The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Codes

965 29 0
By SheIsLexa

"Nasaan na ba 'yong kliyente natin? Tsk," naiinip na saad ni Christian habang nakatitig sa isang hot waitress na naghatid sa kanilang in-order na drinks. Pagmamay-ari ng kaniyang lolo ang restaurant at sa kaniya ito ipinamana bago pa man ito sumalangit. Kating-kati na kasi siyang lapitan ang babae ngunit hindi niya maaring gawin sapagkat on-duty siya.

"Tiis tiis din pag may time-oh... delicious!" saad ni Cabaron habang kinukutingting ang kanyang android phone. Kasulukuyan siyang naglalaro ng Candy Crush. Lahat ng cute na bagay talagang pinapatos niya. Maya't maya ay umiinom ng Slurpee at babalik na naman sa paglalaro.

"E, paano kung walang time?"

"Problema ko na ba 'yon? Sweet!"

"Leche. Ang ganda mong kausap," naiinis na saad ni Christian.

"English please?"

"Leech. You're nice talking," pagtatranslate niya sabay inom nang in-order na lemon juice.

Sakto namang pagdating ng isang lalaking nakacorporate attire na nasa 40 ang edad. Ang kanina pa nilang hinihintay na kliyente. Tila may hinahanap ito sa loob ng restaurant at kalaunan ay nilapitan ng isang waitress at iginiya papasok sa opisina kung saan sila naghihintay.

Pagpasok ng matanda ay parang hindi siya makapaniwala sa nakita. Dalawang kabataang nakasuot ng mga maskarang kulay pula at dilaw ang kaniyang nadatnan, "Teka, kayo ba—"

"Yes and let's get down to business," pormal na sabi ni Christian.

"But you're just—"

Itinapon ni Cabaron ang kaniyang cellphone kung saan at umupo nang maayos, "Which part of your body are we going to break in order for you to believe that we are the people you need?"

"Okay. I'm sorry," natatakot na usal ng lalaki. Nautusan lang kasi siya ng kanyang boss na pumunta rito para ibigay ang mga dala-dala niyang papeles at sabihin ang kasalukuyang nilang sitwasyon.

"Alam niyo po bang may dalawang bagay na libre sa mundong ito?" saad ni Christian sa kawawang lalaki.

"W-what?"

"Una, ang umutot. Pangalawa, ang umupo sa silyang kaharap niyo ngayon."

"S-sorry." Pinagpapawisan na ang lalaki habang umuupo sa swivel chair

This is what I hate kapag hindi mismo ang kliyente ang humaharap. Tsk., sa isip ni Cabaron. Alam niya kasing kanang kamay lang ng kliyente niya ang lalaki kaya wala itong alam sa kanilang mundo. "What's our mission and who's our target, Mr...?"

"Royle. I'm Janus Royle."

Sa kabilang dako naman ay nasa isang kwarto ng hotel sina Martin, Adrian, at Moncieller. Ginagawa nila ang kanilang nakabingbing misyon kasi inuna nilang magbakasyon sa Mt. Rushmore kesa asikasuhin ang naturang assignment.

"Nakakainis ka, Martin! Bakit mo ako isinali sa misyon na 'to?" nandidiring saad ni Moncieller na nakasuot ng violet na maskara habang nakatingin sa kanilang nakaposas na suspek. Isang sex at drug lord na nagbebenta ng mga dalaga sa mga mayayamang negosyante.

"For you to grow up," sagot naman ni Martin, na may suot na golden na maskara, sa kaibigan habang binbihisan ang tulog na babae. Hubo't hubad ito nang kanilang madatnan. Nasakote kasi nila ang suspek na nakikipagtalik sa isang dalagang dinroga nito. Sanay na naman siyang makakita ng katawan ng babae without heating up dahil na rin sa dinaanan nilang lahat na training and for him it is crazily hard. Lalaki sila at may pangangailangan pero sa pamamagitan nang training ay nakokontrol na naman nila ang kanilang mga sarili. Sadyang maarte lang talaga ang kaibigang si Moncieller, bukod kasi sa pagiging maputi nito ay tinagurian itong White Stone dahil na rin sa purity at pagkainosente nito.

Si Adrian naman ay ina-adjust kanyang gray na maskara habang prenteng nangangalap ng mga ebidensya. Sa totoo lang ay ideya niyang hulihin ang suspek habang nakikipagtalik dahil ayon sa impormasyon na kanyang nakalap ay hindi ito nagdadala ng PSG kapag nakikipagromansa. He raised his eyebrow nang may makita siyang microchip sa wallet nito. Files., sa isip niya.

Tumunog na naman ang earpiece nila at sabay sabay silang nagkatinginan. "Code Priestess on the line connecting to the following Codes: Charmer, Silent, White. Asking for the report."

"Mission accomplished, Code Priestess. Code Charmer reporting."

"Target's captured. Code White over."

"Evidence gathered. Code Silent."

"Okay. Good job. Now, Code Priestess on the line connecting to-"

"Whoah! Wait, Code Priestess!" amused na pagpipigil ni Martin sa kanilang pinuno. "Code Charmer speaking, just saying I love you. Over."

"C-code... tsk. Code Priestess on the line connecting to Code Charmer responding damn you. Over."

Napahalakhak naman ang tatlo dahil sa reaksyon ng kanilang Priestess Stone. Paniguradong kamatis na kamatis na ang mukha nito.

Samantala, sa isang abandonadong building naman ay tawa nang tawa si Edward, suot-suot ang kaniyang orange na maskara, sa itsura ng kaniyang nakasagupa. Paano bang hindi siya matatawa, e naging one seat apart ang mga ngipin nito matapos niyang suntukin. "'Di bale pare, ipapa-Belo na lang kita kapag nagkita tayong muli. Only Belo touches your teeth." Naramdaman niya namang may susugod mula sa kanyang likuran kaya agad siyang umilag at saktong lumanding ang atake sa mukha ng kaniyang kasagupa. At tuluyan na ngang nalagas ang mga ngipin nito. "Patay! Kay Calayan ka na lang pala pare! Imposibleng masalaba ka pa ni Belo. Tsk. Tsk."

Hindi naman maiwasang lingunin ni Nigel ang kabigang tawa nang tawa. Napailing siya sa ginagawa nito at napaisip, Bayolente, tsk tsk. Mabuti pa ako, say no to bruises! Nakasuot siya ng pink na maskara na may pangontra sa kanyang deadly weapon na pabango. Kanina ay nag-spray siya nito at ngayon nga lahat ng kalaban na lumalapit sa kanya ay nahihimatay bago pa man siya mahawakan. 7 hours na makakatulog ang lahat nang makakalanghap nito, silang tatlo lang ang nina Edward at Oasis ang hindi natatablan dahil nga may pangontra ang mga suot-suot nilang maskara. Kaya ang ginagawa lang niya ay maglakad nang maglakad at hinahayaang bumagsak ang mga kalabang nagtatangkang lumapit sa kaniya. "Come on guys, hindi ako nangangagat," pang-aasar niya sa mga kaaway.

Habang si Oasis naman na nakasuot ng silver niyang maskara ay kasalukuyang hinahanap ang lider ng kanilang kalaban.

Isang grupo ng mga gangster ang kanilang hinuhuli sa misyon na 'to. Mga gangster na marahas na pinapatay ang kanilang nakaka-gang war. Kung gaano karahas? Well, ginigiling lang naman nito ang mga nahuhuling buhay na kaaway. Mga gangster na psychotic.

There you are asshole., sa isip ni Oasis. Nakita niya ang isang lalaking may napakaraming piercing sa katawan na tumatakbo palabas. Nilabas niya ang dalang baril at pinunterya ang nagmamadaling lalaki. Sa isang iglap lang ay natumba ito at diretsong nakatulog. May nakabaon na karayom sa leeg nito dahilan nang pag-idlip nito. "Bulls eye."



***



"And our last stop is my master's bedroom," proud na saad ni Reymond sa dalaga habang bumubukas ang kanyang sensored automated sliding door.

Bumalandra kay Jennica ang isang brown-painted velvet room. It looks refreshing at hindi matatawaran ang interior design nito. "Wow," iyan lang ang nasabi niya.

"Pwede kang puma-" bago pa man niya tuluyang matapos ang sinasabi ay nauna ng tumakbo papasok ang dalaga, "-sok. Sabi ko nga." Napakamot na lang siya sa kanyang pisngi at tuluyan na ring pumasok.

Ang unang napansin ni Jennica ay ang isang sketch ng babaeng nakamaskara na nakasabit sa wall sa ibabaw ng kama. Nakita niya rin ito sa walo pang kwarto ngunit iba-iba nga lang ang pose nito. Sa nakikita niya ngayon ay namimitas ito ng mga bulaklak, "Uh, siom-este Reymond, sino ba ang babaeng iyan? Love interest niyong lahat?" Alam niyang mahina siya sa pagdededuce pero sinabi niya pa rin ang nasa kaniyang isipan.

"No," amused na sagot ng binata sa dalaga.

"Then, sino siya?"

"Hmmnn... a common friend."

"'Di nga?" hindi makapaniwalang saad ng dalaga.

"Oo nga, kulit nito."

"Maganda naman."

"Saang banda?"

Tiningnan niya lang nang matalim ang binata, "Bandang kanan, bandang kaliwa, bandang likod, bandang harapan. Lahat ng bandang alam mo."

"Isang banda lang ang alam ko," pahayag ni Reymond saka nakangising hinarap ang dalaga, "Bandang wala."

Nagkasalubong ang kilay na itinaas ni Jennica ang kanyang bag upang muling paluin ang binata. Masyado na kasi nitong tinatapakan ang kanyang pagkababae. "Hindi mo ba alam na isa akong dyosa na galing sa Mt. Olympus at piniling mamuhay ng payak sa mundo ng mga tao? Sa mundo niyo?" She flipped her hair at tinaasan ng kilay ang binata.

"Piniling mamuhay o pina-deport ka?"

"Ewan ko sa 'yo!" naiinis na pahayag ng dalaga sa binata saka tuluyan nang naglibot sa kwarto.

Nakangising sinundan ng tingin ng binata ang dalaga at hanggang ngayon ay pilit niya pa ring iniisip kung saan niya nakita ang mga mata ng dalaga. Napaka-pamilyar kasi talaga nito. "Hoy, Jennica!"

"Lakas maka-hoy ha?"

Hindi pinansin ni Reymond ang reklamo ng dalaga at binuksan ang isang pintuan na nasa kaliwang bahagi ng kanyang kwarto, "Come, I'll show you some of my collections."

Sumunod naman ang dalaga.

Ipinakita nga ni Reymond ang kanyang mga collector items katulad ng mga action figures ng Marvel Heroes, past Philippine Peso Bills, signature clothes, Guiness Book of World Record series, at marami pang iba.

Habang tumitingin-tingin si Jennica ay hindi sinasadyang nakatapak siya ng isang maliit na tennis ball at-

Fuck!, hindi maiwasang mag-agitate ni Reymond nang makitang malapit nang matumba si Jennica. His well trained agility is enough to prevent Jennica from falling. Sinalo niya ito at niyakap patayo. Mabilis ang kaniyang paghinga habang nakatitig sa nakapikit nitong mukha.

Aware si Jennica na hindi siya tuluyang natumba at may sumalo sa kanya. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nakatambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Reymond. Napansin niya ring their faces are only... inches apart.

Nakita ni Reymond ang pagbablush ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay alam na niya kung ano ang nasa isip nito. "Alam mo, Jennica, it would be cliché kapag hinalikan kita—"

"H-hindi iyan ang iniisip ko!"

"Don't deny it. You seemed to degrade me but the truth is may HD ka sa akin."

"HD? What the hell is that?"

"Hidden Desire," chorus na sagot ng mga lalaking nasa pintuan ng collection room.

Nanglaki ang mga mata ng dalawa. Dumating na pala ang ibang miyembro ng PS nang hindi nila namamalayan.

"I suppose nagyayakapan kayo dahil nagpapasalamat si Ms. Perez sa pagtour mo Reymond? Or you know, may iba pang rason," pahayag ni Christian. Tiningnan niya ang kaibigan na si Moncieller na dahan-dahang tumalikod. At si Oasis na napapangiwi.

Natauhan naman ang dalawa at napabitaw sa pagkakayakap sa isa't isa.

Unang nagsalita si Jennica na sobrang pula na, "I-i'm going, s-salamat."

Sinundan ni Nigel ang dalaga dahil hindi naayon sa kaniyang prinsipyo ang hindi ihatid ang babae.

Habang ang naiwang PS naman ay tiningnan si Reymond nang nakakaloko.

"What?" tanging saad niya sa kanyang mga malisyosong kaibigan sabay pulot sa tennis ball, Pahamak na bola.

Sabay-sabay na namang tumunog ang kanilang mga earpiece, "Code Priestess on the line connecting to all Codes. Please respond."

"Aye," sabay-sabay nilang tugon.

"Okay, I'll be there half an hour from now. We'll be discusing about the group's mission."

"Code Ideal speaking, mission for the group? That's a first."

"Aye. But don't worry, this mission is an informal one. May... may pabor lang akong hihilingin sa inyong lahat. Code Priesstess over. Anything else?" Nagkatinginan silang lahat at naghihintay kung may magtatanong pa, nang mapansin nilang wala na ay nagsalita ulit ang babae. "Very well. Then get yourself ready and wearing your masks is an S.O.P. Good day agents."

A group mission and a favor from Code Priestess?, hindi mapigilang saad ni Reymond sa sarili.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
616K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
802K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
Lost Stars By Eros

Teen Fiction

11.7K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...