Sinful Heaven [Completed]

By 8THEPATH

387K 3.6K 325

Miggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they cou... More

Before You Read
Sinful Heaven
The Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56 Finale
Thank You!

Chapter 17

8.5K 58 9
By 8THEPATH

"Sigurado ka ba talaga na hindi ka na magpapahatid, Francine?" seryosong tanong ni Raymart nang ihatid nila ito ni Cecile sa may gate.

Alas otso na ng umaga at tumila na ang malakas na ulan. Kagaya nga nang sinabi ni Francine kinagabihan, babalik na siya sa asawa.

"Puwede naman kitang ihatid ng sasakyan kahit hanggang sa tapat lang ng inyong subdivision."

"Siya nga naman, Francine," pagsang-ayon ni Cecile. "Puwede ka naming tulungan ni Raymart na mag-explain sa asawa mo."

"Naku, huwag na. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Ayoko naman na maabala pa kayo sa mga gagawin nyo today. 'Tsaka dadaan pa kasi ako sa palengke. Kagaya nga nang sinabi ni Raymart kagabi, bumawi raw ako kay Miggy. Ipagluto siya ng masarap na pagkain.

"Sure ka?" Muling tanong ni Raymart at tumango naman si Francine. "O, sya. Ano pa nga bang magagawa ko?"

Pagkuwa'y pinara na ni Raymart ang dumaang tricycle sa kanilang harapan. Nagyakapan naman sina Cecile at Francine bago magpaalam.

"Maraming salamat sa inyo, Ate Cecile."

"Wala 'yon. Basta't kapag may kailangan ka o kung gusto mo ng makakausap, bumisita ka lang dito. Welcome na welcome ka rito anytime." Siniko niya ang kapatid na abala sa pagti-text. "Hindi ba, Raymart?"

"Oo naman, anytime." Sagot ni Raymart. Then, sumakay na si Francine sa tricycle at nagpaalam. "Ingat ka, Francine!"

---

Alas dyis na ng umaga nang magising si Vera.

Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niyang nakayakap pala siya kay Miggy. Hubo't hubad ito na tanging puting kumot lamang ang tumatakip sa katawan.

Para siyang nasa isang panaginip na ayaw niya nang magising.

Nakaramdam siya ng saya.

May namuo kaagad na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya akalain na sa loob ng napakahabang panahon ay makukuha niya si Miggy. Kusa itong nahulog sa kanyang patibong.

"Hinding-hindi na kita pakakawalan pa, Miggy," pabulong niyang pagkakasabi habang gumagapang ang kanyang daliri sa dibdib nito. "Konting-konti na lang at makukuha na kita ng buong-buo."

Makalipas ang ilang sandali ay nagising si Miggy.

Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niya si Vera na nakapulupot ng yakap sa kanya. Nakangiti ito at nagawa pang halikan siya sa pisngi nang makita siyang nagising.

"Goodmorning, Miggy ko," bati nito.

Ngunit imbis na magulat ay tinignan niya lang ito. Umikot ang mga mata niya sa mukha ni Vera na wala man lang isang salita na nasabi. Kalmado lamang siya at para bang okay lang ang lahat.

"Na-enjoy ko iyong ginawa natin kagabi. Hindi ko akalain na napaka-wild mo pala," mapang-akit nitong sabi.

But he remained speechless.

Ni hindi man lang siya nagpakita ng pagsisisi dahil pinagtaksilan niya ang asawa. Ni hindi man lang siya umiwas kay Vera nang pagkamulat niya'y ito agad ang nakita.

Mahal pa ba niya si Francine?

"Naninibago ka, ano?" Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Masasanay ka rin. Hindi ba't napakasarap sa pakiramdam na makaganti ka sa asawa mo? If I know, kaya hindi ka niya magawang pagbigyan sa kama ay dahil ayaw niyang malaman mo na naibigay niya na ang pagkababae sa Raymart na iyon. Napakataksil talaga niya."

Then suddenly, nagsalita si Miggy.

"Bakit ba... ganyan na lang galit mo kay Francine?"

Natigilan si Vera sa tanong nito.

Gusto niyang ikuwento rito ang lahat, pero ayaw niyang malaman nito na noong una palang ay hindi na siya naging totoong best friend ni Francine. Nangangamba siya na baka masira ang mga plano niya, na baka maisip nito na sinisiraan niya si Francine at gawa-gawa niya lamang ang mga pinagsasabi rito kinagabihan.

"Ah, eh..." Sandali siyang nag-isip. "Sa totoo lang, matagal na kong ginugulo ng konsensya ko. Matagal ko nang gusto sabihin sa 'yo ang mga pinaggagagawa ni Francine."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kauuwi ko pa lang galing sa ibang bansa nang ipagtapat sa 'kin ni Francine ang tungkol kay Raymart. Sinabi nya sa 'kin na nagkaroon daw sila ng relasyon simula pa noong wala ka rito. Dahil mag-best friends kami, pinagkatiwalaan niya ako na itago ang lihim na iyon."

Then she started to pretend being emotional. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Dinaig pa niya si Judy Ann Santos sa pagdadrama.

Habang seryoso namang nakatingin sa kanya si Miggy na nakikinig sa mga sinasabi nya.

"Nang layasan ka niya, doon ko na-realize na kailangan ko nang gawin ang tama. Ayoko man na masira ang relasyon n'yo, pero hindi na talaga kaya ng konsensya ko na itago sa 'yo ang totoong ginagawa ni Francine. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita na nagpapakahirap para sa kanya, pero pinagtataksilan ka lang niya." At napahagulgol nalang siya sa pag-iyak.

Ipinatong niya ang ulo sa dibdib ni Miggy at niyakap pa ito ng napakahigpit.

Then suddenly, tumunog ang doorbell.

Inalis ni Miggy ang pagkakayakap ni Vera sa katawan at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Francine, bitbit ang mga gamit nito at naghihintay sa labas ng gate.

Dali-dali siyang bumalik kay Vera.

"S-si Francine," kabado niyang sambit.

"Ano?" Tumayo siya at sumilip din sa bintana. "A-ano'ng ginagawa niya rito? Ang akala ko ba..."

"Kailangan mo nang bumalik sa kuwarto mo ngayon din."

"P-pero, akala ko ba---"

"Basta bumalik ka na!" diin na pagkakasabi ni Miggy.

Then, sumunod na nga si Vera at dali-daling lumabas ng kuwarto. Si Miggy naman ay nagmadali sa pagbibihis at inayos na rin ang kamang tinulugan.

Shortly after ay lumabas na siya ng bahay.

"Francine..." Maluha-luha siya nang makita ito at gano'n din si Francine sa kanya. Then, patakbo niyang tinungo ang gate at dali-dali iyong binuksan.

"I... I'm so sorry."

At bigla na lang silang nagyakapan.

Napahagulgol na lang si Francine sa pag-iyak na para bang nagkahiwalay sila ng napakahabang panahon.

"Patawarin mo 'ko sa nagawa ko. Hindi dapat kita iniwan. Dapat ay inintindi na lang kita. Dapat hindi kaagad ako nagpadala sa problema natin."

"Shhhh..." Hinaplus-haplos niya ito sa likuran. Then, kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ito sa mukha. "Tapos na iyon. Ang mahalaga ay nandito ka na. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko inintindi ang kaligayahan mo. Patawarin mo rin ako sa mga nasabi ko sa 'yo."

"Promise, susunod na ako sa 'yo. Hindi na ako sasama kay Raymart. Dito na lang ako sa bahay at pagsisilbihan kita."

"Huwag..." umiling siya. "Ituloy mo kung anonang makapagpapasaya sa 'yo. Hindi ko dapat na hinahadlang ang kaligayahan mo."

"Pero..."

"Simula ngayon, puwede ka nang magtrabaho hanggang sa gusto mo. Kung iyon lang ang paraan para hindi na maulit ang nangyari kahapon, papayag na ako. Alam mo naman na hindi kita matitiis."

"Babe..."

"Let's just forget abour what happened yesterday and move on. Mag-focus na lang tayo sa mga bagay na makapagpapasaya sa atin. Masyadong maiksi ang panahon para patagalin pa natin ang walang kuwentang problema na ito."

Tumangu-tango si Francine.

Pagkatapos ay hinalikan siya ni Miggy sa labi. Sobrang saya ni Francine sa oras iyon.

Not knowing na may isang tutol sa kanyang kaligahayan.

Palihim na pinagmamasdan pala sila ni Vera mula sa pintuan.

Hayop ka, Francine. Bakit ka pa bumalik dito? Ano'ng ginagawa mo rito!?

Nanggigigil sa galit na naikuyom ni Vera ang palad habang nakikita na ang lalaking inakalang makukuha na niya ay nauwi lang sa wala.

Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko siya naaagaw sa iyo. Akin lang siya, Francine. Akin lang siya!


*****

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 49.2K 164
Frankie (Epistolary with narration)
21.1K 341 32
With a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wal...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
411K 4.5K 35
Lana Bellamie Del Fuego She's an angel with a filthy soul. She is a girl with a lot of daddy issues, so how will she be able to get over that? Get a...