Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#7: Rason

6.8K 193 9
By hyunjiwon_sg4ever


Thank you po sa lahat ng nagbabasa neto. Hihihihihi <3 Labyu all! :) 

***

Ika-pitong Kabanata: Rason

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko at iginala yung tingin ko sa buong lugar. Bigla akong napaupo nung narealize ko na nasa isang unfamiliar bedroom ako.

Shems! Anong nangyari?! 

“Hi fiancé buti naman at nagising ka na?” napatingin ako sa gilid kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko si Jerome na nakaupo sa sofa habang nakangising nakatingin sa akin.

“Asan ako?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na inisip pa yung sinabi niya. Alam kong hindi siya yung fiancé ko. It’s not him.

“Andito ka sa kwarto ng kapatid ko. Don’t worry safe ka dito” aniya sabay tayo sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin.

Pagkasabi niya nun at dahan-dahan kong iginala ang tingin ko sa buong lugar. Naalala ko yung mga nangyari kanina, napayuko ako at ibinaling yung atensyon ko sa mga daliri ko. I bit my lower lip nung napagtanto ko na nakakahiya yung nangyari kanina. I just lost my consciousness a while ago, at ang masaklap sa mga kamay niya pa. Hindi ko rin alam kung bakit yun nangyari, nakaramdam ako ng panghihina at pagod. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina.

“You’re trying to escape aren’t you?” tanong sakin ni Jerome nung makalapit siya sa lugar ko. Napatingin ako sa kanya pero agad ko ding iniwas. He’s right, that’s the thing I wanted to do a while ago. Hindi na ako nagsalita.

“Hmmm, let me tell you something… Alam mo ba na ako dapat ang papakasalan mo?”

Pagkasabi niya nun ay bigla akong napatingin sa kanya. Nginitian niya ako at umupo siya sa tabi ko. Nacurious ako sa sinabi niya, gusto kong ituloy niya yung kwento niya. Gusto kong malaman ang rason kung bakit yung kuya niya ang papakasalan ko kung siya naman pala dapat.

“Curious ka ba?” he chuckled “Hmmmm, nasabi na ng mga magulang ko sakin before na ako na lang daw yung i-aarrange marriage nila sa anak nung kasosyo nila sa negosyo. And like what you want to do, gusto ko ring tumakas. I don’t want to marry a stranger. Uhm, Ayokong matali sa kung sino, I want to enjoy my life. Siyempre nagplano akong maglayas at magpakalayo-layo. I even told my parents na si kuya na lang pero wala eh, ramdam ko na paborito nila si Kuya. He’s a big success sa pamilya kaya naman gusto nilang hayaan si kuya na pumili sa gusto niyang mapangasawa”

Tumahimik siya sandali tapos ay tinignan ako ng diretso at ngumisi, lalo akong nacurious sa kwento niya! Para siyang nambibitin eh!

“Then one month ago, my parents announced the name of the girl I’m going to marry. We’re having a dinner that time kaya andun din si Kuya. Our father told that I’m going to marry Mr. Samuel Dela Cruz’s only daughter, Saerin Gail Dela Cruz… and guess what? Sa halip na ako ang unang magreact eh inunahan pa ako nung kuya ko! Sinabi niya sa harap namin na hindi kita pwedeng pakasalan.”

Napa-anga ako sa sinabi niya. Bakit naman niya sasabihing hindi ako pwedeng pakasalan ni Jerome?

“Tapos?” tanong ko dahil di ko na kaya yung feeling na parang nasususpense ako sa kwento niya! Lakas makabitin eh!

“Dire-diretso niyang sinabi kay Dad na “He’s not going to marry her because I’ll be the one who will marry her. Ako ang papakasalan niya”. Nagulat talaga ako nung marinig ko yun mula sa kanya.” Aniya sabay buntong hininga, tumingin ulit siya sa akin and this time he’s smiling.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I don’t know kung papaniwalaan ko ba iyon. Parang imposible, imposibleng gustuhin ng isang Jared Montello na pakasalan ang tulad ko. Hindi ko talaga siya kilala pero minsan na akong nakinig sa mga kwento tungkol sa kanya dahil sa mga iba pa naming kaibigan at base sa mga kwentong yun hindi siya isang simpleng bachelor lang. Kaya imposibleng gusto niyang pakasalan ang isang tulad ko.

“Bakit naman niya gagawin yun?” tanong ko habang nakatingin sa pintuan ng kwarto “Imposibleng gugustuhin niyang pakasalan ang isang tulad ko, malayo ang agwat namin sa isa’t isa.”

“Pareho kayong mayaman,” aniya.

“He’s successful while I’m not. Kaya niya pang magpayaman at paunlarin ang negosyo ng pamilya niyo samantalang ako hindi. I can’t marry him.”

“Tss. Hindi ko alam kung bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo Gail. At hindi ko rin alam kung bakit binibase mo sa yaman at negosyo ang dahilan kung bakit ka papakasalan ng kuya ko.”

“Yun naman talaga di ba? Kaya nga may arrange marriage di ba?”

Hindi ko na alam ang pinupunto ni Jerome sa mga sinasabi niya. Tama naman ako di ba? Kaya niya ako papakasalan dahil sa kayamanan, para sa negosyo, para sa pera. Yun naman talaga ang mga dahilan kung bakit may arrange marriage di ba?

“Tss, siguro nga may point yung sinasabi mo. Pero kung yun ang dahilan ng kuya ko kung bakit ka niya papakasalan, then ako na ang magsasabi, hindi na niya kailangang pakasalan ka para lalong yumaman. He can do that on his own. Hindi ka niya kailangan dahil kaya na niya yun. At ako dapat ang papakasalan mo ngayon” aniya habang seryosong nakatingin sa akin.

I looked away. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“My brother has his own reason kung bakit ka niya papakasalan. Try to ask him para malaman mo at maintindihan mo rin siya.”

Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na tumayo na siya at nagsimulang maglakad paalis. Napayuko ako at huminga ng malalim, naguguluhan ako sa nangyayari. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung paano ko to masasagot. Kung gusto nilang i-push ang kasalang to, then I want them to answer my questions. I want to know their reason… he’s reason.

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto, indication na nakalabas na ng kwarto si Jerome. Nasapo ko ang noo ko at napapikit. Wala na talaga akong kawala, kailangan ko na talagang harapin to. Nung idinilat ko yung mga mata ko ay napadako ang tingin ko sa laptop na nakapatong sa parang study table. Tumayo ako at pumunta roon tapos ay umupo sa upuan.

Sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung sino si Jared Angelo Montello, I mean yes I know something about him pero kung siya ang lalaking papakasalan ko, then walang kwenta yung mga information na nalalaman ko.

Nung nakita ko na nakabukas ito ay hindi na ako nadalawang isip na itype yung pangalan niya dun para isearch ang biography niya. While waiting for the answers to finish loading, nasagi sa isip ko yung sinabi ni Jerome kanina. Lahat ng sinabi niya tama, pero hindi ko talaga alam kung ano ang rason niya kung bakit niya ako gustong pakasalan. I’m not even an ideal girl. Ano naman kaya ang rason niya? Tsaka napapaisip din ako kung kilala niya ba ako? I mean, hindi ako kilalang tao, may alam kaya siya tungkol sakin?

Sa halip na sagutin ang sarili kong tanong ay minabuti ko na lang na tignan yung mga sagot na nasa google. Binasa ko yung mga nakalagay doon, at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya. I can’t believe that this guy just wants to marry someone like me. Nanliliit ako sa sarili ko dahil sa kanya. He’s twenty three years old yet he’s already the CEO of La Fierté Corporations. Graduate siya ng Architecture sa Wiesel University, tapos siya pa yung top student ng batch nila. Tapos nakalista pa dito yung mga achievements niya na nakakapanlula. Andito rin yung listahan ng mga bahay na siya ang nagdesign. Such a wow!

At sa totoo lang, nanliliit talaga ako. Kung naiintimidate ako kay Ethan, mas naiintimidate ako sa kanya. Tinignan ko yung mga personal information na nandito about him. Ang sabi dito, he was once a playboy when he was in college, pero after daw grumaduate ay nagbago daw ito. For three years, walang nabalitaan na naging girlfriend or what.

Talaga? Parang imposible naman na wala. Tinitigan ko yung mga pictures niya dito at parang hindi talaga ako makapaniwala na siya ang mapapangasawa ko. Hindi talaga kapani-paniwala. Nakaencounter na siguro siya ng mga babaeng successful tulad niya yet ako lang ang magiging asawa niya? Imposible!

.

.

.

.

“Tapos ka na bang kilalanin ako?”

Bigla akong napatayo sa sobrang gulat nung marinig ko ang boses na yun. Shocks! Nagulat ako at biglang nagpanic nung makita ko siyang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Teka anong gagawin ko? Biglang bumilis yung heartbeat ko at para akong kinakabahan. Wahhhhhh! Bakit ganito? Napahawak ako sa batok ko at pilit na tumawa. Shems.

“Uhm, ano… kasi ano…”

Hindi ko alam yung sasabihin ko. Paano naman niya nalaman na siya yung sinesearch ko di ba? Nakakahiya tuloy!

“Relax, I’m not asking why you are searching information about me. I’m just asking kung tapos ka na” he said while chuckling, which caught my attention. Napatingin ako sa kanya, and I admit, he’s so handsome lalo na pagnakangiti, parang it’s so genuine. Nakakamesmerize. Parang ang sarap sa feeling na lagi mo siyang makikitang nakangiti.  

Ayyy tokwa? Ano daw yung sinabi ko kanina?

Napayuko na lang ako. Biglang bumalik sa isip ko yung mga unanswered questions sa utak ko kanina. Napatingin ulit ako sa kanya at naupo siya sa upuan na nasa harapan ko. Ipinatong niya yung dalawang siko niya sa mesa tsaka pinagsama ang mga daliri ng parehong kamay at tsaka ipinatong ang baba rito habang nakatingin sa akin. 

“Have a seat. Let’s talk, Gail. I know you have a lot of questions right now.” Sabi niya then biglang naging seryoso ulit yung mood sa paligid. Hindi talaga sanay sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Para kasing kilala niya ako eh where in fact hindi naman kami magkakilala personally.

Unti- unting bumalik yung mga nararamdaman ko. Seeing him again and knowing that he’s my fiancé was so unexpected. Umupo ako sa upuan at napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

“Ikaw yung lalaki sa bar…” panimula ko. Naalala ko yung sinabi ni Jerome kanina, isang buwan na ang nakalipas mula ng ipakilala ako sa kanila. “Alam mo na ako yung fiancé mo” hindi ako nagtanong, I’m stating a fact. Ibig sabihin, alam na niya that time kung sino ako.

“Yes,” he sighed “I know that it’s you…”

Nakatitig lang ako sa kanya, habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan. Ang dami kong gustong sabihin pero walang nalabas mula sa bibig ko.

“Hindi kita kilala personally, kilala mo ba ako? I mean do you know something about who am I? Kung oo hindi mo ako papakasalan, hindi ka papayag dito.” Diretsong saad ko sa kanya, he grinned and rested his back sa sandalan. Fudge! Nadidistract ata ako sa itsura niya!

“Yes, kilala kita…” yun lang yung sinabi niya pero sobrang lakas nung impact nun sakin. After niya kasing sabihin yun ay seryoso siyang tumingin sa akin. And with that dumoble yung nararamdaman ko. Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya. Bumalik sakin yung pakiramdam nung una ko siyang nakita. I badly want to know his reason, pero I’m scared. Sa kanya ko palang nararamdaman yung ganito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga sandali na ito, hindi ako makatingin sa kanya pero alam kong diretso siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, katulad to nung naramdaman ko noong unang beses ko siyang nakita, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko when it comes to him. Para akong natatakot na hindi naman dapat. Takot nga ba talaga tong nararamdaman ko?

“B—bakit ako?” tanong ko sa kanya, avoiding his gaze. Napayuko ako at napatingin na lang sa keyboard ng laptop sa harapan ko. Kailan ba kakalma tong puso ko? Hindi na nga ata ako makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko eh.

Nakayuko lang ako at inaantay ang sagot niya, hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito at kung bakit siya ang nasa harapan ko ngayon, alam kong heto ang gustong mangyari ng mga magulang ko pero hindi ako makapaniwala na siya pala ang lalaking tinutukoy nila, pakiramdam ko tuloy ay tadhana ang naglapit saming dalawa ngayon.

Ilang segundong kaming natahimik, hindi niya ba sasagutin ang tanong ko? Bumuntong hininga ako at muling nagsalita, “Hindi ako matalino, wala akong matutulong sayo, mga magulang ko na ang nagsasabi na wala akong magandang magagawa, hindi rin ako maganda kumpara sa mga babae na nakakasalamuha mo, pwede kang tumanggi sa mga magulang ko, wala ka talagang mapapala sakin. I’m a failure, and you don’t need to have me with you. Magiging pabigat lang ako sayo” Mahina kong sambit, I bit my lip para mapigilang maluha, not now. Pero masakit kasi yung moment na nilait mo yung sarili mo sa harap ng isang makapangyarihang tao, sa isang taong marami ng maipagmamalaki. Pero sabagay, sabi nga ng mga magulang ko, siya marami na siyang nagagawa kahit na ang bata niya palang, samantalang ako sa paningin nila, wala.

Nilaro-laro ko yung keyboard ng laptop to divert my attention, I heard him sigh, hindi ko pa rin siya tinitignan. I don’t have the courage to do it, bukod sa dahil pinahiya ko na ang sarili ko sa kanya, iba talaga ang nagiging reaksyon ko kapag nakikita ko siya. Parang may something sa kanya na nagiging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

“Bakit ikaw? Kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang kailangan ko. I don’t care about you’re flaws, as long as you’ll end up being with me, it’s okay. I only want you to be mine.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya na naging dahilan para magtama ang tingin namin, seryoso siyang nakatingin sa akin. At lalong lumakas ang tibok ng puso ko, kaya agad na napadako ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko, paano ko mapapakalma ang puso ko? Hindi rin ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko at dagdag mo pa tong abnormal na tibok ng puso ko. Hindi rin nakaligtas yung ginawa ko sa kanya, napadako ang tingin niya roon kaya agad kong tinanggal yung kamay ko doon at dahan-dahan itong naikuyom. Binalik niya ang tingin sa akin and he grinned, kaya napatingin ako sa gilid. I admit na mas gwapo talaga siya sa personal kesa sa nakita kong mga pictures niya kanina.

“I’m going to make you fall for me… too”

Hindi ko na gaanong narinig yung huli niyang sinabi dahil mas nangibabaw yung lakas ng tibok ng puso ko kesa sa sinabi niya. Nakakapanghina kasi talaga! Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan!

“Hindi kita maintindihan” sabi ko sa kanya, at alam kong alam niyang hindi ko siya naiintindihan. “Hindi ko maintindihan ang rason mo Ja—Jared. Hindi” umiiling kong sambit.

“Of course you won’t understand me Gail kasi hindi mo ako kilala, you don’t know anything about me” he said with a serious tone, matalim ang tingin niya sakin. Napatahimik ako, tama siya hindi ko siya kilala. Kaya hindi ko siya maintindihan dahil hindi ko siya kilala.

“Hindi mo ako maiintindihan kapag sinabi ko sayo ang rason ko kung bakit kita gustong pakasalan. Kaya hindi ko na lang sasabihin Gail. I’ll make you think of my reason. I want you to answer your own question” tumigil siya sandali at tsaka bumuntong hininga, he bit his lower lip na parang pinipigilan niyang maglabas ng kahit anong emosyon. Pinikit niya sandali ang mga mata tapos ay muli akong tinignan.

“Ipaparamdam ko sayo ang rason ko”

***

Vote| Comment| Be a Fan 

Continue Reading

You'll Also Like

697K 20.3K 67
(~WATTYS2018 WINNER~) Muntik nang himatayin si Dylan Eros dahil sa gulat pagkatapos niyang mag-over-the-bakod mula sa sarili nilang bakuran. He's sne...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...
662K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...