The Jerk Is Our Class Preside...

By Elle_real

266K 11K 1K

Sarayah Venice Astrid used to hear judgements from the society because of her looks. She's just a typical stu... More

The Jerk is Our Class President
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
End
ANNOUNCEMENT

Chapter 31

3.6K 180 6
By Elle_real

Missing

"Ano? Tama ba yung pagkakarinig ko teh? Sasali si president sa pageant?" hindi makapaniwalang tanong ni Jose.

"Oo," sambit ko bago sumulyap sa direksyon nina Kenrylle na ngayon ay pinapalibutan ng mga kaklase kong babae.

"Omg! Asahan mo ang suporta namin Kenrylle," rinig kong wika ni Klarisse bago sila nagtilian.

Napansin ko rin na busy sa paggawa ng banners yung iba para sa kanya. Wala man lang akong nakita ni isang pangalan ko bukod doon sa ginawa n'ong grupo nina Claudette.

Go Kenrylle Jin Monteverde and Sarayah Venice Astrid! Go class C!

Those were the words written on their banner.


"Aya, tumawag ba sa'yo si Andrew kagabi?" tanong ni Carl na hindi ko alam kung bakit sa akin ngayon nagtatanong.

"Oo. Bakit?"

"Did he tell you that he will be absent? Gagong 'yon ililibre dapat ako pero wala naman ngayon. Naisahan na naman ako ampucha," sambit niya pa na ngayon ay mukhang pagkain na naman ang nasa isip.

"Di'ba kayo ni Kenrylle ang kaibigan niya? Bakit kayo sa'kin nagtatanong?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Oh kalma! Gagalit na agad, e. Nevermind na nga lang." sagot nito habang nagkakamot ng batok.

Buong maghapon ay hindi talaga nagpakita sa amin si Andrew. Hindi ko na rin naman siya natawagan dahil antok na antok na ako kagabi. Saan ba kasi nagpunta ang isang 'yon at hindi man lang nagsasabi sa mga kaibigan niya?

"What did the two of you talked about yesterday? Did he tell you where he is?" Kenrylle asked pertaining to Andrew. Sa kalagitnaan nang pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko ngayon.

"H-he just asked me how I am. Our conversation didn't last long dahil biglang namatay yung phone ko. Bakit? May problema ba?" he shook his head upon hearing my answer. Nang matapos ang aming final rehearsal ay hindi na kami nagkausap pa dahil mukha s'yang nagmamadali.

Pagkauwi ko ng bahay ay nagtanong na rin ako kay tita Veronica pero wala naman akong nakuhang sagot.

"Bakit iha? May nangyari ba?"

Umiling ako. "Wala po, tita."

"Ang mabuti pa magpahinga ka na lang, sweetheart. You need to rest dahil pageant mo na bukas," excited na wika ni mama na sinang ayunan naman ni tita Veronica.

"Naku! Bukas na bukas ay dadating na iyong mag aayos sa'yo iha. Sigurado akong magaling 'yong nakuhang makeup artist ng kapatid mo," aniya.

Gaya nga nang sinabi nilang dalawa, pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako ng kwarto ko para makapagpahinga. Jayniah seemed busy that's why I didn't have the chance to talk to her. Hihiga na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Andrew's name flashed on my screen kaya't nagmamadaling sinagot ko 'yong tawag niya.

"Hi, milady. How's your practice?"

"Where are you?"

"It's a secret. I just called tonight because I want to say good luck. I know you can do it,"

"Your friends are worried about you. Bakit ba hindi ka pumasok kanina?"

"If I told you the reason, will you tell me that you miss me too?"

"H-hindi!"

After saying those, narinig ko ang mahinang halakhak niya sa kabilang linya.

"Just kidding. Don't worry, I'll be there tomorrow. You have my full support, milady."

"Sa susunod kasi magsasabi ka. Hindi mo ba alam na nag aalala na sina Carl at Kenrylle kanina kahahanap sa'yo?"

"Sorry, please. I miss you--------

Hindi ko na narinig pa yung buo n'yang sasabihin. Hindi ko rin alam kung bakit namatay yung tawag. I wonder what made him busy at kung bakit ayaw niya 'yong sabihin sa amin.

"Pwede po bang wag ng lagyan n'yan?" pakiusap ko dun sa baklang nag aayos dahil pakiramdam ko kung ano ano na ang inilagay niya sa mukha ko kinabukasan.

"He's a professional makeup artist, Venice. Just trust him. He knows what he's doing" wika ni Jasmine. Nakaupo siya sa tabi ko habang nagpapaayos rin.

Abot langit ang nararamdaman kong kaba ngayon. I already saw the other contestants in their dressing room earlier. Hindi ko maiwasang manliit para sa sarili ko dahil ang gaganda nila. Walang wala ako.

Hindi ako sanay sa ganitong larangan. Kahit pa sabihing naturuan ako ni Jasmine ay hindi pa rin iyon sapat para maipanalo ko ito. Natatakot ako dahil baka mapahiya na naman ako mamaya.

"Ang ganda ganda naman ng pamangkin ko," ani tita Veronica matapos akong ayusan. I looked at my reflection at the mirror. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Madaming nagbago, madaming nag iba. Hindi ako makapaniwala na si Sarayah Venice Astrid ngayon ang nakikita ko sa salamin.

"Wait, Venice. What happened to your left knee?" turo ng kapatid ko sa aking tuhod. There was a scar on it. Those memories from the past suddenly flashed back in my mind. This was actually my second life. I was supposed to be involved in a car accident before only if someone didn't save me.

"Wala lang 'yan," tanging sagot ko. Sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon, hindi ko na nabigyan ang kapatid ko ng matinong rason.

"Anak, galingan mo. Paniguradong kayang kaya mo iyon," niyakap ako ni mama matapos ay hinawakan niya yung mga kamay kong nanlalamig. Pinaalala sa amin nung organizer na 45 minutes na lang daw at magsisimula na yung pageant. Mas dumoble ang kaba ko. Mas dumoble ang takot ko sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

"Miss Astrid," natigil ang pag uusap namin nina mama ng tawagin ako ng class adviser namin. Sa likod nila ay nando'n sina Jose, Carl at Andrew. Ano kayang ginagawa ng mga ito dito?

"May problema tayo." napansin kong may tinatawag sa cellphone nila sina Carl at Adrew. Si Jose naman ay hindi makatingin ng derecho sa akin.

"A-ano pong problema?" maging ako ay kinabahan sa sarili kong tanong.

"Nawawala si Mr. Monteverde. Hindi siya dumating. Ni hindi rin siya sumasasagot ng tawag." hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko nang marinig iyon mula kay Miss. Nasanay na ako na kasa kasama ko si Kenrylle sa pageant na ito tapos ngayon pa siya mawawala? Sabi niya sasamahan niya ako? Bakit hindi siya dumating?

"Anyway, sa production number lang naman kayo partners di'ba? Hindi naman siguro makakaapekto sa'yo na wala si Mr. Monteverde. Right?" she asked. Hindi agad ako nakasagot. Kung kanina ay alam ko sa sarili kong wala naman akong pag asa, ngayon na hindi pa man nagsisimula ang laban ay alam kong talo na ako. Bakit Kenrylle? Bakit hindi ka dumating?

"Miss, pwede naman po sigurong ako ang pumalit kay Kenrylle," nagulat ako sa sinabi ni Andrew.

"Are you crazy, Mr. Forde? Ni hindi ka nga umattend kahit isang beses sa rehearsal tapos yung steps sa production number hindi mo din alam."

"Not a problem, Miss. I'm a fast learner. Just let me join this pageant, please." mayabang na sabi ni Andrew.

"You are really out of your mind, Mr. Forde! We only have 30 minutes. Malapit nang magsimula."

"What I only need is your full support, Miss. Kaya ko 'to. We can't let my milady join this pageant alone." nagmatigas pa rin siya. Sa huli ay bumigay na rin si Miss Medrano.

"Fine! I will talk to them that you'll be the substitute for Mr. Monteverde. Goodluck to the both of you," tumangin siya sa amin bago ito nawala nang tuluyan sa aming harapan.

"Ayos ka lang ba, sweetheart?" nag aalalang tanong ni mama na sinubukan ko namang ngitian.

"Andrew anak, sigurado ka bang sasali ka?" tanong rin ni tita Veronica. I never saw any hint of nervousness in Andrew's face. He's too confident right now. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.

"I am sure, mom." nakangiting sambit nito at pagkatapos ay kumindat sa akin.

"Buti pa si Andrew teh, sinalo ka. Hindi tulad ni Kenrylle. Sumasakit na talaga ang bangs ko sa kanya ngayon. Sarap jombagin para mategi na agad. Kung hindi lang sayang ang lahi, e." reklamo ni Jose kung kaya't hindi ko rin maiwasang mainis. Kenrylle doesn't even left any clue why he's not attending the pageant right now. Maiinitindihan ko naman kung magte-text siya kahit isa sa akin. I am really annoyed right now. I felt like he left me hanging.

"Hindi naman kasi unfair the na bigla na lang s'yang hindi dadating. Sobrang paasa niya sa part na 'to." dagdag pa ni Jose. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na naka pinlano niya lahat ng 'to since mula sa simula, wala naman s'yang ibang ginawa kundi pahiyain ako. Bakit pa nga ba ako nagtiwala sa kanya?

"H-hayaan mo na lang," tipid na sagot ko. I just decided to focus on the pageant rather than thinking of him. Hindi na rin nagsalita pa si Jose pagkatapos. He just waited until we're done.

"You look so ready, Venice." komento ni Jasmine bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinubukan ko namang tumayo dahil pakiramdam ko maa-out of balance ako sa taas ng heels na suot ko.

"Dahan dahan, teh." paalala ni Jose sa tabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binibitawan para alalayan.

Maya maya ay pumasok na rin sa dressing room si Andrew. Naka-casual wear din siya suot iyong shirt na may maliit na logo ng Cardona High. Ganun din ako. Isang maiksing short ang suot tapos kaparehong damit ng tulad ng sa kanya tapos nakataas ng konti at binuhol pa ito sa likod.

I hate to admit it, but he looks finely handsome today.

"Goodluck, milady. I'm here so don't feel nervous okay? Nandito ako. Hindi ka nag iisa," he smiled before he let go of my hand.

And with that, kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman kong kaba.

Andrew is right. I should try my very best to be confident right now. I know I can do it.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 4K 24
Katty Denblake is in a real feminist war. Complications threaten her desire for archery, schemes to pose as her older brother, Keith Denblake, and ta...
63.9K 1.7K 45
[ π™ΌπšŽπš—πšπšŠπš• π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™°πš πšŠπš›πšŽπš—πšŽπšœπšœ πšœπšπš˜πš›πš’ #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: π˜›π˜¦π˜¦π˜― 𝘍π˜ͺ𝘀𝘡π˜ͺ𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘱π˜ͺ𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔...
4.2M 90.9K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
63.7K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...