Beauty and the Beast

Par hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... Plus

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#8: Know Him Better

6.6K 207 6
Par hyunjiwon_sg4ever

Yey! Nakakagulat kasi nasa 700+ reads na pala to, not expecting this. Lol. Hahahaha. Sana ivote niyo rin to or comment kayo. Hahaha. Highly appreciated yun, thank you po sa inyo ulit! 

*** 

Ika-walong Kabanata: Know Him Better

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Don’t think too much about what I’ve said. I don’t want you to think of it, I want you to feel it. I want you to feel my reason.” Nakangiting saad sakin ni Jared.

Sa totoo lang hindi ko talaga siya maintindihan. Parang math problem lang, feeling ko ang dali lang intindihin ng sinasabi niya pero pag sakin na sinasabi ay parang sobrang hirap na. Hindi ko maanalyze. Naguguluhan ako.

“O—okay…” nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ako pagdating sa kanya, parang ang stupid ko na nga mas lalo pa akong nagiging stupid pag nasa harapan niya. Napayuko na lang ako, why am I being like this? Sumeryoso naman ang itsura niya habang tinitignan ako, it’s like he’s trying to analyze my expression.

“Hayyyy,” I heard him sighed, napatingin ako sa kanya at nakita kong tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Nakatalikod siya sa akin habang nakapameywang. “It’s not so you Gail, ang ilap mo sakin. Inasahan ko na dapat to eh”

Pagkasabi niya nun ay unti-unti na siyang naglakad papunta sa may pinto ng kwarto, sinundan ko lang siya ng tingin at unti-unting inaabsorb ang sinabi niya. Nung nakahawak na siya sa may doorknob, huminto siya at tsaka nagsalita ulit.

“Uuwi ka na sa inyo ngayon, sasamahan kita pauwi. Uhm, kumain ka muna dito then Ethan and Jerome will accompany you later sa tinutuluyan mo para makapag-ayos ka na ng gamit. Your mother misses you so much.” He said expressionless.

After niyang sabihin yun ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Bumuntong hininga na lang ako, bigla akong nakaramdam ng guilt. Naramdaman ko kasi na nasaktan ko siya dahil sa sinabi niya, but he’s trying to hide his emotion. Hindi ko rin naman gusto yung pinakita ko sa kanya eh. He’s right. it’s not my usual self. Bigla akong natigilan, he knows that what I did earlier was not me, so kilala niya talaga ako?! Parang lalo tuloy akong naguilty, pakiramdam ko ang sama-sama ko sa kanya.

Matapos ang ilang minuto ay nakapagpasya na akong tumayo at lumabas ng kwarto, habang bumababa ako ng hagdan ay nakita ko na nakaupong si Ethan at Jerome sa sofa. Hinanap ko si Jared pero hindi ko siya nakita. Naguguilty tuloy lalo ako!

“O, buti naman at naisipan mo ng bumaba” sabi ni Jerome habang nakatingin sa librong binabasa niya. Napayuko na lang ako. “Kumain ka na kasi baka nagugutom ka na” pagpapatuloy niya pero andun pa rin sa libro yung tingin niya. Tumayo naman si Ethan at tsaka ako nilapitan at tsaka niya ako nginitian, marahan din akong ngumiti sa kanya.

“Tara?” aniya sabay muwestra ng kamay niya papunta dun sa may dining area. Gusto kong tumanggi pero hindi ko yun magawa, nakakahiya naman kung tatanggi pa ako di ba? Mukhang kanina pa nila ako inaantay eh, and besides ayokong maging pabigat sa kanila ngayon. I don’t want them to think na pa-prinsesa ako.

Nauna akong naglakad tapos sumunod naman siya sa akin, iginala ko yung tingin ko sa buong bahay. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita. Huminga ako ng malalim at naipikit ko yung mga mata ko.

“May hinahanap ka ba Gail?” tanong niya kaya naimulat ko agad yung mata ko at napatingin sa kanya, nakangiti lang ito sa akin.

“Wala,” yun na lang yung sagot ko tapos ay umupo na sa may upuan at tsaka hinawakan yung kutsara, may nakapatong na kasi na mga kagamitan sa pagkain dito. Ready na yun tsaka yung pagkain eh, ako na lang talaga yung inaantay. Umupo naman si Ethan sa tapat at pumangalumbaba sa mesa.

“Kain ka lang diyan ah? Kung hinahanap mo yung fiancé mo andyan lang yun sa labas ng bahay at nagpapahangin” sabi niya habang nakatingin sa baso na may lamang tubig. Sumandok na lang ako ng pagkain at hinayaan siyang magsalita “Naexplain na ba nila yung mga sarili nila sayo? Sige ako naman ngayon ang mag-eexplain ng sarili ko” pagpapatuloy niya habang ako naman ay nagsisimula ng kumain, ayoko munang magsalita eh, I just want to listen to everything na sasabihin niya.

“Una, mukhang may napakalaking kasalanan ako sayo, although yes I don’t want to do it pero wala eh” aniya sabay upo ng maayos at napakamot siya sa ulo. Napatigil ako sa pagkain at kunot noong tumingin sa kanya. “I’m the one who told your parents na uminom ka sa bar ko, I’m so sorry Gail” pagkasabi niya nun ay bigla kong nahulog yung kutsarang hawak ko.

“Pero ba—bakit?” nanlululang tanong ko, hindi ako makapaniwala na gagawin niya yun. He knew the reason why I went there, pero bakit siya magsasabing nagawa kong uminom dun? Pero now I know why my parents didn’t believe me, isang Ethan Mendiola pala ang nagsabi. Of course they will believe him.

“Trust me. It’s not my intention…” huminga siya ng malalim at tumingin sa akin ng seryoso. “You should know him more Gail. For you to understand everything, you need to know him better. Hayyyy, kumain ka na lang diyan, uuwi na tayong lahat mamaya.”

Ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nararamdaman ko eh. Dapat magalit ako sa kanya kasi siya pala yung gumawa ng kwentong yun sa mga magulang ko. But at the same time I’m so confused. Bakit naman niya gagawin yun di ba? Ewan ko pero ngayon pakiramdam ko ang gulo-gulo, para akong nagsosolve ng isang mystery and I think ang pinakamalaking clue dito ay si Jared. I think I should know him better, at yun naman talaga dapat.

“Hmmm, may nagugustuhan ka bang lalaki ngayon ha Ms. Gail?” tanong ni Ethan kaya natigilan ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Nakatingin naman siya sakin at mukhang nag-aantay ng sagot.

Napaisip ako bigla. Ako may nagugustuhang lalaki? Crush yun di ba? Meron ba? Uhm counted ba si Do Min Joon dun? Eh si Coco Martin?

“Bukod sa mga artista na napapanood ko sa tv, wala eh” napayuko ako pagkasabi ko nun. Ang awkward naman ng topic namin eh!

“Hmmm ganun ba? Eh ano namang gusto mo sa isang lalaki?” tanong niya ulit kaya napataas na yung kilay ko. Kailangan ko ba talagang sagutin yung tanong niya? Kasi sa totoo lang di ko alam ang isasagot ko, hindi naman kasi masyadong iniisip yung ganyan, basta para sa akin pagmahal ako nung taong yun at kaya akong pahalagahan at ingatan sapat na yun sa akin para gustuhin siya, basta he can prove to me that he’s worth my love. I want someone who can make me fall in love again and again. Sapat na ba yung sagot para sa tanong niya?

“Uhm, di ko alam eh. Basta para sakin kapag mahal ako nung taong yun, yung kaya niya akong pahalagahan at ingatan. Sapat na yun para gustuhin o mahalin ko siya” sabi ko sabay ngumiti ng mahina at ibinalik ulit yung atensyon ko sa pagkain. Ngumisi naman siya bigla at tumingin sa likuran ko, and with that lalo siyang napangiti. Nagtaka naman ako sa inaasal niya.

“Ba—bakit?” tanong ko habang nanguya pa ng pagkain pero hindi niya ako napansin dahil dun lang siya sa likuran ko nakatingin habang nangiti pa rin.

“Jared pare! Kanina ka pa ata nakatayo diyan ah?!” sabi niya sabay tawa, nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at parang lahat ata ng nginunguya ko na pagkain ay bumara sa lalamunan ko. Tokwa! Nabulunan ako bigla kaya bigla akong inubo. Tokwa!

“Sht!”  

Tinignan ko yung mesa at naghanap ng baso para makainom ng tubig pero wala! Nakita kong nagmamadaling nagsalin si Ethan ng tubig sa baso na hawak niya kanina pero bago pa siya matapos ay meron ng nag-abot sakin ng baso na may lamang tubig na agad ko namang ininom. Putek! Akala ko katapusan ko na!  

Pagkatapos kong inumin yung tubig ay kinuha sakin ni Jared yung baso tsaka niya nilapag sa mesa tsaka niya binaling yung atensyon niya sakin ulit.

“Ayos ka na ba?” tanong sabay hawak sa balikat ko, tumango ako tapos huminga pa ng malalim.

“Okay na ako, salamat” yun na lang yung nasabi ko tapos I gave him an assurance smile. He sighed in relief.

“Good” sabi niya at tsaka ako tinignan ng diretso. And with that tsaka ko lang narealize na ang lapit lang pala halos ng mukha namin sa isa’t isa, nakaupo siya sa katabing upuan tapos naka-lean sakin. Para akong naduduling sa pagtitig sa kanya.

Bigla akong umiwas nung makarinig ako ng dahang-dahang palakpak. OMG! Andito si Ethan!

“Wow! Akala ko nanuod ako ng live drama eh! Tss. Baka may mangyayari na sigurong kissing scene kung di ko pa kayo inistorbo, sayang! First kiss sa first meeting sana!” sabi niya habang ngumingiti kaya napayuko ako. Parang umakyat yung dugo ko sa mukha ko eh! Shems. Feeling ko nagblublush ako!

“G*go!” singhal sa kanya ni Jared. Wahhhhhhh! Nahihiya pa rin ako eh!

“Pero ayos ka rin Pare ah? Biruin mo nung nabulunan yung fiancé mo ang bilis mong kumuha ng baso at magsalin ng tubig? Sobrang bilis eh, kala ko nagtransform ka na bilang Flash. Ganyan mo ba pahalagahan at ingatan yung prinsesa mo ha? Ayos eh!” aniya sabay ngisi.

 “Tarantado!” bulyaw sa kanya ni Jared.

Grabe narinig niya kaya yung sinabi ko? Nung narealize ko yung ginawa niya kanina pakiramdam ko bumilis yung tibok ng puso ko.

“Papasa ka na pre, ikaw na ata yung tinutukoy niya eh!” yun na lang yun nasabi niya tapos ay tumayo na siya at nagsimulang maglakad paalis.

Nung nawala na si Ethan ay parang nag-iba na naman yung pakiramdam ko pag kaming dalawa lang. Pakiramdam ko ang awkward talaga. Hindi ako komportable.

“Pagpasensyahan mo na yung taong yun” rinig kong sabi niya, napatingin ako sa kanya. Nagkasalubong kami ng tingin kaya agad din akong umiwas at tumingin na lang sa plato.

“Okay lang, alam ko naman na joke niyo lang yun” I sighed, binalingan ko siya ng tingin saglit at tsaka nginitian tapos ay nagsimula ulit kumain. I heard him sighed.

“Muntik ka na raw makagat ni Potchie” natigil ako sa pagkain at napatingin ulit sa kanya, diretso lang siya ng tingin habang prenteng nakasandal sa silya at nakacross-arms. Naalala ko na naman yung araw kung paano ako tinahulan nung aso na akala ko kakagatin na ako.

Pero lakas niyang makachange topic infairness!

“Oo, pero okay naman ako” yun na lang yung nasabi ko, kasi hindi ko naman alam kung bakit inoopen namin tong topic na to.

“My ex-girlfriend gave that dog to me after our break-up, she named the dog ‘Potchie’, and she said that I should take care of that dog or else she’ll kill me” he said while smiling, as if he remembered a good memory.

Akala ko ba wala siyang girlfriend for three years? Eh bakit may ex? At bakit niya to sinasabi sakin eh hindi ko naman tinatanong?

“Ahhh…”

“We broke up four years ago” aniya sabay tingin sa akin.

Bakit niya sinasabi to? I’m not asking him right?

“Aww, okay lang yan” yun na lang yung reply ko since, wala talaga akong clue why he’s telling me this thing. Kung mahal niya pa yung girlfriend niya or naalala niya pa yung girl dahil kay Potchie, labas na ako dun right?

“She’s my first and so far my last girlfriend”

“Pero ayon sa biography mo, playboy ka raw nung college? Imposibleng siya lang ang naging girlfriend mo Mr. Montello” bigla na lang yung nalabas sa bibig ko. Ewan ko ba dito kung bakit niya inoopen yung ex-girlfriend niya sa harapan ko, he’s going to marry me right? Eh bakit kailangan pag-usapan si ex dito sa harapan ko pa at parang pinapamukha niya pang sobrang halaga nung girl sa kanya?   

Kunot noo akong tumingin sa kanya at nakita ko na nakahalf smile siya na ipinagtaka ko. Weird netong lalaking to!

“Hmmm, yes tama yung nabasa mo sa internet, but I never considered those girls as my girlfriend except for Sandra”

Ohhh, so parang nababasa ko lang sa mga love stories? Yung playboy nainlove sa isang babae tas yun di na siya nambabae ulit? Ayos. Pero sino nga ba ulit ako sa kanya ngayon? Fiancé niya na ako di ba? Hindi ba awkward kung ikukwento niya yung ex niya sakin? Pero sige hayaan mo na siya.

“Ahhhh…”

Di ko na talaga alam yung irereply ko sa kanya.

“Allergic ako sa seafood”

Nabigla ako sa sinabi niya kaya bigla rin akong napatingin sa kanya, lakas makachange topic! Kanina andun kay Sandra niya tas ngayon nasa seafood? Nakangiti lang siya habang nakatingin din sakin kaya napapataas na ako ng kilay.

“And there’s this girl that I want to kiss and hug right now—“

“Hindi ko tinatanong” di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

Aba pakialam ko ba kung gusto niyang ikiss at ihug yung Sandra? Aba first meeting pa man din namin to tas papamukha niya lang na mahal niya pa yung ex niya? Akala ko ba gusto niya kong pakasalan?

Tumawa siya at tsaka ako tinignan ng diretso habang nakangisi.

“I know, but I just want to share everything to you since we’re getting married soon. Gusto kong kilalanin mo ko Gail, I want you to know every single detail about me. I want you to know me better. Please, kilalanin mo ako, ayoko yung alam mo lang yung mga achievements ko at kung ano yung nakikita sakin ng ibang tao. I want you to see me as a different person, not the Jared Montello they know. Gusto kong iba yung pagkakakilala mo sakin sa ibang tao.”

***

Vote| Comment| Be a Fan                                                                                                                      

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

7K 549 47
A typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she...
77.7K 1.8K 40
What perfect boyfriend is?
1.3M 25.9K 81
Jelyn Benzon, a typical province girl that will work in the city as a personal maid. And she will serve a drop dead gorgeous man. An angel face with...
404K 6.7K 58
Totoo naman talaga ang kasabihan na, pag nagmahal ka kaakibat na nito ang sakit. Eh, paano kung kagaya ka ni Chandra? Nanggaling sa masaya at perpek...