Ang Boyfriend Kong Bading [CO...

By AKOSICRAZYGIRL

218K 4.9K 152

[NO SOFT COPIES/NEW VERSION/ COMPLETE] Perfect body. Gwapo. Kinababaliwan ng mga babae kaso bading pala siya... More

Ang Boyfriend Kong Bading
Chapter 01:
Chapter 02:
Chapter 03:
Chapter 04:
Chapter 05:
Chapter 06:
Chapter 07:
Chapter 08:
Chapter 09:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16 :
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20 :
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28 :
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38: - SIDE STORY -
Chapter 39: - SIDE STORY-
Chapter 40:
EPILOGUE:
[PROMOTE!!!] ANG ASAWA KONG BADING * Teaser*
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!]FOOLISH HEART
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Chapter 23:

3.8K 84 3
By AKOSICRAZYGIRL

Chapter 23:

POV OF TOFER SANTOS:

Ilang araw na ako hindi pinapansin ni Chocopie ko. Pag sa klase naman namin gusto ko siyang lapitan kaso baka mamaya galit pa din siya sa akin. Nagsisisi na ako sa sinabi ko sakanya, nadala lang ako sa selos at galit. Syempre sino bang hindi magagalit pagnakita mo yung girlfriend mo may kayakap na lalaki? At ang saklap pa kasi siya yung first love ni Chocopie ko. Kaya lalo ako nagalit.

"Ui Tofer, nagsosolo ka dyan?"  Si Harry pala at kasama niya si Sheena, teka teka? Magkaholding hands sila?

"Kayo ba?" Bigla kong tanong sakanila.

"Yes, Sheena is my girlfriend. Sinagot ko na siya." HUH? sinagot na siya ni Harry? Tas biglang tumawa si Sheena.

"Nagsimula kasi Tofer sa isang wish lang, ako kasi ang umamin sakanya tas ako na din ang nanligaw.Kaya ngayon kami na! Ang galing di ba?" Masayang sabi sa akin ni Sheena.

"Ang weird naman nun?" Sabi ko na lang.

"Eh weird din naman yung relasyon niyo ni Zia eh. Isa kang bading di ba? Tas nainlove ka sa isang girl at yun ay si bestfriend Zia. That is love Tofer, kahit weird ang relasyon iba ang lakas ng pag-ibig sa isang tao.Parang red horse lang yan, lakas tama." Natawa ako sa sinabi ni Sheena, tama naman yung sinabi niya eh.

"Speaking of Fajuzia? Nasaan pumunta yun, di ba umalis yun agad kanina sa canteen kasi tinatawanan natin siya."   Bigla ako nacurious sa sinabi ni Harry.

"Baka hinahanap siya. " Sabay turo sa akin ni Sheena.

"Ako? Bakit ako hahanapin, edi ba galit pa siya sa akin." Tapos nagtinginan lang silang dalawa at ngumiti.

"Tara na Sweetiepie." Biglang yaya ni Sheena.

"Wui, sagutin niyo muna tanungin ko." Pangungulit ko sakanila pero umalis na lang sila.Ano ba yan, saan kaya pumunta yun si Chocopie ko? Namimiss ko na siya eh. Totoo kayang hinahanap niya ako?

Biglang may nagtakip ng mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako." Yung boses na yan, alam na alam ko kung sino toh.

"Chocopie." Tas naramdaman kong inalis niya yung kamay niya at tumabi sa akin.

" I miss you Tofer." Niyakap niya ako bigla napangiti ako sa ginawa niya.

" I miss you so much Chocopie. Sorry sa sinabi ko nun." Tumingin siya sa akin at umiling.

"Kalimutan na natin yun.Di kita matiis, namiss kita ng sobra." Nginitian ko siya.

"Di mo ako matiis pero ilang araw mo ko hindi pinapansin. " Paawa muna ako, tapos niyakap niya pa ako ng sobrang higpit.

"Eh sorry, di ko kasi aakalain magsasabi ka sa akin ng ganun. Tsaka yung araw na yun nagselos din kaya ako." Ha? Nagselos siya?

"Kanino naman?" Tapos umiwas siya ng tingin sa akin.

"Kay Maam Management." Bigla akong tumawa, nagselos siya kay Maam?

"Bakit naman?Porke't maganda si Maam pinagseselosan mo agad?"

"Ayun na nga eh. Maganda nga si Maam tapos yung tinawag ka pa niya ang saya-saya mo pa nung lumapit ka sakanya kung umasta ka nun para wala kang girlfriend na naghihintay sayo." Seryoso? Natawa ako sakanya kaya kiniss ko siya sa noo.

"Close ko kasi yun si Maam dahil kaibigan yun ni Mama, tsaka yung araw na yun kinausap niya ako na sumali sa isang competition pero tinanggihan ko kasi ilang buwan ako mawawala dito dahil sa ibang bansa gaganapin. Eh ayaw naman kitang iwan tsaka ayaw ko din yung management competition wala naman akong alam doon." Tapos tiningnan niya lang ako.

"Naikwento nga sa akin ni Harry kanina, baka nga daw dahil sa akin kaya mo tinanggihan kasi nakausap niya si Tito Tristan. Nang dahil nga sa akin kaya mo yun tinanggihan." Napansin ko na parang nalungkot siya.

"Chocopie naman eh, ayaw ko naman talaga sumali doon. Kung kakausapin mo ako tungkol doon at pipilitin di pa rin ako papayag." Tas narinig ko lang siya nagbuntong hininga.

"Eh baka kasi ako ang sisihin ng daddy mo." Hinawakan ko pisngi niya.

"Hindi ganun si Daddy. Maiitindihan niya ako kaya ngumiti ka na dyan." Ngumiti ako sakanya at ngumiti din siya sa akin.

"Kainis ka! Bading." Luuh? Baliw ata toh? Bigla bigla na lang magsasabi ng ganun.

"Sus. Nainis pa sa akin? Mahal mo naman kahit beki aketch!" Tas bigla siyang tumawa sa sinabi ko.

"Hahahaha. Mag gay language ka pa nga. Bagay na bagay sayo!"

"Ayyyy~ Betsung na betsung ni Ati." Tas tawa siya ng tawa? 

"Hahaha. Anong ibig sabihin nun?"

"Betsung ay gusto. Ibig kong sabihin dun gustong-gustong mo naman." 

"Isa pa isa pa! Dali, natatawa ako sayo eh." 

"Gawin ba naman clown ako nito?" Pero tinawanan niya lang ako.

"Ehh sige na. Ngayon lang kita maririnig ng ganyan eh." Pagbigyan ko na nga, tutal gusto ko siya makitang masaya palagi pagmagkasama kami.

"Ano bang bet mong aketch isavey?" Tas tumawa siya ng napakalakas. Grabe na talaga siya.

"HAHAHAHA. Benta ka talaga sa akin."

"Ahh ganun pala ah. Gusto mo pa tumawa ha?" Bigla ko siya kiniliti.

"WAAAAH TOFER! TAMA NA! HAHAHAHAH." Pero kiniliti ko pa rin siya.

"Bagay yan sayo trip na trip mo kong tawanan eh."

"EHHH ! WAHAHHAA TOFER! TAMA NA DI NA AKO MAKAHINGA!"  Tinigil ko na yung pangingiliti ko sakanya. Tapos pinahiga ko siya sa balikat ko.

"Napagod ka noh?" Tanong ko sakanya.

"Oo pero ayos lang. Sulit naman kasi pinatawa mo ako. Thank you Tofer." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Wala yun." Hinalikan ko siya ulo.

"Tofer."

"Hmm."

"Gusto ko yung relasyon natin hindi lang dapat magboyfriend o girlfriend. Gusto ko din maging bestfriend, kapatid, nanay o tatay ang relasyon natin. Dapat open tayo sa isa't-isa, pagmay mali ang isa sa atin itama natin at  idaan sa maayos na paguusap. Kaya ba natin yun?" Tapos tumingin siya sa akin at ngumiti ako sakanya.

"Kakayanin natin Chocopie. Gagawin natin ang gusto mo."

" Talaga?"

"Talagang-talaga!" Tapos kiniss ko siya sa cheeks.

" Bakit kailangan may kiss pa sa cheeks?"  Nginitian ko lang siya at kiniss ko din siya sa ilong at tiningnan ko yung mata niya.

" I love you Chocopie."  Pumikit siya at pumikit din ako hahalikan ko na sana siya sa labi ng biglang.

"~PRRRRRRRRT~"

"

"CHOCOPIE! ANG BAHO!" 

"WAAAAAAH! NAKAKAHIYA." Hahahaha. Bigla ba namang umutot? Ayun na eh. Hahalikan ko na biglang umutot.

"HAHAHAHAHAH. GANYAN KA PALA KILIGIN CHOCOPIE AH? UMUUTOT NA LANG BIGLA. NICE! HAHAHAHA."

"TOFER NAMAN EH!!!!!" Tas bigla siyang nagwalk-out.

"UI CHOCOPIE! TEKA LANG."

"TSEE! I HATE YOU."

"HAHAHA. CHOCOPIE,  SAGLIT LANG NAMAN!" Hinabol ko siya wala akong pakielam kung madaming estudyanteng tumitingin sa amin.

"EWAN KO SAYO!"

"CHOCOPIE! MAHAL KITA KAHIT GAANO PA KABAHO ANG UTOT MO! MAMAHALIN PA RIN KITA HANGGANG TUMANDERS TAYO! I LOVE YOU FAJUZIA CERVANTES!" Bigla siyang tumigil kaya lumapit ako agad sakanya at niyakap ko siya.

"Kainis ka naman eh. Bakit kailangan mo pa ibroadcast yun? Okay na eh." Tas parang iiyak na siya at natawa naman ako. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"O sige babaguhin ko sinigaw ko kanina, okay lang ba?" Tapos umu-oo siya.

"Pero bago ako sumigaw , wag kang umiyak."  Tiningnan niya ako.

"Di naman ako umiiyak eh." 

"Wushuu. Iiyak ka na nga dapat eh." 

"Hindi ah." Tinawanan ko na lang siya, at bigla kong inakbayan. Tumingin ako sa mga taong nakatingin sa amin sa Univeristy.

" HELLO SAINYONG LAHAT ! AKO SI TOFER SANTOS, ANG KILALANG NIYONG BADING SA UNIVERSITY NA ITO. GUSTO KONG MALAMAN NIYO NA BADING PA RIN PO AKO NGUNIT SUBALIT DATAP'WAT NAGMAHAL PO AKO NG BABAE AT SIYA SI FAJUZIA CERVANTES. "  Humarap ako kay Fajuzia at tinitigan siya.

" MAHAL NA MAHAL KO SI FAJUZIA AT ALAM KO SIYA NA ANG BABAENG PAPAKASALAN KO SA SIMBAHAN KAYA GUSTO KO MASASIKHAN NIYO ANG ADVANCE KONG PROPOSAL."  

"To-tofer anong gagawin mo?" Lumuhod ako sa harap ni Fajuzia at alam ko madaming estudyante na nagulat sa ginawa ko maski siya din nagulat. At ngayon may naririnig ako na nagchecheer sa akin may nagvivideo na din sa amin at nagpipicture.

"CHOCOPIE, FAJUZIA CERVANTES! WALA AKONG MAIIPAKITANG SING-SING SAYO  AT SAKANILA PERO GUSTO KONG ITONG ITANONG SAYO."  Huminga muna ako ng malalim at tumingin ulit sakanya.

"WILL YOU MARRY ME?" Daming tumili ng dahil sa sinabi ko. Buo na ang pasya ko, hindi man siya ang una kong minahal siya naman ang una kong babaeng papakasalan at ang huli kong iibigin at patuloy na mamahalin.

"Yes." Bigla ako napatalon at niyakap ko siya, at Hinalikan ko siya. Madaming pumalakpak sa amin.

"Ayan hindi ka na umutot ha." Pang-asar ko sakanya.

"Tse, simpleng utot lang yung nangyari kanina bigla ka naman nagoffer ng kasal. Kakaiba ka talaga."

"Pero minahal mo."

"Kahit ano pang kaweirduhan mo at gender mo mamahalin pa rin kita Tofer."

"Ayan ang gusto ko sayo eh." Tapos tumawa lang kami.

"MAY I INTRODUCE, MY FIANCEE , THE SOON TO BE MRS.SANTOS! FAJUZIA CERVANTES-SANTOS."

==========

     VOTE.COMMENT.FAN

(C) AKOSICRAZYGIRL <3 :*

Continue Reading

You'll Also Like

997K 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.4K 283 43
Ybañez #1 --- It was fun while it last. 2016
2.7K 144 57
Ang tula ng kabanata, Ay siyang inspirasyon ng may-akda. Tula na ang bawat salita'y, Tumatagos sa puso ng nagbabasa. Kabanata ang siyang nagsisilbing...
172K 1.3K 102
Hi sa mga bored diyan na walang iba na magabasa ng qoutes. ;) Basahin niyo to ah! PrettypLease!! :* P.S I don't own anything from this book...