Jinxed Series: Lost Lines

By EuropaJones

12.1K 1.1K 183

Calvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko... More

Author's Note
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six

Chapter One

759 48 8
By EuropaJones

Calvin Trazo

ONCE upon a time, there was a thirteen-year-old boy who spend all of his summer vacations in an island called Palawan.

Ako 'yon. Hawak ko ang sarrangola, tumatakbo sa buhangin, ilang metro ang layo sa bahay namin, at wala akong saplot sa paa dahil malambot at pino ang buhangin. Tirik ang araw, mahapdi sa balat. Asul ang kahabaan ng tubig, at lumalagaslas ang alon sa buhangin. Walang kasing sariwa ang amoy na dala ng mainit na hangin.

Dito sa Palawan sinilang at ikinasal ang mga magulang ko. Dito din nilibing ang Mama ko matapos maging flat ang linya sa heart monitor screen, lumabas ako sa sinapupunan niya, at umiyak sa unang pagkakataon.

Umihip nang malakas ang hangin at kailangan ko tumakbo para itaas pa lalo ang saranggola. Hanggang sa...

SNAP!

...naputol ang string. Pinanood ko ang saranggola na humantong sa sanga ng buko.

Plano kong akyatin ang saranggola. Kahit sa Maynila ako pinanganak at lumaki, marunong ako umakyat ng puno. Pinapanood ko ang mga manggagarit ng tuba. Simple lang naman. May ukit ang tree trunks, kailangan mo lang umapak at humawak. Listo ka dapat. Bawal ang tanga.

Aakyat sana ako kaso may humawak sa braso ko. Lumingon ako.

Ngumiti sa akin si Girlfriend #3. Konserbatibo ang tatay kong sundalo. Matapos pakasalan si Mama, ayaw na niyang humarap ulit sa dambana. Kasi kung wala daw makakapantay sa nanay ko, di daw dapat iharap sa altar. Hanggang sa mamatay siya noong 41 years old ako, umabot siya ng hanggang fifteen girlfriends. Walang asawa. Totoo ang true love.

Sa lahat ng karelasyon ni Daddy, si Tita Harriet (Girlfriend #3) ang pinaka paborito ko. By far, she was also the longest relationship my father had after my mother. Bakit ko siya paborito? Teka. Ipapakita ko sa 'yo.

Dahan-dahang lumutang si Tita Harriet, laglag ang pinong butil ng buhangin sa kaniyang paa. Hinangin ang kaniyang bestida at buhok habang dahan-dahan siyang lumulutang. Tumigil siya sa tuktok ng palm tree, at kinuha ang saranggola ko. Saka siya bumaba, at lumapat ang mga paa niya sa buhangin.

Kung loko-loko si Tita at sasabihin niya sa akin na totoo si Santa Claus at Rudolf, sa edad kong thirteen, maniniwala ako. Hanga ako sa mga kaya niyang gawin. Nakilala siya ni Daddy sa labas ng Quiapo Church. May puwesto doon si Tita Harriet bilang manghuhula.

Sabi niya, mali ang term na hula kasi hindi naman gawa-gawa ang tadhana. Diyos daw ang lumikha ng ating mga palad, kaya Siya din mismo ang gumuhit nito. Para sa mga katulad ni Tita, binabakas nila ang linya sa palad ng mga tao, pipikit sila, at makikita ang vision—ang hinaharap.

Madali lang daw. Para ka lang daw nanonood ng pelikula. Kailangan tignan ang setting, ang mga bida, ang suot nila, dialogue, ekspresyon sa mukha. Gagawan nila ng movie summary ang napanood at siyang sasabihin sa kliyente.

Binaba niya ang saranggola sa buhangin at lumuhod sa harap ko. Kinuha niya ang dalawa kong palad at sinuri ang bawat linya. Pumikit siya.

"Hmmm..." ganito palagi ang simula ng kaniyang palm reading, "Hmmm... Hmmm..."

Saka siya dumilat, tinitigan ako sa mata, at hawak pa rin ang dalawa kong palad.

Naiihi ako sa antisipasyon. Kagat-labi akong nag-antay sa sasabihin niya.

Ngumiti siya, alam na alam ang tumatakbo sa isip ko. "Sa edad na beinte anyos, makikita mo si Megara sa loob ng Wilcon Home Depot. Pumunta ka sa paint section kasi bumibili siya ng pintura para sa bahay niya."

Nirolyo ko ang mga mata. Wala ba siyang bagong sasabihin sa akin tungkol kay Megara?

Alam ko na ang lahat ng 'yon, kinekwento niya sa akin sa gabi bago ako matulog. Alam ko ang buong pangalan niya. Alam ko ang eksaktong petsa at oras kung saan kami magkikita. Alam kong salamangkero ang kaniyang ama at kuya. Alam kong tao ang kaniyang nanay. Alam kong walang bahid ng salamangka sa katawan ni Megara. Tulad ko, isa siyang ordinaryong tao.

Lumaki si Megara sa lugar kung saan lumaki si Tita Harriet—sa Olympus City. Kasama niya doon ang kaniyang pamilya. Gusto ko din pumunta doon. Dahil hindi raw ito katulad ng buhay sa lupa.

Tinatanong ko si Tita Harriet kung nasaan ang Olympus City. Titingin lang siya sa mga ulap at hindi sasagot.

"Wala bang bago, Tita?" reklamo ko.

"Katulad siya ng nanay mo. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa. Susuportahan ka niya sa lahat ng desisyon mo. At ikaw naman, mamahalin at aalagaan mo siya. Kapag bumaba na siya at tumira dito sa lupa, ikaw lang, Calvin. Tandaan mo. Ikaw lang ang pamilya na pwede niyang sandalan. Makikilala ka niya sa tagpuan niyo dahil tulad ko, nakikita ng tatay at kuya niya ang hinaharap. Tulad mo, kilala ka din niya. Hinihintay niya na magkita kayong dalawa balang araw."

Matagal pa bago malaman ng mga scientist na ang mga katulad ni Tita Harriet, kayang baliin ang batas ng gravity. Sa mga kwento ni Tita nabuo ko sa isip ang katauhan ng babaeng pakakasalan ko balang araw.

Dala-dala ko si Megara kahit saan ako magpunta. Kapag nasa restaurant ako, iniisip ko kung ano ang pipiliin niya sa menu. Kapag nasa sinehan, iniisip ko kung ano ang pipiliin niyang movie, iniisip ko kung ano gusto niyang flavour ng popcorn. Kapag nasa fitness gym, naiimagine ko siyang tumatakbo sa threadmill, pinagpapawisan.

Naiimagine ko siyang ngumiti: naniningkit ang mga mata niya, lilitaw ang kaniyang front teeth, lilitaw ang linya sa paligid ng kaniyang bibig, lilitaw ang kaniyang biloy. Tapos mapapangiti ako kahit pa naglalakad ako sa sidewalk kasi nakakahawa ang ngiti ni Megara. Madalas akong nahuhuli ng best friend kong si Jonathan Abueva na ngumingiti mag-isa.

Kahit ang paborito kong lola na si Lola Gureng, nahuhumaling sa mga kwento ni Tita Harriet tungkol kay Megara. Tapos namatay si Lola... Iniwan niya sa akin ang mga perlas na alahas na ibibigay ko daw sa asawa ko.

Hanggang sa umalis si Tita Harriet. Hiniwalayan si Daddy.

Iyon ang unang beses na nakita kong umiyak ang tatay kong sundalo. Nasa bar siya ng bahay namin sa Las Piñas, nakaupo sa stool, sapo ang noo, namumugto ang mga mata, nilapag niya ang baso sa counter at tinignan ang maliit na kahita ng kahon, kumislap ang diamante na nasa loob nito.

TULAD NG sabi ni Tita Harriet, habang binabasa niya ang linya ng palad ko noon, magtatapos ako sa kursong BS Architecture sa Ateneo de Manila, sasali ako sa varsity ng basketball, makikilala ko doon si Jonathan, ipapanalo naming dalawa ang paaralan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Haharap ako sa camera, magsasabi ng linya, ngingiti sa mga advertisements at TV commercials. Higit sa lahat, makakapasok kami ni Jonathan sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang players ng Kelogy Boozeters (isang brand ng cheap malt beer).

College ang stage sa buhay ko kung saan ako nabigyan ng spotlight bilang sikat na atleta.

Ayoko magmalinis. Pero hindi ako katulad ni Jonathan na tuwang-tuwa sa sigaw ng mga babae sa loob ng iba't-ibang basketball courts tuwing UAAP at PBA games, sa loob ng mga public establishments, and kung saan-saan pa.

Kahit tumanda ako, ayokong kalimutan kung sino si Megara sa buhay ko. Sabi ni Jonathan, madami daw isda sa dagat. Aba, kahit isda na mismo ang tumalon galing tubig, papunta sa barko ko, itatapon ko sila pabalik ng dagat kasi hindi sila ang malaking isda na hinihintay ko.

Meggy. Meggy. Meggy. Bakit hindi ka sumipot sa Wilcon Home Depot?

Excited akong mag-college dahil sa 'yo. Gumamit pa ako ng wax sa buhok, bumili ng sunflowers dahil iyon daw ang paborito mo, suot ko noon ang blue varsity jacket ng aming team na may emblem na Blue Eagle.

Tinadhana tayong magkita sa isang malaking construction shopping mall. Kasi bibili ka ng mga pintura para sa bahay mo dito sa lupa. Hinintay kita sa aisle ng Boysen, Davies, at kung anu-ano pang brand. Pumunta ako sa eksaktong oras, minuto at segundo.

Kinakabahan ako ng mga oras na 'yon. Tumitibok nang malakas ang puso ko. Humighigpit ang hawak ko sa bulaklak. Dumaan ang mga customer sa harap ko. Nakilala nila kung sino ako dahil kamukha ko ang lalaking nasa billboards, commercials, posters, at kung anu-ano pa. Dahil matingkad ang varsity jacket ko na kulay asul, nakilala ako ng mga tao.

Ayoko umalis doon kasi hinihintay kita kaya pinirmahan ko ang mga bagay na gusto nilang pirmahan ko. Ngumiti ako sa mga camera, halos nangalay ang pisngi ko, nasilaw ako sa flash ng camera. Kawawa ang mga tainga ko sa sigaw ng mga babae at beki. Yumakap sila sa katawan ko. Tumayo ako doon. Hinihintay ka.

Bumalik ako kinabukasan, sa susunod pang-araw, at sa susunod pa. Nagtataka na ang mga empleyado sa Wilcon at bakit ako laging nandoon. Paikot-ikot ako sa loob, alam ko ang bawat items dahil pinag-aaralan namin sila sa classroom. Architecture student pa ako noon. Bumili ako ng mga bagay hanggang sa nakabuo ako ng toolbox—kakahintay sa 'yo.

Bakit hindi ka sumipot?

Like the color of my varsity jacket, I had never been so blue in my life. Sa lahat ng sinabi ni Tita Harriet tungkol sa kapalaran ko, ikaw lang ang hindi nagkatotoo. Dahil wala ka, hindi nagkatotoo ang ibang aspeto sa buhay ko na ang sabi ni Tita ay mangyayari.

You broke my heart, Megara.

Walong taon ang lumipas simula noon.

From Mondays to Sundays, ang buhay ko ay umikot sa basketball practice, eliminations, quarterfinals, semi-finals, at final games. Dagdag pa doon ang mga weekend clubs at parties—matalo o manalo. In my spare time, gumagawa ako ng furniture. Miyembero din ako ng United Architects of the Philippines. Sumasali ako sa mga architectural seminar dahil required para i-renew ang aking lisensiya sa Professional Regulation Commission (PRC).

Tumibay ang friendship namin ni Jonathan at nadagdagan pa ang mga kaibigan ko dahil sa PBA. I never had the nerve to sleep with any women before Megara. Because I thought it would be cheating. So for the past eight years, hinayaan ko ang mga isda na tumalon papunta sa aking barko.

Ang laki pala ng napapalampas ko. Kaya pala kakaiba ang confidence level ni Jonathan sa buhay.

After mounting on top of Lydia, the first woman I ever fucked, I knew I didn't want to stop with her. Dumagdag pa sila. Iba-iba kada gabi hanggang sa natuto ako. Hinahanap na ng katawan ko. Tulad ni Daddy, natuto akong bumuo ng relasyon na papalitan ko din kapag sawa na kami pareho ng babae.

Tumayo ako sa tabi ni Jonathan Abueva bilang kaniyang Best Man sa harap ng altar. Sabay naming pinanood ang a walk to remember ni Shania Fanning, suot ang kaniyang wedding gown, at veil sa mukha.

Sabi nila, may epekto sa mga bachelor ang pagpunta sa mga kasal. Nakakahawa daw ito. Inggit ako sa best fried ko. Sa edad kong twenty-eight, parang gusto ko na din lumagay sa tahimik.

Pero paano ko 'yon gagawin? Tumawa na lang ako at umiling, sabay inom ng scotch.

All of those I called my woman were all pretty decent. I just broke up with my recent woman. Her name was Mercedes. We called it quits because she's two years older than me, and at her age she wanted to be like Shania, and she wanted me to be her Jonathan.

Kaso may kulang. Hindi sapat. Wala sa kanila ang katangian na hinahanap ko para lumuhod ako sa harap nila, buksan ang maliit na kahita ng kahon, at itanong sa kanila ang tanong.

Kaya tinignan ko lang ang Maid of Honor, tinabihan niya ako. Sumulyap ako pababa, inviting para sa isang lalaki ang pasilip ng kaniyang boobs. If I wasn't drunk, I wouldn't have noticed that her nipple slipped. But at that moment, I wasn't so sure if I wanted to touch her. I looked her in the eyes, and I said no.

Sumasayaw ang mga bisita ni Jonathan at Shania sa dance floor sa isang fast pop song. Naroon din ang mga teammates namin—starting five, bench players, at rookies.

Tumayo na ako. Tinanggal ang neck tie, pumunta sa lobby, binigay ang number sa valet. Hinintay ko ang pamilyar na Hummer, at nang makita ito, humarurot na ako paalis ng venue. Maluwag na ang kalsada sa kahabaan ng McKinley Road dahil malalim na ang gabi at Linggo. Mabilis akong nakarating sa aking condo sa Bonificio Global City.

Binuksan ko ang pinto ng aking unit. Out of habit, binuksan ko ang ilaw sa buong penthouse.

Wala akong marinig kundi katahimikan. Ako lang ang tanging living organism sa loob. Ewan ko. Parang bigla akong nalungkot sa kaisipan na 'yon. Sana dinala ko pauwi ang Maid of Honor kanina.

Sa loob ng walang taon, naalala ko pa din ang beinte anyos na binata sa loob ng construction shopping mall.

Isang babae lang ang pumantay kay Megara. Ang babaeng masasabi kong sapat na. Sinulat siya ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang mga nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Tama. Si Maria Clara. Kaso kathang-isip lang siya.

Tumingin ako sa paligid. Naimagine ko siyang maglakad papunta sa akin, suot ang kaniyang pink silk robe, night gown. Megara would say my name as she walked towards me, bare feet against the cold wooden floorboards. Her sweet, sweet voice, and angelic smile.

Lasing na nga siguro ako.

Suko na ako. Hindi ko na kaya.

Nilabas ko ang phone, at hinanap sa contacts ang aking Ninong Paulo. Kaibigan siya ni Daddy sa military. Parehas silang nagpapatrol noon sa Mindanao. Bilang retirement sa pagiging sundalo, nagtayo siya ng sarili niyang private investigation firm dito sa Metro Manila.

If Ninong Paulo was as good as my father said, then, maybe he could find my missing wife.

"Hello?" sabi niya sa kabilang linya.

"Hello, Ninong. Good evening. I need to talk to you."

Continue Reading

You'll Also Like

53.8K 2.9K 84
chat story #2 [Kai×Yuri] - a story of second chances. *** Highest Rank: #7 in Short Story
81.7K 2.7K 62
One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa...
17.1K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
48.8K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...