Remembering Bambi (Babysittin...

By krisylala

501K 15.7K 2.5K

Who is the enemy? Who are the real heroes? Can the past really be rewritten? Can memories that are erased sti... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue

Chapter 19

13.2K 459 26
By krisylala

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Memoria ●~*

[3RD]

"Ipinaghihiganti ko ang tatay ko."

"Sigurado ka bang iyan ang gusto niyang gawin mo?" Ngumiti siya ng malungkot.

Ang lalaking itinuring na kaibigan ng tatay niya ay nagagawa pang ngumiti. Iniyukom niya ang kanyang kamao.

"Atras." matigas niyang sabi. Pareho silang nagulat nang umatras nga ang kanyang kausap.

Gulat siyang tiningnan ng lalaki at ngumiti na may halong pride sa kanyang mga mata, "Gumagaling ka na, Daehyun."

Hindi nagsalita si Daehyun, marahil na rin sa gulat niya na nagamit niya ang kanyang kakayahan sa taong--

"Mukhang hindi mo na pala ako kailangan para tulungan ka--"

"TAHIMIK!" hindi niya alam kung ang pagtahimik ng lalaking nasa harapan niya ay dahil sa pag-control niya o dahil sa tono ng kanyang boses na pinaghalo ng galit at nagmamakaawa.

"Hindi dahil sa ibinahagi mo ang kakayahan mo sa tatay ko ay may obligasyon ka na sa akin." seryosong sabi ni Daehyun, "Hindi ako magtitiwala sa isang taksil! Sa isang pinuno na tinalikuran ang kanyang planeta!"

Ngumiti ng malungkot ang tatay ni Bambi at yumuko, "Hindi kita masisisi sa mga paratang mo sa akin. Pero nandito ang mga mahal ko, Daehyun. Nandito na ang buhay ko."

Walang-buhay na tumawa si Daehyun, "Kahit na talikuran mo ang mga tao mo? Ang planeta mo? Ang nag-iisa mong pamilya?" huminto si Daehyun at mariing tiningnan ang lalaking nasa harapan niya ngayon, "Ang kapatid mo?"

Huminga ng malalim ang tatay ni Bambi, "Malalaman mo din ang nararamdaman ko, Daehyun. Dadating din ang araw na may pagpipilian ka, at kailangan mong pakawalan ang isa."

Nagising si Bambi na pawisan at sa di-malamang dahilan, malungkot.

Bakit niya napanaginipan iyon? Totoo bang nangyari iyon? Sigurado naman siyang wala siya sa pangyayaring iyon dahil pag-uusap iyon nila Daehyun at ng Papa niya. At ang mas importante pa, naramdaman ni Bambi ang nararamdaman ng kanyang papa sa oras na iyon.

Pinaghalong pagsisisi at lungkot.

Pinuno ng planeta nila Daehyun ang papa niya. Marami na namang tanong na tumatakbo sa isip niya pero ang mga katagang sinabi ni Daehyun ang paulit-ulit na bumabalik sa kanya.

"Ang kapatid mo?"

"May kapatid si papa..." sabi niya sa kanyang sarili at hinawakan ang braso niya na nagkaroon ng goosebumps, at doon lang niya naramdaman ang isang parang metal sa daliri niya.

At ang kakayahan ng papa niya.. kaya siguro pareho sila ni Daehyun dahil ibinigay niya ito kay Daero. Hindi niya inakala na pwede itong mangyari, pero mukhang malakas talaga ang kakayahan ng papa niya.

Tiningnan niya ang kamay niya at kumunot ang noo. Weird. Hindi niya natatandaan na sinuot niya ang metal na singsing ng papa niya.

Tinanggal niya ito sa daliri niya at itinabi sa nakabukas na diary ng mama niya. Binasa niya ito pero wala pa siya sa kalagitnaan. Wala pa naman siyang importanteng nababasa mula dito, halos lahat ay sinabi na rin ng Grandmy at Kuya niya.

Muli siyang humiga sa kama niya at tiningnan ang litrato na nasa bedside table niya - ang litrato niya kasama ang anim.

Huminga siya ng malalim at naramdaman niya ang pagpatak ng kanyang luha, "Ang gulo... sobrang gulo pala ng kalagayan natin."

Binuksan niya ang drawer ng bedside table at nakita ang dalawang bagay na galing kay Daehyun - ang maskara niya, at ang binigay niyang bracelet na may anim na bunny pendants.

Nanikip ang dibdib ni Bambi at lalo lang umagos ang mga luha niya, "Pagmamay-ari ko pa ba kayo?"

Naghintay siya ng sagot pero walang dumating... alam niyang walang dadating.

- - - -

[BAMBI]

Lumabas muna ako ng bahay dahil mukhang hindi ko pa kayang harapin ang Kuya ko o kahit na sino. Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa lake kung saan nandoon ang remembrance sa akin ni Youngjae -- pero pundi na ang lahat ng ilaw.

Umupo ako sa isang bench na nakaharap sa lake at tumingin sa kawalan. Walang malay kong hinawakan ang bracelet na bigay ni Daehyun. Ngayon ko na lang ulit ito nasuot, nakakapanibago.

May dumaang dalawang cute na bata na magka-holding hands sa harapan ko at napangiti ako nang bigla kong naramdamang may tumabi sa bench na inuupuan ko.

"Hey." Napa-upo ako ng tuwid at bigla na namang bumilis ang takbo ng puso ko.

"Umh.. Uhh.. Ehem.." parang ewan kong sabi habang hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Shit naman oh, Daehyun, ang dami na ngang problemang nakapalibot sa atin pero ganito pa rin ang epekto mo sakin.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina at naramdaman ko ang paglalagay niya ng kanyang kamay sa bench sa likod ko. So parang nakaakbay siya sa akin... pero sa bench nakalagay ang kamay niya huhu.

Nanatili lang tahimik habang pinaglalaruan ko lang ang bracelet na suot ko. Nang makalipas pa ang ilang minuto, sinulyapan ko si Daehyun sa gilid ng mata ko at nakitang nakatingin siya sa bracelet ko.. na bigay niya.

Napatigil ako at tumingin na ako sa kanya ng diretso. Yung tingin niya kasi... may halong recognition. Para bang may naaalala siya.


Napansin niya siguro na huminto na ako sa paglalaro ng aking bracelet, at tumingala na siya at tiningnan ako. Nasaktan ako sa nakita ko - kita ko sa mga mata niya ang sakit, galit, lungkot... at pagmamahal.

Alam ko.. alam kong naaalala na niya ako, pero pilit niya itong itinatago - o tinatanggi - dahil alam niyang wala nang pag-asa pa sa amin. And I think oras na para ipagtanggol kami pareho sa mas malalang tragedy.

Ngumiti ako ng malungkot at pumikit, habang pinipigilang hindi pumatak ang mga luha ko.

I guess this is it, then.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinanggal ang suot kong bracelet habang nanginginig ang kamay. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ang bracelet sa palad niya. Kita ko ang pamamasa ng mga mata niya at alam kong isang pikit lang niya, babagsak na ang kanyang luha.

Saglit kong inialis ang tingin sa kanya at pinunasan ang luha ko. Kinuha ko ang isa pa niyang pagmamay-ari na nasa loob ng bag ko - ang kanyang mask.

"Nilabhan ko na 'to." sabi ko kahit na alam kong hindi ko na kayang magsalita. "Ibabalik ko na rin sayo 'to kasi hindi ko naman 'to pagmamay-ari eh... hindi naman talaga 'to naging akin."

Isinuot ko ang mask sa kanya, inilagay ang loop sa magkabilaan niyang tenga at nang natakluban na ng tuluyan ang bibig niya, hinalikan ko ang lugar kung nasaan ito, ang mask ang nagsisilbing pagitan sa mga labi namin.

Pumikit siya at doon ko nakita ang pagpatak ng luha mula sa gilid ng kanyang mata.

"It was nice meeting you... all of you." Bago pa ako tuluyang mawasak at humagulgol, kinuha ko na ang bag ko at bumulong sa kanya, "I love you." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad habang hinahayaan ko na ang pagpatak ng mga luha ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may narinig akong boses sa loob ng utak ko. I smiled a bittersweet smile.

'I love you, Bambi.'

Sana nagkaroon ng recorder ang utak ko para kaya ko itong pakinggan ng paulit-ulit, pero wala eh.

We haven't even started yet and this is already our last.

'Goodbye, Daehyun.' I replied. Goodbye, six aliens.

~ ~

'Hindi ko hahayaang kunin nila ang anak ko. Para ano? Para isakripisyo ang buong buhay niya sa isang planetang hindi naman kanya?

Oo.. alam ko ang totoong dahilan kung bakit gusto niyang makuha ang anak ko. Kamukha niya ang papa niya eh. At masakit mawalan ng pamilya.

Pero hindi. Hindi ko hahayaang ilagay sa panganib ang anak ko. Wala siyang kasalanan at wala siyang kinalaman dito.'

Sinarhan ko ang diary ni mama pagkatapos lagyan ng bookmark ang huling pahina na binasa ko. Mukhang hindi ko na kayang magbasa pa.. ang isang page na 'yon, ang dami na agad katanungan ang pumasok sa isip ko.

Kailan ba ito matatapos?

Totoong dahilan? Mawalan ng pamilya? At ano naman ang ugnayan nito sa pagiging magkamukha namin ni Papa?

Ugh!! Humiga na ulit ako sa kama at ipinatong sa bedside table ang diary. Nadanggil nito yung singsing ni Papa at nahulog sa sahig. Kinuha ko ito at pinagmasdan.. at doon ko lang nakita ang naka-engrave sa panloob na parte nito na naka-cursive ang mga letra- Memoria. Latin word for Memory.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko masyado naintindihan pero namalayan ko na lang na isinuot ko ang singsing at naramdaman ko ang pamimigat ng mga mata ko hanggang sa yakapin na ako ng antok.

"Kahit na may pagpipilian ako, alam ko sa simula pa lang na pamilya ang uunahin ko. Na importante ang pinanggalingan ko. Hindi ako isang walang-kwentang pinuno na basta na lang tumatalikod sa mga tao niya!" Napaatras ako sa sigaw ni Daehyun.

Nandito na naman ako sa pangyayaring ito pero t-teka.. bakit kaharap ko na ngayon si Daehyun?! Ako ba ang kausap niya?

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa planeta kami pero may mga nagsisigawan at naglalabanan. Kumunot ang noo ko nang parang naramdaman ko na may mali sa katawan ko. Tiningnan ko ang mga kamay ko at nagulat nang isang malalaking kamay na parang panlalaki ang nakita ko.

Yumuko ako para tingnan ang kasuotan ko at nakita ang suot ni Papa sa family portrait namin.

TEKA. ANONG NANGYAYARI?!

Parang nasinagan ng kung anong ilaw ang metal na singsing ni Papa kaya naman kumislap ito at tumama sa mata ko.

Memoria.

Bumilis ang tibok ng puso ko.. mga alaala ba ni Papa ang nandito? Bakit... alam niya bang mangyayari ito?

"Hindi ako tumalikod sa inyo! Kayo pa rin ang mga tao ko. Pinamunuan ko kayo ng napakaraming taon at sana naman napansin niyo na hindi na ako masaya sa lugar na iyon. Dito, Daehyun. Dito ako naging masaya. At natanggap iyon ng tatay mo." sagot ni Papa. Ramdam ko ang hirap na nararamdaman niya.

Paano ko ba masasabi sa kanya na magiging masama para sa kakayahan niya ang galit at paghihiganti? Pag-iisip ni Papa sa sarili niya.

Tiningnan ko si Daehyun at ganoon nga ang nakita ko sa mga mata niya. Nanginig ako sa takot. Ganitong Daehyun din ba ang makikita ko sa oras na kailangan na naming maglaban?

"Natanggap iyon ng tatay ko at ano? Pinatay mo na lang?! Ang nag-iisa mong kaibigan na alam ang lahat at itinago ang lahat para sayo?! Pwes, ibahin mo ako.. hindi ako ang tatay ko." matigas na sabi ni Daehyun.

Bumuntong-hininga si Papa, "Daehyun, tandaan mo ang sinabi ng tatay mo. Walang maidudulot ang paghihiganti at galit. Masyadong malakas ang kakayahan natin at kapag kinain ka ng galit mo, kakainin ka rin ng kakayahan mo - wala ka nang mararamdaman kundi galit. Magiging masama ka, Daehyun." pagmamakaawa ni Papa sa kanya.

Nakita ko ang pagpapalit ng emosyon sa mga mata ni Daehyun pero agad itong nawala. Nandoon pa rin siya.. nandoon pa rin ang tunay na Daehyun.

Inilabas ni Daehyun ang sandata niya at inilapit ito sa leeg ni Papa, "Huwag na huwag mo akong didiktahan sa mga dapat at hindi ko dapat gawin."

Naramdaman kong itinaas ni Papa ang pareho niyang kamay as a sign of surrender, "Bakit hindi mo gamitin sa akin ang kakayahan mo?" naramdaman ko rin ang unti-unti niyang pag-ngiti, "Let's say, ako ang iyong unang pagsusulit. Utusan mo ako, Daehyun."

Halatang naguluhan si Daehyun at unti-unti niyang ibinaba ang sandata niya. Kita ko na determinado siyang maghiganti pero naramdaman ko din na nagdadalawang-isip siya dito.

"Umatras ka." mahinang sabi ni Daehyun.

Naramdaman ko ang pag-atras ng isang paa ni Papa. Bigla akong napatingin sa likod ko at doon ko lang nalaman na nasa dulo kami ng bangin na kapag nalaglag ka, para bang wala kang babagsakan. Sobrang dilim.. sobrang lalim. Konting atras na lang ni Papa at malalaglag na siya.

'Papa, huwag.' Sabi ko sa isip ko kahit alam kong hindi niya ito maririnig. Isang alaala lang naman ito.

Napangiti si Daehyun at nag-alab ang mga mata niya ng mas matinding determinasyon.

"Umatras ka pa!" mas malakas na sabi ni Daehyun at iniatras nga ni Papa ang mga paa niya.

Kumunot ang noo ko. May mali... 'Papa... bakit?!' Ramdam ko na hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi ni Daehyun. Pero bakit.. bakit niya sinusunod si Daehyun na para bang naaapektuhan nga siya? Anong ginagawa niya?!

Patuloy ang pagsasabi ni Daehyun na umatras si Papa at isang hakbang na lang, malalaglag na siya.

Huminto ng ilang segundo si Daehyun at kita sa mga mata niya na natatakot na siya. Ngumiti na naman si Papa, "Gawin mo na ang gusto mo, Daehyun. Ito na ang una at huli mong paghihiganti."

"ATRAS PA!!" nakapikit na sigaw ni Daehyun- sigaw niya kay Papa at sigaw niya para sa sarili niya - at kasabay nito ang pagpatak ng isang luha sa gilid ng mata niya.

"Hindi ko tinalikuran ang mga tao ko, Daehyun. At hindi ko tinalikuran ang tatay mo - ang nag-iisa kong kaibigan." mahinang sabi ni Papa at ramdam ko ang unti-unting pag-aangat ng isa niyang paa.

'PAPA! WAG!!!'

Pero hindi niya ako narinig. Umatras na siya at naramdaman ko ang paghiga ng katawan niya sa hangin.

Nakatingin lang ako - si Papa - sa taas at nakita ko ang takot sa mga mata ni Daehyun habang tinitingnan ang paglaglag ko. Umiling siya habang may mga luhang umaagos sa mga mata niya at tumakbo palayo sa takot.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Papa at itinaas niya ang isa niyang kamay kung nasaan ang singsing

"I did it for everyone, Bambi. Ito na lang ang magagawa ko para sa mga tao ko." hinalikan niya ang singsing, tinanggal sa daliri niya, at inihagis pataas sa lupa.

Naramdaman ko na lang na nasa gilid na ako ng bangin. Pumunta ako sa dulo at tiningnan ang katawan ni Papa na unti-unti nang nababalot ng kadiliman, "PAPA!!!!!" Umiyak lang ako.. umiyak hanggang sa hindi ko na makita si Papa.

Naramdaman kong may taong lumapit sa pwesto ko at pinulot ang singsing. Si Grandmy.

Tumingin siya sa langit at bumuntong-hininga, kita sa mukha niya ang matinding pagsisi. "Patawad. Gagawin kong tama ang lahat.. pangako."

Nagising ako na pawisan at hinahabol ang hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at nakita ang singsing sa aking daliri, at tinuloy ang ginawa ko sa panaginip ko.

Umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak.

- - -

[3RD]

"Napapansin kong walang nangyayari sa buong pananatili niyo diyan." napayuko ang anim sa malungkot at disappointed na boses ni Queen Lala.

Magsasalita na sana si Yongguk pero itinaas ni Queen ang isa niyang kamay at pinutol ang sasabihin ni Yongguk, "Alam kong mahirap sa inyo ang pinapagawa ko, at nagkaroon na rin ako ng pakiramdam na hindi niyo magagawa ang misyon niyo kaya..."

Tumahimik ang anim. Naaalala na nila si Bambi. Hindi man malinaw, pero alam nilang importante sa kanila si Bambi, kaya't tama nga si Queen, hindi nila kaya na dakpin si Bambi. Hinintay nila ang sasabihin ni Queen mula sa isang projector.

"...I'll send down a spaceship for you six. Bumalik na kayo dito, your duty there is done. Dito niyo na lang gawin ang dapat niyong ginagawa -- ang makipaglaban."

Tiningnan ni Yongguk si Queen na may pagtataka, "Pero paano si Bambi?"

Bumuntong-hininga si Queen at umiwas ng tingin, "I'll send down men to do your job. Men who are capable of bringing her to me."

Napatayo ang anim at bago pa sila magprotesta, in-end na ni Queen ang call at tanging itim na lang ang nakikita nila sa projector.

Sinuntok ni Yongguk ang pader at nagmura ng mahina. Ipinasok ni Daehyun ang kanyang kamay sa bulsa niya at hinawakan ang bracelet na bigay niya kay Bambi.

Nanghihinang umupo si Zelo sa sahig at hinawakan ang gilid ng ulo niya, pilit na may hinahanap na kahit ano.

"Wala akong makita.." paulit-ulit niyang pag-iling habang rinig sa boses niya ang pagka-inis dahil sa unang pagkakataon, hindi siya natulungan ng precognition niya. "WALA KONG MAKITA!!!" huminga siya ng malalim at pinigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Muli siyang nagsalita, pero this time, gamit ang kanyang mahina at pagod na boses.

"Hindi ko alam ang mangyayari."

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

May mga hints na ako dito. I think gagawa ako ng extra chapter para sa ibang sagot sa mga katanungan (nuxx) na hindi ko kayang isingit sa mga susunod na eksena. Para bang flashback effect. Hihi abangan.


VOTE & COMMENT :")

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 683 26
Sa isang malayong kaharian nakatira si Ashton Claide Ferretis kung saan ay isang hari ng karagatan. Dahil sa pagkakaroon ng alitan sa kaniyang kahari...
REPLICA II By Ceres

Mystery / Thriller

4.8K 135 44
"Sino ka?! Why are you wearing my face? Is that your new technique to kill me?" "Ikaw ang sino ka?" "I am the Empress Regnant of this empire. And you...
11.2M 503K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
42.4K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.