High School Superstars [On-go...

By Akatsuki_Haru

8.9K 441 159

Basketball Superstars book 2. 1 year later.. another set of Interhigh and superstars have immerged. The young... More

Start
1. Who's That Pokemon
2. Who Is He?
3. Consciousness
4. Peaceful World
5. Jeremiah
6. Close To You
7. Annoyance
8. Sermon
9. Beg
10. The Good News
12. Jershey Number 3
13. Opening
14. Stephen Gets On
15. A Superstar
16. Talking While Playing
17. Balancing The Stamina
18. 5 Minutes Remaining
19. Close Game
20. Uncontrollable
21. Fake Reaction
22. Road Game
23. Volleyball Girls

11. New Player

302 20 16
By Akatsuki_Haru

Stephen's POV

"Ang saya! Makikita ko na namang maglaban si Herrera at si Kuya Reggie." Rinig kong sabi ni KC. Buhay na buhay siya ngayon.

Ayos lang atleast mukhang absurb na niya 'yung nangyari. Pero sino ba si Herrera? Narinig ko na siya. Baka isa sa sikat na player. Magaling siguro.

"Excited ako sa practice game mamaya." Sabi naman ni Resty.

Lumipas ang oras. Naboboring ako. Ganito pala kapag walang masyadong kausap. Sayang hindi nagpasulat si Sir Vic. Nakita ko sa canteen sila Mercado. Talagang hindi na ako pinansin ni KC.

"Damasco." Tawag ng isang classmate kong lalaki. Tumabi siya sa'kin sa upuan. "Mabait naman ang mga Teacher dito."

"I know."

Naalala ko si Miss Rose. Napaka-friendly niya sa mga estudyante. Minsan lang ako makakita ng tulad niya. Pero siya ang Teacher na hindi pwedeng bastusin lang. Dahil kayang humiwa ng sermon niya. Hindi na kailangang idaan sa sigaw. Mas matindi kay Mommy.

"Balang araw magugustuhan mo din sila."

Akala yata niya nagtatampo pa ako. "Bago lang kasi ako." Pagdadahilan ko. "Pero hindi ko na kailangan pa sila. Magturo lang sila--okay na."

"Sabagay." Sumandal siya at humigop ng juice.

"Damas!" Rinig ko mula sa likod. Si Oyo lang ang tumatawag sa'kin ng Damas bukod sa alam ko ang boses niya.

Hindi ko siya nilingon. Hindi naman ako takot sa kaniya. Alam ko na ang ugali ng katulad niya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi namin.

"Sama ka naman sa'min." Yaya niyang bigla.

"Saan?" Simpleng tanong ko. Wala akong planong makisama sa kanila noong una pero nagka-interes ako ngayon. At kaclose nga pala niya si KC. Ano kaya ang iisipin nila kapag nakasama ko ang taong 'to. Hindi malayong pag-usapan nila ako.

"Nagdodota ka ba?"

Sabi ko na nga ba. Hindi mawawala ang mga ganun. "Hindi na." Sagot ko.

"Bakit?"

"Wala na akong hilig."

"Tara laro tayo. Ano naman ngayon?"

"Wala bang player?"

"Itong mga 'to kasi.." Tinuro niya ang kasama niyang classmate din namin. "Nakakasawang kalaban."

"Sige." I'll try. Pero napansin ko lang na marami siyang katropa sa 4rth year. Medyo respetado din siya. Nakakatuwa lang na ang bestfriends niya ay mga inusenteng classmate namin. Medyo under niya pero alam kong mabait siya. Naalala kong nagbago na siya. Siguro dati siyang barumbado.

Pagdating ng uwian ay kasama ko sila. Nakita pa namin sila KC. Nakipag-asaran pa si Santos kay Oyo pero alam kong visible ako sa kanila. Gusto kong isipin na nagpapapansin na naman sa'kin si KC. Matapos naming maglaro ay lumabas kami ng computer shop. Nagpunta kami sa tindahan. Bumili siya ng yosi. Binigyan niya pa ako.

"Hindi ako naninigarilyo." I said.

"Alam ko. Inalok lang kita." Umupo sila sa upuan. "Uuwi ka na ba?" Tanong sa'kin.

"Nope." Bumili ako ng pagkain. Nilibre ko sila.

"Masaya sa school natin." He suddenly said habang tinatanggap ang pagkain na binili ko.

"Oo naman." Sang-ayon naman ng kasama namin. Tatlo na lang kami.

"Kung nasaan kang school, doon ka masaya. Ipaglalaban mo pa." Sabi ko naman.

"Hindi din." Tutol ni Oyo.

Napatingin ako. Parang sinasabi niya na iba talaga ang school na 'to.

"Bakit?"

"Tatlong taon ako sa first year. Hindi ako makapasa dahil ang dating school ko ay priority lang ang masisipag. Inaamin ko na hindi ako masipag talaga. Sa totoo lang ayoko nang mag-aral. Hanggang sa hindi na ako tinanggap sa ibang school kaya sa SJA na ako pumasok. Which is last chance na dahil ayoko talaga sa school natin ngayon. Konti lang naman ang estudyante kaya tanggap agad sila ng tanggap kahit masama ang reputasyon ng estudyante as long as may pangbayad. Kaya si Mommy at Daddy ay alam na dito ako sa SJA may pag-asa. Even ayaw din naman nila." Tumingin siya sa'kin. "Bakit ka nag-enroll sa school natin ngayon?"

"Wala nang tumanggap sa'kin." Sagot ko. "Pwede kasing late na mag-enroll eh kaya pumasok na ako. Tutol din ang ilan sa kamag-anak ko pero wala naman silang nagawa dahil miski sa public--hindi na ako tinanggap."

"Ganun ba?"

"At wala akong paki kung pangit magturo o masasama ang estyudante. Kilala ko ang sarili ko. Mag-aaral ako hanggang makapasa. 'Yun lang naman ang mahalaga."

"Wow astig."

Nakipag-apir pa siya sa'kin. "Teka, bakit mo sinabi na maganda sa school natin?" I asked.

"Oo dahil tutok sila sa masasamang estudyante. Ayaw ng iba dahil naiinis sila. Pero gusto ko. Akala mo ba kaaway ko si Mrs. Butalid? Paborito ako nun." Tumawa sila pareho. Favorite Teacher ko 'yun ah.

"Bakit?" Litong tanong ko.

"Sa tuwing magpapapirma ako sa kaniya ng clearance, pumipirma agad siya. 3 years ko na siyang Teacher sa science. At dahil lang ayaw niya akong bitawan. Sinusundan niya ako. Naging advicer kasi namin siya nung first year. Lagi akong alaga sa kaniya. Pero makikita talaga ng mga tao na kaaway ko siya dahil sinisigawan ako. Pero ni minsan hindi niya ako pinalabas ng room na trade mark niya. Galing no? At may utang ako sa kaniya dahil nagtitinda siya ng mga damit. Hindi na nga niya ako siningil."

Tumawa na naman sila. "Kaya gusto mo sa school natin." Tumawa din ako.

"At alam niya ang taste ko ah. And isa pa, sa tuwing inuutusan niya akong ibili siya ng softdrinks, laging may libre. Gusto niyang makatapos ako alam ko 'yun."

"Well, siguro nga paborito ka niya."

"Pero sabi naman si Sir Vic, may kaniya kaniya naman daw kakayahan ang mga estudyante. Nakatago lang kaya pilit nilang nilalabas."

Seryoso akong nakinig kay Oyo. Siguro gusto niyang ipagtanggol ang mga Teacher dahil alam niyang galit ako sa mga ito. Umuwi ako. Naalala ko ang dating school ko. Parang totoo nga ang sinabi ni Oyo. May mga Teacher na mas lalo pang tinuturuan ang marurunong na kesa sa nangangailangan talaga ng totoong tulong.

Pumasok ako kinabukasan. Naging mapagmatyag ako sa mga Teacher dahil sa sinabi ni Oyo. Pumasok si Miss Rose. "Kylie." Tawag niya agad sa isang classmate ko. Nakataas pa ang paa nito. Siya 'yung classmate kong puro 4rth year ang kasama at mukhang tamad.

"Ma'am?" Sagot nito.

"Saulado mo na ba 'yung pinapasaulo ko?"

"Not yet, Ma'am." Sumama ang tingin sa kaniya ni Miss Rose.

Sinaulo namin 'yun and syempre saulado ko na. Madali lang naman. Pero bakit si Kylie lang ang sinabihan niya? "Mag-usap tayo mamayang breaktime niyo ah." Sabi ni Ma'am kay Kylie. "Ipapatawag ko ang magulang mo kapag hindi mo ako sinunod. Ang mahal mahal ng tution ayaw niyong mag-aral." Humarap siya sa'min. Napatingin siya kay Oyo. "Oyo!"

"Ma'am saulo ko na 'yung kalahati." Nagtawanan sila.

"Pag bumagsak ka sa periodical, magkakaroon ka sa'kin ng special study ah tandaan mo 'yan!" Pinagbantaan niya pa ito. "Lagot ka kay Sir Vic mo." Duktong pa.

Saka ko narealize na totoo ang sinabi sa'kin ni Oyo. Dumaan ako sa isang room ng matapos ang breaktime. Narinig ko ang isang teacher na kausap ang estudyante. "Mamimiss kita." Sabi ng Teacher.

"Matagal pa ang graduation, Ma'am!" Sa tono ng pagsasalita nito ay halatang medyo badgirl ang dating.

"Alaga kita. Utos 'yan sa'kin kaya napamahal na ako sa'yo."

Nagtaka ako. Anong alaga? Hindi kaya si Oyo ay alaga ni Mrs. Butalid? Siguro nga. Nakita ko si Resty na nakarubber shoes. May practice game sila. "Hoy Resty, galingan mo ah." Sabi ng teacher namin. "Kada score mo may point ka sa'kin sa grade." Pagbibiro pa nito.

"Talaga, Ma'am?"

"Oo."

"Yun lang pala. Sure 'yan, Ma'am ah."

"Pero kapag may error ka, bawas." Nagtawanan lahat. Oo nga naman.

"Ma'am, naman eh." Reklamo ni Resty.

"Usapan 'yan ah. Sige na, umalis ka na."

"Pa'no, Ma'am kung puro error?" Tanong ng isang classmate ko.

Sumagot si Oyo. "Bagsak." Tawanan na naman.

Napansin ko sila sa gym pagdating ng uwian. Nadaanan ko pa sila KC. Dinaanan lang ako. Nakakainis ah. Narinig ko pang sumigaw siya.

"KUYA REGGIE. GALINGAN MO!"

Medyo pansin ko sa kaniya na attracted siya sa mga player. Nakilala ko na siya ngayon. Pero parang sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi talaga siya mahilig lumandi. Iba ang pagkakakilala ko sa kaniya. Nagsisi tuloy ako. Nakabuo ako ng pasya. Oras na pansinin mo uli ako. Marami akong ipapagawa sa'yo at sure akong walang magagalit na teacher sa'kin.

-

Reggie's POV

Nasa practice game kami ngayon. Hindi naman sira ang laro ko dahil lagi akong kasali sa Junior Division tuwing may liga sa'min. At halos everyday din naman akong nagbabasketball. Pero pinangako ko sa sarili ko na hindi ako maglalaro sa school. Nasira ang pangako ko dahil kay KC. Gusto niya ang tulong ko para sa kapatid niya. Alam ko 'yun kaya mahirap tanggihan. Bahala na sa sasabihin ng iba. Mahina ang team namin. One week na lang magpapasa ng ng line-up ang Coach namin. Mabibigla sila kapag nakitang kasali ako. Kailangan kong magpractice maigi ngayon ng seryoso dahil wala akong kapalitan. Oras na mapagod ako o gusto akong ipahinga--wala na ang team namin. Kaya kailangang ibabad ako mula una hanggang sa huli para kahit papaano makasabay kami. Malamang tatambakan lang kami ng malalakas na team. Ayos lang basta manood ang iba sa mga kakampi ko. Suporta lang naman ang kailangan--masaya na sila.

"Ron." Tawag ko sa kateammate ko.

Iumapit siya. "May ipapagawa ka na naman ba, Reggie?" Tanong niya.

"Mamayang uwian, magpunta ka sa Faculty Room. May ipapagawa sa'yo si Mrs. Alarcon."

"Na naman!"

Medyo inis siya. "Kailangan mong sundin ang mga Teacher. Ayaw ka ngang payagan na sumali sa Team. Nakiusap lang si Sir kasi magaling kang maglaro."

"Oo na."

"Hindi pwedeng may bagsak ka."

Lumapit sa'kin ang lahat. "Reggie." Tawag sa'kin ni Cardona. "Makakapanalo kaya tayo?"

Umupo ako at uminom ng tubig. "Ienjoy niyo lang. Malay niyo makachamba tayo. Malamang may makakalaban tayong katapat natin."

"Pressure 'yun." Sagot ng isa.

"Tama." Sabi ko. "Kaya kailangan niyong magpractice maigi. Malay mo tumatak sa dadating na interhigh ang isa sa laban natin. Kahit hindi tayo magchampion--kailangan nating galingan."

Hanggang sa nag-uwian na. Nakita ko sila KC. "Hi Kuya Reggie." Bati ni Rachel.

"Excited na ako." Sabi naman ni KC.

"Bakit naman? Mahina tayo. Huwag kayong umasa." I said. Hindi sa nega ako. Katuwaan lang kasi para sa'kin ang sumali sa team.

"Bakit naman?"

Napansin kong nakatingin si Cristine sa'kin. Umiwas din agad at humawak ng phone. "Basta. Don't expect too much."

"Okay lang. Mas excited lang kasi. Plano ko talagang manood. Nakachat ko si Danielle kanina. Excited talaga ako kasi makakasama ko silang manood ng laban ng ANHS." Masiglang sabi ni KC.

Biglang lumapit si Rachel para bumulong. "KC, si Stephen oh. Kasama na naman si Oyo."

Napatingin din ako sa lalaking pinag-uusapan nila. Biglang lumapit kay Rachel 'yung isa. "Santos, pautang nga ng sampung piso. Kulang lang ang pamasahe ko. Nashort ako."

"Wala na akong pera. Ewan ko sa'yo, Oyo!"

"Sige na naman. Babayaran naman agad bukas, damot neto."

Nakatingin lang kami pero nagsalita 'yung isa. Si Stephen. "Ako na ang bahala sa pamasahe. Huwag ka nang mangutang."

"Yon!" Umalis na si Oyo.

"Computer kasi ng computer." Galit na sabi ni Rachel. Napansin kong nakangiti lang si CJ.

"Kasama na naman niya si Oyo." Medyo may halong pagtatampo na sabi ni KC.

"Okay na ba kayo?" Tanong ko.

"Wala kaming pansinan. Hayaan mo siya."

Hanggang sa wala na sila sa paningin ko. Sayang ang school namin. Marami sanang nasa tamang edad na pwedeng player pero mga walang hilig magbasketball kahit marunong naman. Kinabukasan. Umupo kami sa ilalim ng court matapos naming maglaro. Kinuha ko ang phone ko at nagtext. Naglalaro pa ang iba pero tatlo kaming nagpapahinga na.

Naalala ko si KC. Nakatingin ako sa kapatid niya. "Cardona." Tumingin siya at lumapit.

"Bakit?" Bigla siyang umupo.

"Kaclose mo ba si CJ?"

"Sinong CJ?"

"Yung laging kasama ng kapatid mo?"

"Ah oo si Cristine. Hindi ko nakakausap 'yun." Tumingin siya sa'kin. "Bakit?"

"Pwedeng pakiusapan mo si KC na ibigay sa'yo ang number niya." Seryoso lang akong nagtetext habang kausap ko siya.

"Ikaw na, Reggie. Kaclose mo naman kapatid ko. Nakakahiya baka sabihin ako ang may gusto." Dismayado siyang tumayo at nakipag-agawan sa bola.

Nakakainis. Hindi siya maaasahan. Nahihiya kasi ako kay KC. At ayoko naman na humingi ng tulong. Crush ko talaga si CJ. Isa na din siguro sa dahilan ito sa pagsali ko sa team. Nakita namin na aksidenteng nasipa ang bola kaya tumalsik ito sa malayo. At ng kukunin na ito ng kakampi namin ay napansin namin ang isang estudyante na pinulot ang bola. May dala itong bag. Uwian na kasi. Papalapit siya. Teka, siya si Stephen ah. Bakit kaya siya nandito?

Nakaupo din ang Coach namin. Napansin kong lumapit siya doon. "Damasco, akina ang bola!" Sigaw ni Resty.

Sumenyas ito na sandali lang. Nakatingin lang ako. "Sir." Napatingin si Sir sa kaniya. "Sasali ako sa team."

Nabigla ako. Bakit ngayon lang niya sinabi. Tumayo si Sir. "Tapos na ang tryout. Bakit ngayon ka lang nagsabi? Pinagbabawal ko na ang magsali dahil sinabi ko na ito. Kahit marunong ka pa, hindi ka na pwedeng isali dahil 'yun ang patakaran ko."

"Hindi po ba pwedeng humabol?"

"Hindi na. Superstar lang ang pwede. Hindi niyo na ako ginalang eh. Napagod ako sa pag-aanunsyo tapos mahuhuli ka. Lumabas ka dito sa gym. Hindi ako papayag."

"Damasco." Tawag uli ni Resty. "Marunong ka ba? Sabi mo hindi."

Hindi na pinansin ni Stephen si Resty. Nakatingin siya sa teacher. "Ganun ba Sir?"

Tapos sumenyas siya sa tropa na umusod sila para makadaan siya. Ano ang gagawin niya? Nagsitabihan ang lahat. Nakatingin lang sa kaniya ang Coach. Magpapasikat? Akala naman niya makukumbinsi niya si Sir. Tinanggal niya ang bag niya at tumingin sa ring. Pero bigla niyang hinagis ang bola at tumakbo. Sinundan niya ito kung saan ito babagsak. Nang tumalbog ang bola ay bigla siyang tumalon.

Natulala kaming lahat sa ginawa niya. Bumaba siya na medyo na off ballance pa. Walang makapagsalita. Umuuga pa ang board ng ring sa mga oras na ito. Sobrang tindi ng ginawa niya. Tumingin ako kay Coach. Napanganga siya sa nakita.

To be continued ....

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
1.7M 72.1K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...