Beauty and the Beast

hyunjiwon_sg4ever द्वारा

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... अधिक

Simula
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#1: She's the Beauty of the Beast

14.3K 248 5
hyunjiwon_sg4ever द्वारा

Unang Kabanata: She's the Beauty of the Beast

 -Saerin Gail's POV-

Ang alam ko lang sa mga sandaling ito, maiiyak na ako.

"Bumagsak ka na nga sa exams mo magagawa mo pang mag-bar?!" bulyaw sakin ng Papa ko, nakaupo ako ngayon sa upuan at sinusubukang magpakatatag habang pinapagalitan ng mga magulang ko.

I looked at them and took a deep breath before I start talking, I refrain myself from crying. My tears won't do anything naman to save me from this situation.

"Hindi nga po kasi ako," I tried my best para hindi umiyak pero wala pumipiyok na ako, konting push na lang iiyak na talaga ako, hindi ko talaga mapigilang hindi maiyak, lalo na sa mga ganitong situation na pakiramdam ko hopeless na ako. "Yes, nagpunta po ako dun pero sinundo ko lang po si Asha dun, hindi po ako uminom or gumawa ng kahit anong kalokohan" sabi ko, which is true kasi hindi naman talaga ako gumawa ng kahit ano dun. Oo bumagsak ako sa exam namin sa Marketing pero hindi ko talaga magagawang mag-bar. Hindi ko yun magagawa! Bakit kasi ayaw maniwala ng mga magulang ko? Ang sakit na talaga ah, ako na sarili nilang anak hindi nila mapaniwalaan pero yung taong nagsumbong sa kanila na nakakita raw sakin sa bar at umiinom daw pinapaniwalaan nila. Ang sakit putek, lagi na lang nila akong ginaganito.

"And you think, we'll believe you?" this time si Mama naman na ang nagsalita, "Gail naman, alam naman namin ng Papa mo na babagsak ka exam niyo sa major mo pero anak bakit kailangang makarating samin na nagbabar ka?"

This time naiyak na ako, bakit ba kasi ayaw nila akong paniwalaan? Gusto ko ng sumigaw dito para ipagtanggol ang sarili ko, how I wish Asha is here right now para ipagtanggol ako dahil alam naman niya ang totoo. Alam niyang hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakagalit ng mga magulang ko.  

"Mama, maniwala po kayo sakin wala po talaga akong ginawa, sinundo ko lang po talaga si Asha, maniwala po kayo. Kahit tanungin niyo pa po siya" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Tss. Alam kong pagtatakpan ka lang ng kaibigan mo Gail, we need to do something para ayusin to Saerin Gail. Hindi na namin hahayaan pa ng Mama mo na maging ganito ka, hindi na nga maganda yung performance mo sa school gusto mo pang mapahiya yung pangalan ng pamilya natin?" panenermon ni Papa sakin "Nakapagdecide na kami ng Mama mo, you'll leaving this house next week" matigas na sabi niya na naging dahilan para manlaki ang mata ko at makaramdam ng kaba, papalayasin na nila ako?! No!

Nagpanic na yung buong pagkatao ko at lumapit agad ako kay Papa at hinawakan yung kamay niya at halos lumuhod na ako sa harapan niya while crying out loud.

"Wag niyo po akong papalayasin please? Mag-aaral na po talaga akong mabuti swear, tsaka kung tungkol po to sa pagbabar, maniwala po kayo wala po talaga akong ginawa dun, mamatay man po ako ngayon wala talaga." Pagmamakaawa ko kay Papa, si Mama naman nasa likuran ko na at inaalalayan ako, tinignan ako ni Papa at seryosong tumingin sakin "No Gail, buo na ang desisyon namin and same with him, next week dun ka na sa bahay niya titira okay?"

Bumilis yung tibok ng puso ko, no way ayoko... ayoko talagang umalis ng bahay namin. Ginawa ko na naman yung best ko eh, hindi pa ba sapat yun? Tapos ano daw, pumayag din yung kung sinumang Him na yun na dun ako tumira sa bahay niya? Ayoko!

"Ayoko po talaga, please po pagbubutihan ko na po talaga this time. Please, bigyan niyo pa po ako ng chance!" nanghihina na talaga ako, pagod na pagod na ako physically pati emotionally. At hayun na, I gave up begging, alam ko naman na hindi na nila ako papakinggan pa, they never listen to me anyways. Umiyak na lang ako ng umiyak.

"Shhh, tahan na anak makakabuti rin naman sayo tong gagawin namin." Sabi ni Mama sakin habang inaalo ako, tumingin ako sa kanya "Sino po ba yun? Isa po ba sa mga Tito ko?" tanong ko kay Mama, tinignan niya lang ako tapos tumingin siya kay Papa, napatingin naman ako kay Papa, hindi siya nakatingin sakin at tsaka nagsalita "Your husband", and with that napanganga ako sa sinabi niya at parang huminto ang oras sa paligid ko.

No way!

"Pa wala namang ganituhan, nagjojoke ka na eh," mahina kong sabi, kahit alam kong seryoso si Papa, he's serious about everything, pero this time umaasa ako na joke lang yung pagpapalayas niya sakin at yung husband thing na yun. "Hindi pa naman ako eighteen eh," I smiled weakly, may namumuo na namang luha sa mata ko.

"We'll talk about it next time, for now pumunta ka na sa kwarto mo. You're not allowed to go anywhere for one week" ani ni Papa, ignoring what I said. Napayuko na lang ako at tinitigan ang sahig habang nararamdaman ko na naman yung mga luha na namumuo sa mga mata ko. Napakagat ako ng labi para hindi nila mahalata na naiiyak na naman ako, "Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayong bata ka" dagdag niya pa at tsaka nagsimulang maglakad paalis. Unti-unti akong napaupo sa sahig at hinayaan na lang na tumulo na yung mga luha ko. Naramdaman ko ang yakap ni Mama habang inaalo ako, "Anak, we're very sorry para sa naging desisyon namin ng Papa mo, mahal ka namin anak para rin sa ikabubuti mo tong naging desisyon namin ha?" halos naglalambing na sabi ni Mama sakin.

I smiled bitterly. They think their decisions for my life are the best that's why they're ignoring mine.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama na nakahawak sa balikat ko at unti-unti itong tinanggal, feeling ko ngayon tuluyan ng napuno ng sakit yung puso ko. Parang gusto ko nang maniwala na hindi nila ako mahal. Dahan-dahan akong tumayo habang umiiyak pa rin, kung kanina naiyak ako dahil sa ayaw nila akong paniwalaan at sa sinabi ni Papa. Ngayon naiiyak ako kasi parang sumuko na ako sa paniniwala na magiging proud din sila sakin balang araw, na papakinggan nila ako.

"Gail anak..." sabi ni Mama, I ignored her, nakakapagod na talaga eh siguro kung alam ko lang na hindi nila ako anak tatanggapin ko pa yung ganitong pakikitungo nila sakin eh. Pero wala eh, anak talaga nila ako, legal na anak talaga nila ako. Gusto lang talaga nila na yung mga gusto nila yung masusunod.

"Anak..." tawag ni Mama ulit sakin, nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto, hindi ko na siya pinansin. Ang sakit lang talaga eh.

Nung nakarating ako sa kwarto ko ay agad ko itong nilock at napatakbo ako papunta sa kama at dumapa. Then I cried out loud.

Ang sakit sakit na talaga, ginagawa ko naman lahat para mapasaya sila eh, gusto ko silang maging proud sakin, sinuko ko na nga yung sarili kong kagustuhan at sinunod yung kanila pero hindi naman nila naappreciate yung effort ko, ang sakit lang talaga. Tapos ngayon, hindi nila ako kayang paniwalaan, hindi nila ako kayang pakinggan.

Kinuha ko yung isang unan ko at niyakap iyon nang mahigpit at lahat ng sakit na naramdaman ko mula noon hanggang sa mga sandaling ito, iniiyak ko na.

*Riririring*

Natigil ako sa pag-iyak nung narinig kong tumunog yung phone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita si Asha na tumatawag. Huminga ako ng malalim para mapigilang umiyak at tsaka sinagot yung tawag niya.

[Oh my ghad Gail, I'm so sorry, gusto kong pumunta diyan sa inyo ngayon para ako na lang ang mag-eexplain kay Tito ng nangyari, shit! Wala kang kasalanan, it's all my fault. I'm sorry Gail,]

Agad na sabi niya pagkasagot ko ng phone, heto na naman eh may namumuo na namang luha sa mata ko, grabe hindi pa ba sila mauubos? Ang sakit na kaya ng mata ko. Hindi na ako nakapagsalita, humihikbi na lang ako.

[Saerin Gail? Anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba? Teka anong sabi nila Tito? Sht, kailangan ko talagang pumunta diyan sa inyo--]

"Wag na, hindi rin naman makikinig si Papa eh... as usual, teka okay ka na ba?—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi biglang sumigaw si Asha sa kabilang linya, yung parang inis siya.

[Don't ask me if I'm okay, because I'm not, nalagay na naman ang best friend ko sa alanganin dahil sakin at heto ako walang magawa. Tell me exactly what happened? Anong nangyari sayo Gail? Please tell me]

 And with that naiyak na ako, "Grounded ako Asha for a week," I started, umupo ako sa kama at sumandal sa headboard gamit ang isa kong kamay ay niyakap ko ang mga tuhod ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko. "By next week, I'll be leaving our house..."

[What?! Papalayasin ka nila Tito?! Fck, what's wrong with your parents?! At saan ka na naman daw nila dadalhin?] She asked, frustrated. Napahagulgol na lang ako, "Sa bahay daw ng magiging asawa ko..."

[Tngina?! Pakshit, kailangan kong pumunta sa inyo Gail, saan ka titira?! Sa bahay ng magiging asawa mo?! What the fcking hell, gosh hindi ka pa nga eighteen! Kung kailangan kong lumuhod kina Tita gagawin ko, I'm so sorry Gail]

Alam kong naiiyak na rin siya sa kabilang linya, alam niyang totoo yung sinabi ko, kilala na niya ang mga magulang ko dahil ilang taon na rin kaming magkasama.

"Wala naman ng mangyayari eh," I said

[Bakit ba lagi mo silang sinusunod? Gosh, alangan naman this time susundin mo pa rin sila? No effin way Gail, do something. Teka, ano ba kasing nangyari? Paano ba nakarating kay Tito na nagpunta ka sa bar?]

"May nagsumbong,"

[What?! O tapos?]

"Sinabi ng taong yun kina Mama na uminom daw ako and stuff,"

[What the hell?! At sino naman daw ang nagsumbong?]

"I don't know"

[Argh! Tnginang sinungaling na yun?! Malaman ko lang kung sino yang ptngna na nagsumbong sa mga magulang mo babalatan ko siya ng buhay, papatayin ko siya swear! Ghad, for now kailangan nating gawan ng solusyon yung problema mo, teka kilala mo ba kung sino yung lalaking tinutukoy ng Papa mo?]

"No," I sighed "Pero feeling ko baka isa sa mga kasosyo niya sa business"

[Woah, hindi talaga ako makapaniwala Gail, I'm sorry to tell this ha? Pero kung gusto mong maging masaya umalis ka na sa puder ng mga magulang mo, pinapahirapan ka na nila eh. Hindi ka man lang nila pinapakinggan!]

Napapikit ako sa sinabi niya, she's right kung gusto kong maging masaya I need to leave my parents, pero paano ko sila iiwan? Ako lang ang nag-iisa nilang anak at matanda na rin sila.

"Imposible," I sadly said, "Wala rin naman akong mapupuntahan eh"

[Lumayas ka na diyan sa inyo, tutulungan kita]

Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip, kung lalayas ako ngayon hindi ako dun titira sa bahay ng kung sinuman yun, pero susuwayin ko si Papa. Pero kung susundin ko sila, wala ring kasiguraduhan kung anong mangyayari dun.

[Ano? Gail, please lang kahit dito man lang matulungan kita. Kasalanan ko to kaya kargo kita, please lang pumayag ka na]

***

I'm Saerin Gail Dela Cruz, currently I'm seventeen years old turning legal next month. Ang sabi nila ang swerte ko daw kasi nasa akin na ang lahat, lahat daw ng gusto ko nakukuha ko. Pero akala lang nila yun. We're rich pero pakiramdam ko ang hirap-hirap ko, I want to make my parents happy and proud of me. Kaya kahit ayoko ng Business Management kinuha ko yun kasi yun yung gusto nila, I've always wanted to be a journalist pero hanggang pangarap ko na lang yun. I'm currently third year college sa Wiesel University. Pero feeling ko napakawalang kwenta kong estudyante, madalas akong bumagsak sa mga exam kahit na nag-aaral naman ako.

I feel so worthless, feeling ko wala na akong nagawang tama kasi puro mali na lang ang ipinapamukha sakin ng mga magulang ko. Mahal na mahal ko sila, kaya kahit ang magalit ay hindi ko magawa sa kanila. Maybe iniisip niyo na baka hindi nila ako tunay na anak pero anak talaga nila, masyado lang silang strict to the point na dinidiktahan na nila yung mga gagawin ko. I follow and respect them, kaya kahit na nasasaktan na ako, okay lang. Nakakapagtiis ako kasi nangingibabaw yung pagmamahal ko sa mga magulang ko. 

Uhm, love life? Never pa akong nagkaroon niyan, of course una dahil strict ang parents ko at pangalawa walang nagtangkang manligaw sakin. Nung high school meron naman pero mula nung magcollege na ako, wala na. Naiisip ko tuloy na ang panget ko.

At heto ang buhay ko, wala masyadong magandang nangyayari, for short boring. 

***  

Thank you for Reading! :)) 

Vote| Comment| Be a Fan 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

95.7K 1.9K 27
Can I do it? Hanggang saan? Hanggang kailan? Wala na bang katapusan Her sad who make her heartless in her mask but......a happy one without it A girl...
Garnet Academy: School of Elites Cai द्वारा

किशोर उपन्यास

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
261K 7.6K 73
What does it feel like to be in a relationship with the ultimate heartthrob namely Dashed Calderón de García? |GOT RANK #1 IN TEEN FICTION| xxstart:...