Ever After 72
Gawa na yung bridge. Tanaw ko na nga si Fia at Kitsuki sa kabilang side. Nakabalik na pala yung magaling nyang asawa. Humanda talaga sya sakin pagtawid namin. Oh right. Andun din pala si Shen sa tabi ni Fia with all smiles. Ano namang kinasaya nya sa sitwasyon? Ah oo nga pala. She's the worst matchmaker ever.
Tiningnan ko yung pinto ng villa kasi wala pa ang makupad na prinsesa. Maliit na backpack lang naman ang dala nun nagtatagal pa? Tsk. Sa sobrang inip ko, pumasok na muna ko sa villa at nakita ko naman syang may hinahanap sa bag.
"Mukha bang runway ang bridge para magayos ka pa ng ganyan? Tsk"
"Pakelam mo ba?"
"At yang shorts mo. May tinatago pa ba yan sa sobrang ikli?? Magpalit ka nga!"
"This is fashion! Wala ka naman kasing alam sa fashion!"
"Sinasabi mo bang out of fashion ako manamit??"
"Kaw ang nagsabi nyan" sagot nya habang naglalagay ng red lipstick. Yun lang pala pinagtatagal dito sa loob tss.
"You look like a btch with that red lipstick" napataas naman ang kilay nya saka padabog na kumuha ng tissue at pinahid sa labi. Ayan much better.
"Lahat na lang napapansin mo! Bwisit!"
"Kasi nga may mata ko tsk" tiningnan ko kasi sya from head to toe.
"O ano na naman kapuna puna sa paningin mo?!"
"Mag jeans ka"
"Ano?! Ayoko!"
"Isa! Umakyat ka na at magpalit!"
"Ayoko sabi eh!"
"Ayaw mo talaga?"
"Ayoko nga!!"
"Fine" tumayo ako at nagtungo sa pinto ng villa.
"Hay buti naman" narinig ko pang sagot nya habang sinusukbit sa balikat ang strap ng backpack. Derederecho akong lumabas saka nilock ang pinto leaving her inside. Sumilip ako sa bintana.
"Hanggat di ka nagpapalit, maiiwan ka sa villang to mag-isa"
"Jared ano ba!!! Open this door!"
"Take it or leave it" saka ako sumandal sa nakasarang pinto kahit pa halos maalog ang utak ko kakasipa nya mula sa loob. Tsk. Ten minutes later saka ko lang sya narinig na kalampagin nya ulit ang pinto. Magpapalit lang ng jeans inabot pa ng ten minutes? Saksakan talaga ng kupad. Sinilip ko muna sya sa bintana just to make sure.
"Satisfied?!" lukot ang mukha habang nakapamewang nyang sabi pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
"Pwede na" saka ako bumaba ng three-step stairs. Nakasunod naman na sya agad na di parin maipinta ang itsura. Tumawid na kami ng bridge. Pagkatawid namin, niyakap agad ako ni Fia tapos kinutusan ko talaga si Kitsuki.
"Brad naman! Gandang bati naman nun!"
"Buti nga di kita sinuntok eh. Yun talaga ang plano ko"
"You're too harsh to my hubby, Red! Does it hurt hubby?"
"Aish. Tigilan nyo nga akong mag-asawa"
Napatingin naman ako sa kanan ko kasi nakakaumay tong mga nasa harap ko at nakita kong nagyakap din yung mag bestfriend.
"Si Lan, babe?"
"Ha? Ah eh...may recording kasi babe kaya hindi ka nya masusundo. Ako naman ang magddrive sayo pauwi"
"Ganun ba"
"Okay lang yun. Madami pa namang araw. Busy lang sila talaga babe"
Pilit syang ngumiti kay Shen pero halata namang disappointed sya. Inakbayan sya ni Shen to cheer her up.
"Looks like marami kang dapat ikwento sakin, Casanova" napakunot noo naman ako kay Fia na bumulong sakin. She's looking at her and Shen while smiling. Mukhang alam ko na yang ngiting ganyan.
"There's nothing to tell"
"Hahahaha. Come on hubby. Magdidinner daw si Red sa bahay"
Aish. Sabi ko ng wala nga akong sasabihin eh. Etong buntis na to talaga. Sabay sabay na kaming naglakad patungo sa pinagparkan ko ng kotse ko metres away. Andun din pala yung sasakyan ni Kitsuki saka isang black car na for sure kay Shen. Si troublemaker princess agad sumakay sa kotse ni Shen habang nagpapaalam samin si Shen. Hindi lang nasundo nagkakaganyan na.
"See you in the office, Casanova" she said wearing her usual mysterious smile. Tumango na lang ako tapos nagconvoy na lang kami nila Fia. Dahil nga pinilit ako ni Fia na magdinner sa bahay nila, syempre wala na kong nagawa kundi dumerecho dun. Yung kotse ni Shen, humiwalay na ng makarating kami sa city. Pakiramdam ko tumanda ako ng ilang taon sa pagkakastranded sa villang yun.
"So what happened?"
"Kala ko ba magdidinner ako dito? Bakit parang nasa talkshow ako?"
"Eeh! Si hubby na ang bahala dun sa dinner. Mamaya pa yun maluluto. So? Make kwento"
Mabilisan ko lang kinwento sa kanya ang nangyari. In general lang okay? Wala akong planong sabihin sa kanya ang tungkol sa missing in action scene with that troublemaker princess. Habang hindi maipinta ang itsura ko habang nagkkwento, ligayang ligaya naman sya. Walang nakakatuwa sa kwentong yun tss.
"Buti na lang pala, wala kami. Kung hindi, istorbo pala kami hahaha"
"Shut up prettybabe! It's not even funny"
"Sana pala nun pa namin naisip yun haha"
"So you planned it?" binigyan ko sya ng mapang-usig na tingin. Nagfade naman ang tawa nya na parang natauhan bigla.
"Hey Red, it's not what you think"
"What am I thinking at this moment, Fia?"
"Yang tingin mong ganyan, alam ko na yan. Hindi nga ganun!"
"Then what? Fate? Destiny? Don't you dare use those words, Fia. I'm warning you"
"Red naman. Okay okay. Yes we somehow planned it pero dapat talaga kasama kami dun. Totoo na biglaan ang business meeting ni Kit sa Singapore. So I asked Shen na sya na ang bahala sa inyo. Sabi nya sakin kanina na sinadya nya talagang maiwan yung cds ng Offbeat para makapag-usap kayo ni Starr for a while. Pero hindi naman namin mapplano na sirain ang bridge diba? Ano ka ba naman!"
"Tss"
Ano pa nga bang magagawa ko diba? Tapos naman na yun. Yun din naman ang iniisip ko about that bridge kaya pinabayaan ko na rin. As if naman nagwork ang plano nila ng magkaron pa kami ng chance. Mga hopeless na talaga.
-----
Shen's
Tahimik lang si Shar all throughout na pauwi kami. Somehow I'm thankful na busy talaga si Lan today kaya hindi sya nasundo lalo pa at nastanded sya with Red but looking at her now, mas mabuti pa palang hindi na lang sya busy. I don't wanna see her looking so down.
Actually, may kasalanan ako sa kanila. It was a deepest wicked secret na kahit kay Fia na syang nagplano nito, hindi ko sinabi. I was the one who cut the rope on that bridge. Pero magkamatayan na bago magkaaminan haha. Sorry guys, pero forever fan ako ng dalawang bwisit na to.
Kaso sayang lang pala ang pagod ko kasi akala ko makakapag-usap sila and rekindle those lost love. Sayang effort.
"Babe, don't feel so down. Gusto mo daanan natin sa studio si Lan tonight?"
"Di na babe. Okay lang ako nuh. Ayoko naman makaistorbo"
"But he's the reason why you're here diba? He should at least find time for you"
"I understand naman babe. They're recording an album plus finding a band for LD. Hindi naman madaling sumingit sa ganung sched. Kahit naman tayo pag may fashion show halos di na rin tayo makapag-usap"
"Hay naku. Ikaw na loyal. Buti pa si Red may time para sayo"
"Ghaad babe. Can we stop talking about that freak for once? Gusto kong ipahinga muna ang tenga ko sa pangalan nya"
"Hindi mo pa kinkwento sakin ang nangyari, babe. How was it?"
"Wala nga. Wala na syang ginawa kundi inisin ako. And imagine, pinaghugas nya pa ko ng pinggan?! Ghadd kung alam mo lang how I was tortured by that freak"
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kasi naman feeling ko bumabalik sila sa dati na wagas magbangayan. Though before, hindi naman palapatol yang si Shar. Ewan ko lang ngayon.
"By the way babe, may sulat ka from Lex. Dumating kahapon. Nasa office ko. You wanna see it? Tumawag din sya kahapon kaso sabi ko wala ka. Return call ka na lang"
"Kelan daw ba ang balik ni pretty dito? I need to ask her something"
"Bakit? Anong problema??" napaapak ako sa preno saka sya nilingon.
"Ano ka ba babe haha. May gusto lang akong itanong sa kanya. Something...weird"
Napangiti ako saka nagdrive ulit. Looks like it's getting more and more interesting. Nararamdaman ko haha.
"Few more months pa yata, babe. Can you tell me?"
"Nope. It's pretty woman's top secret haha"
They are calling each other as 'pretty' kasi. Ah sya nga pala yung girlfriend ni Lex. Short name yun ni Alex. I haven't met her though but I bet she's so nice. I'm actually dying to meet her pero out of the country pa eh. Hindi naman na ko naginsist kasi sapat na sakin ang mga sinabi nya to put me in a good mood.
Dumaan lang kami sa office to get the mail from Lex tapos pumunta kami sa bahay ko kasi daw namiss ako ni babe haha. Nag-order lang kami ng pizza tapos nanood ng dvd. Kaso parang di naman nanonood tong babaeng to kasi panay ang text.
"Babe sino ba katext mo?"
"Si Lan. Nagsosorry kasi busy daw talaga sya today pero magdedate daw kami bukas" buti na lang nakatingin sya sa phone nya habang nagtatype ng message kaya di nya nakita na napasimangot ako. Nakangiti na sya so I guess napatawad nya na naman si Lan sa hindi pagsundo sa kanya kanina. Hay bad vibes. Gustuhin ko man hatakin yung phone nya para di na sya makipag-usap kay Lan pero magtataka naman yun. Kinuha ko na lang ang phone ko at nagcompose ng message.
To: Dumbass Oliver
Hoy ano ng plano mo? Nandito na sila Shar at Red.
From: Dumbass Oliver
Busy ako sa LD. Saka ka na umepal.
Leche ka! We need a plan asap. We can't drive this way too long.
I'm thinking of giving up this useless plan. Kung ayaw na nila wala ka ng magagawa.
No! Hindi pwede. We need to continue this plan what ever it takes!!!
Tsk. Ang hilig mo talagang makelam sa buhay ng iba.
Sila nga kasi ang soulmates!
Kung sila talaga, kahit maupo ka lang jan magkakatuluyan sila.
Leche ka! Hindi ako nagtext para sermunan mo ko! Kita tayo bukas at isama natin sila. Okay?
Mga ten minutes din bago nagreply yung kutong lupang Oliver na yun. Pero nabitawan ko yung phone ng mabasa ko ang reply nya.
Give up, Marie. I accidentally saw a ring inside his drawer kanina nung hinahanap ko yung composition nya na isasama sa irerelease na album. Hindi nya sinabi sakin kasi alam nya naman na hindi ako pabor sa kanila ni Starr. Pero para kanino pa ba yung singsing na yun diba? Pag nagpropose na sya, alam naman natin na 100 percent sure na papayag yang bestfriend mo.
"Babe? What's wrong?"
"Huh? Ah wala wala. Don't mind me. Kuha lang akong juice. Dito ka lang"
Saka ako tumayo at pumunta sa kusina. Ilang minuto rin akong napatulala habang paulit ulit na binabasa ang text ni Oliver. Pusanggala. Pano na to?!