Ang Boyfriend Kong Bading [CO...

By AKOSICRAZYGIRL

219K 4.9K 152

[NO SOFT COPIES/NEW VERSION/ COMPLETE] Perfect body. Gwapo. Kinababaliwan ng mga babae kaso bading pala siya... More

Ang Boyfriend Kong Bading
Chapter 01:
Chapter 02:
Chapter 03:
Chapter 04:
Chapter 05:
Chapter 06:
Chapter 07:
Chapter 08:
Chapter 09:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16 :
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20 :
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38: - SIDE STORY -
Chapter 39: - SIDE STORY-
Chapter 40:
EPILOGUE:
[PROMOTE!!!] ANG ASAWA KONG BADING * Teaser*
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!]FOOLISH HEART
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Chapter 28 :

3.1K 66 0
By AKOSICRAZYGIRL

Chapter 28:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

Nandito kami sa mall kasama ko ang boyfriend ko na si Eycee. Isang linggo na din ang nakalipas nung lumabas ako sa ospital, sabi lang ng doktor sa akin magpahinga ng maigi. At dahil makulit ako, di ko sinunod ang sabi ng doktor. 

"Eycee, pahinga muna tayo."

"Ano?Pagod ka na? Kulit mo kasi e." Tiningnan ko ng masama.

"Pati ba naman ikaw Eycee , sesermunan mo din ako? Ayaw ko nga magpahinga kasi ngalay na ngalay na likod ko kakatulog at boring na boring na ako."

"Ang tigas kasi ng ulo mo."

"Ano ba yan, uwi na lang tayo. Ngayon lang tayo ako nakalabas ng bahay e. Kainis ka!" Patayo na sana ako kaso bigla niya hinawakan kamay ko.

"O sige na mamaya na tayo uuwi. Pahinga muna tayo, ang matampuhin mo naman."

"Ikaw kasi eh!"

"Sorry na Chummy."  Bigla napatingin sakanya, Chummy? Anong Chummy? Luuh?

"Chummy? Bakit Chummy tawag mo sa akin?" Napansin ko para din siyang nagulat sa sinabi niya pero dinaan niya sa ngiti.

"Ayun talaga ang tawag ko sayo, yung chocopie pang-asar ko lang sayo. Chummy talaga tawagan natin."  Tiningnan ko lang siya para magtanong kaso bigla siya tumayo.

"C-cr lang ako dyan ka muna." Ayun umalis siya, minsan nagtataka ako kay Eycee kasi may pakiramdam ako na parang nagsisinungaling siya sa akin na hindi ko naman talaga alam ang dahilan. Tsaka isa pang pakiramdam ko, di ko maramdaman na mahal ko siya. O dahil kaya di ko lang siya maalala kaya maski tong puso ko di rin makaalala? Posible kaya yun? Hahaha. Ay nako , nababaliw nanaman ako.

" Fajuzia, ikaw ba yan? Ikaw nga! Long time no see. " Nagulat ako sa babaeng lumapit sa akin at may kasama siyang batang babae.

"Uhmm. Hi!" Ayun na lang ang nasabi ko sakanya at nginitian ko lang siya tapos parang nawala yung ngiti niya sa akin.

"Mommy, sino po siya?" Tanong nung batang babae, ang ganda niya naman.

"Girlfriend ng Ninong----"

"Chummy!" Hindi naituloy nung babae yung sasabihin niya kasi biglang dumating si Eycee tapos biglang napatingin yung babae sa amin ni Eycee.

"Boyfriend mo ba siya Fajuzia?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Ahh. Oo, boyfriend ko siya." Tapos nagulat siya.Napatingin na lang ako kay Eycee.

"Eycee, kilala mo ba siya?" Tanong ko tas parang napansin ko lumaki mata nung babae.

"HINDI MO KO KILALA ?!" Nagulat naman ako sakanya bigla bigla na lang sisigaw.

"Uhmm. Ms, naaksidente po kasi siya kaya di ka niya po maalala.May amnesia siya." Sabi ni Eycee.

"Ahh, di ko alam yun.Sorry Fajuzia ha. Ako si Hannah Raven Santos na kailan lang nagpakasal at ngayon ay Chua na. Parang kailan lang nag-abot ako sayo ng invitation sayo tas nagka-amnesia ka na. Grabe anong nangyari sayo?" Nginitian ko siya.

"Invitation?Invitation ng kasal mo ba? Sorry kung di ako nakapunta ha. Tsaka sorry kung di kita maalala. Pero kung di mo mamasain? Pinsan ba kita o kaibigan ?" 

"Hmm. sabihin na natin Enemy mo ako dati pero naging friends din tayo. So it's up to you kung anong iisipin mo sa akin ngayon dahil hindi mo nga ako maalala. At yung invitation na yun hindi yun sa kasal ko din sa engagement party ng iba." Tas tumingin siya kay Eycee para bang sinusuri niya.

"Nagka amnesia ka lang Fajuzia may boyfriend ka na palang iba. Nice! Alam din kaya ng boyfriend mo kung ----" 

" Uhmm. Fajuzia, pinapauwi ka na ni Tita. Tara na." Biglang singit ni Eyce tas tumingin lang ako kay Hannah na nakangiti lang sa amin.

"Ah sige na Fajuzia. Ingat kayo, sana magkita tayo ulit." Sabay tingin ni Hannah kay Eycee at umalis na sila. Tumingin ako kay Eycee.

"Ano kaya ibig sabihin nun ni Hannah?" Tanong ko.

"Ewan ko dun. May gusto ata yun sa akin e laging tumitingin sa akin." Bigla ako natawa sa sinabi niya.

"Ang feeler mo naman, may asawa na siya  di ba. Ang sabi niya pa nga kailan lang siya kinasal." Tapos bigla siyang nag-ayos.

"Eh ano magagawa mo kahit may asawa pa siya, kasalanan ko bang ang gwapo ng boyfriend mo." Sabay kindat sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapal ng mukha mo Eycee.Minsan iwas-iwasan mo naman yung pagiging hangin ha baka tangayin ka na eh." Tapos tumawa siya sinabi ko.

"Ewan ko sayo. Tara na iuuwi na kita sa ospital mong bahay." Nang-asar pa toh sa akin.

"Dyan ka magaling e, mang-asar sa akin."

"Sus, kinikilig ka naman paginaasar kita di ba?" Inirapan ko lang siya.

"Ayiee. Gusto mo asarin pa kita lalo para kiligin ka." Bigla ako napatigil sa sinabi niya at tumingin sakanya.. AHHH~ ang sakit ng ulo ko. Bigla akong may naalala pero parang hindi si Eycee ang kasama ko dun.

"Chummy, ayos ka lang ba?" Niyakap niya ako.

"Eycee." Tumingin ako sakanya.

"Ano yun, may naalala ka ba?" 

"Oo pero hindi ko malabo yung taong kasama ko. Hindi pa siya ganun kalinaw." Nagulat ako kay Eycee nung niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Sana naman wag mo na maalala yung nakaraan mo." Nabigla ako sa sinabi ni Eycee.

"Bakit naman?Ayaw mo bang maalala ko yung mga nangyari satin noon." Narinig ko lang siya nagbuntong hininga.

"Please Fajuzia, hayaan mo naman akong pasayahin kita." Di ko siya maintindihan kung bakit siya ganito sa akin. Naguguluhan ako sakanya.

"Eycee, wala tayo sa isang movie parang maging ganito kasweet at ibroadcast sa ibang tao." Napatawa na lang si Eycee at inalis yung yakap niya sa akin.

"Kahit kailan panira ka talaga ng moment." Ngumiti na lang ako sakanya.

"Ikaw kasi eh, masyado kang seryoso."

"Pero totooo naman yung sinasabi ko ha." 

"Ay nako! Ayan ka nanaman. Dapat sayo Mr. Romantiko ang tawag e." Tumawa lang.

"Ewan ko sayo, iuuwi na nga kita sa kulungan mo."  Tas hinawakan niya kamay ko.

"Sapakin kita dyan eh."

"Tss. o dali sapakin mo ang Mus-kels ko!" 

"Ayan nanaman po yung hangin! Maawa ka naman." 

"Ayaw mo nun? At least mahangin kaysa sobrang init. Ay teka, ako din pala yun. Yung sobrang hot." Wala akong reaksyon sa sinabi niya at tumingin na lang ako sa taas.

"Kayo na pong bahala kay Eycee."  At sabay sign of the cross.

"Baliw talaga toh." Sabi niya na lang.

"Okay na yun kaysa na puro yabang." Tapos tumawa lang siya at tumawa na lang din ako. At habang naglalakad kami papuntang parking lot. Tinitingnan ko lang si Eycee, tinitingnan ko kung paano ko siya nagustuhan?At bakit ganun na lang yung mga sinabi niya kanina sa akin.

"Woi. Baka malusaw na ko niyan kakatitig sa akin." Nginitian ko na lang siya, pero kung totoo naman yung sabi niyang papasayahin niya ako. Mas mabuti na sigurong kalimutan ko na yung nakaraan ko at magsimula ng bago kasama siya.

Ang sabi sa akin ni Harry noon nung nagtanong ako sakanya yung bago ako maaksidente kung saan ako galing ang sabi  niya galing ako sa Bar at nakita niya akong umiinom at nagyosi.Hindi naman siguro ako pupunta sa bar nun para uminom at magyosi kung hindi ako malungkot nun at nasaktan. Kaya dapat siguro kalimutan ko na ang nangyari.

"Eycee."

"Hmm."

" Papasayahin mo ba talaga ako?" Nabigla siya tanong ko pero ngumiti siya agad.

"Gagawin ko yun para sayo."

" Hindi mo ko sasaktan?" Biglang nawala yung ngiti niya at tumingin sa akin.

"Hindi kita sasaktan, at di kita hahayaan masaktan ng iba. Mahal na mahal kita Fajuzia." Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap ko siya.

"Thank you Eycee." 

===============

VOTE.COMMENT.FAN

(C) AKOSICRAZYGIRL :* <3

Continue Reading

You'll Also Like

53.3K 3.3K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...
113K 2.2K 37
When you fall INLOVE it doesn't matter who and what he is.. Basta ang importante ay mahal mo siya. PERIOD!!! Ang tanong MAHAL rin ba niya AKO? Eh Ba...
17.3K 868 13
Camille Joy wants to end things with Jovert who she had once flirted with. However, she's still bothered by him. Desperate to get rid of Jovert, she...
7.9K 696 35
THRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady tha...