako ng tingin sa kanya at nakinig sa discussion.

Kaso muli nanaman siyang nagsalita.

"Magcu-cut daw yung klase after this subject. Maybe we can work on our thesis project later?" Hindi talaga siya tumitingin sa akin at mukha siyang seryoso.

"Sa apartment na lang namin." Hindi ko alam kung bakit sinabi kong dun kami gagawa ng thesis, pero sa tingin ko tama na rin na dun kami gagawa dahil last time, sa bahay niya kami gumawa.

Para quits.

"Sige," tipid at malamig niyang sagot.

Gusto kong mag-react sa mga actions na ipinapakita niya sa akin pero baka magmukha naman akong sobrang affected kaya binalewala ko na lang iyon.

Hindi rin katagalan ay natapos nanaman ang klase namin at gaya nga ng sinabi ni Zecky ay macu-cut ang klase namin. Nag-usap kaming dalawa ni Zecky saglit at umuwi rin ako kaagad matapos nun.

———

Nang makarating ako ng apartment ay nadatnan kong tulog si Dane sa kwarto niya, na-cut din ang klase nila gaya ng nabasa kong note na nakadikit sa likod ng pinto namin.

Bago ako umuwi ay napag-usapan namin ni Zecky na susunod siya dito sa apartment para sa pagsisimula namin ng thesis project. Hindi ako nagsayang ng oras, nagbihis agad ako at naghanda ng mga maaari naming gamitin mamaya.

Nagligpit din ako ng ilang kalat dito sa bahay bago ako naupo sa sofa namin at buksan yung laptop ko. Matagal akong tumitig sa laptop ko at naisip kong tignan yung e-mails ko.

Paano kung...

Naputol ang iniisip ko nang may marinig akong katok mula sa pinto namin, agad ko itong pinagbuksan at isang Zecky ang nakita ko sa aking harapan. Walang emosyon siyang tumingin sa akin.

"Pasok ka," agad kong sinabi at isinara ang pinto nang makalampas siya sa akin.

Ramdam na ramdam ko yung panlalamig niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Nagsisimula ka na?" tanong niya nang makita niya yung laptop at mga libro na nasa mini table sa salas.

"Hindi pa, kakadala ko lang ng mga 'yan diyan," sagot ko at nang makalapit ako ay naupo ako sa sofa na nasa gilid niya.

Naupo rin siya at nagulat ako nang tumingin siya sa akin, parang may sinasabi ang mga mata niya pero hindi ko iyon mabasa kaya't napakunot ang noo ko.

Bahagya siyang sumulyap sa malawak na space na nasa tabi niya at muling ibinalik ang tingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at bigla siyang huminga ng malalim.

"Di'ba sabi mo kapag may topic na, tsaka mo na lang ibibigay yung mga ideas mo para hindi tayo masyadong magulo. Bakit parang ayaw mo naman yatang ipakita dahil sa layo ng space mo mula sa akin?" patanong niyang sinabi kaya naman tumayo ako at naupo sa tabi niya.

Gusto kong sabihin sa kanya na naiilang ako sa mga kinikilos niya at higit sa lahat wala pa akong nabubuong ideas.

Tss, bahala na.

Naalala kong may notes akong nasulat kanina tungkol sa topic na ibinigay sa amin ni Prof kaya agad ko itong kinuha. Ipinakita at ipinaliwanag ko iyon sa kanya.

Mabuti na lang sinipag ako kanina.

Seryoso siyang nakikinig sa akin at ako naman ay abala sa pagpapaliwanag sa kanya. Mas mabuti na 'to kesa naman iparamdam niya sa akin ng iparamdam ang panlalamig niya na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.

"What do you think?" tanong ko sa kanya nang matapos ko na ang pagpapaliwanag ko sa kanya ng mga notes ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong tulog na siya.

Nakapikit siya habang nakapatong ang baba niya sa kanyang palad.

Ito ba ang dahilan niya kaya badtrip siya?

I sighed at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, tinitigan ko siya, at iniisip ko kung aayusin ko ba ang pwesto niya o hahayaan ko na lang siyang ganyan?

"Anong gagawin ko sa'yo?" bulong ko at napakamot ako sa batok ko. "Bahala na nga," dagdag ko.

Pinitik ko yung tenga niya para masiguro na tulog nga siya, hindi siya kumibo nang gawin ko yun kaya nakahinga ako ng maluwag.

Bahagya kong tinanggal yung kamay niya na umaalalay sa ulo niya at inalalayan ko naman yung isa kong kamay sa likod niya at dahan-dahan ko siyang inihihiga sa sofa na inuupuan niya.

Pero hindi ko naisip na lalake nga pala siya kaya medyo may kabigatan ang katawan niya kaya ayun, na out of balance ako at muntik ng lumapat ang katawan ko sa katawan niya. Mabuti na lang agad kong itinukod ang kamay ko sa gilid niya kaya hindi iyon nangyari.

Yun nga lang, konting kibo na lang, mahahalikan ko na siya.

Agad akong umalis sa posisyon ko at nagulat ako nang bigla siyang kumibo, tumigil ang tibok ng puso ko sa sandaling yun pero agad din akong nakabawi dahil hindi naman siya nagising. Itinaas ko yung dalawa niyang paa sa sofa at agad akong lumayo mula sa kanya.

"Ate?" rinig ko mula sa likod ko at agad kong nilingom si Dane. "Tulog si Kuya Zecky?" dagdag niya nang makita niya si Zecky sa sofa habang papalapit siya sa akin.

"Oo e, nakatulog siya habang nag-eexplain ako sa kanya tungkol sa thesis namin," sagot ko.

Nakita niya kaya yung katangahan ko?

"Ate nga pala, lalabas ako para bumili ng materials para sa project ko. Babalik din ako agad," pagpapaalam niya sa akin.

Maiiwan kaming mag-isa dito ni Zecky?

Naiisip ko pa lang yung ideya na yun ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam pero ngayon pa lang ay kinakabahan na talaga ako. Hindi naman sa may gusto akong gawin sa kanya pero kasi, ewan.

Hindi talaga ako nakakatagal kapag nasa iisang lugar kami. Parang hindi ako komportable.

"Ako na lang," mabilis kong sinabi. "Ibigay mo na lang sa akin yung listahan, ako na lang ang lalabas para bumili ng materials mo. May bibilhin din kasi ako."

"Sige Ate," pumasok siya sa loob ng kwarto niya, hindi rin nagtagal ay lumabas siya mula doon, at iniabot sa akin yung listahan.

"Ikaw na muna ang bahala kay Zecky. Saglit lang naman ako." Kinuha ko yung wallet ko mula sa ibabaw ng drawer na nasa gilid ng sofa na hinihigaan ni Zecky, tinapik ko sa balikat si Dane bago ako tuluyang lumabas ng apartment.

Nang maisara ko yung pinto ng apartment ay sumandal ako doon at tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na ako ng apartment building at nagtungo sa pinakamalapit na school supplies shop, hindi ganon kadami ang nasa listahan ni Dane kaya mabilis din akong nakalabas doon. Sunod kong pinuntahan ay ang food shop na katabi nito at bumili ng dalawang box ng ice cream at isang pack na cheese cake.

Nakakagutom yung thesis.

Agad akong bumalik ng apartment. Nang makalapit ako sa pinto ay may naririnig akong mga boses kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Gusto mo ba yung Ate ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 60 2
Wicked Girls Edition #2
24.1M 706K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
339K 861 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.