Imperfectus | ON HOLD

Autorstwa _sparkled

1.7K 122 40

Imperfectus /im.perˈfek.tus/, [ɪm.pɛrˈfɛk.tʊs] -unfinished, incomplete -imperfect -- Hansol is suffering f... Więcej

Imperfectus.
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIII [II].
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.

IX.

55 3 1
Autorstwa _sparkled

Hansol.

A ring from a bell got me out of dreamland as I felt a rough something lick my face. Wait what? I opened my eyes and a saw a ginger colored cat sniffing my face. I yelped and quickly stood up.

Nakita ko ang isang pusang nakaupo sa sahig na sinamaan muna ako ng tingin bago tuluyang umalis. What the hell? 'Yon ba yung sinasabi ni Seungkwan na gagapang saakin? Geez, nakakagulat. Umupo ako ulit sa sofa at nakitang patay na ang tv pero may ingay pa rin ng utensils ang maririnig mula sa kusina.

"Boo?" Tawag ko kay Seungkwan sa medyo malakas na boses. Sumilip sya mula sa kusina habang may suot na apron. Ang cute nya. Ano? What the hell did I just say?

"Oh? Gising ka na pala. Saglit lang, maghahain na lang ako at kakain na," sabi nya bago muling bumalik sa kusina. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Tutulungan ko na lang sya, nakakahiya naman.

"Tulungan na kita," sabi ko kay Seungkwan.

"Oh," sabi nya at inabot saakin ang dalawang plato. Nilagay ko ito sa lamesa kasabay ng kutsara't tinidor na inabot nya din. Ako na ang kusang kumuha ng iba pa at nilagay na rin sa lamesa.

"Umupo ka na dyan," sabi nya bago pinatay ang kalan. Mula sa kinauupuan ko, kitang kita ang likod ni Seungkwan na hinahanda ang mga niluto nya. Bakit parang ang sarap nyang yakapin mula sa likod?

Nilapag ni Seungkwan sa lamesa ang mga niluto nya bago tinanggal ang apron na suot nya at umupo sa tapat ko. Tiningnan ko ang mga niluto nya. Mukhang masarap. Besides, ang bango.

Tinititigan nya ako na para bang inaantay nya kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga niluto nya. "'Wag mo nga akong titigan. Naiilang ako."

Tumawa sya bago iniwas saglit ang tingin nya pero agad akong tinitigan ulit nang hawakan ko ang kutsara sa harapan ko para tikman ang niluto nya. Ito na, titikman ko na. Una kong tinikman ang kimchi stew.

Damn, it tastes so good. Nanunuot ang lasa nito sa dila ko pero pinilit kong 'wag ngumiti. Tumingin ako kay Seungkwan na mukhang kinakabahan dahil hindi ako nakangiti matapos matikman ang luto nya. Gusto ko na ngumiti.

Hindi ko rin napigilan at ngumiti na ako. Tumawa si Seungkwan at sinabing siraulo daw ako dahil akala nya hindi ko nagustuhan ang luto nya. Paano ko 'to hindi magugustuhan?

"Seryoso, Boo. Masarap talaga," sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Made with love kasi yan." Seryoso nyang sabi. Take it as a joke, Hansol. Take it as a joke. Tumawa na lang ako na para bang biro nga talaga ang sinabi nya.

——

Almost one and a half hour din ang tinagal namin ni Seungkwan sa hapag. Sabay din naming hinugasan ang mga plato. Sya ang nagsasabon, ako ang nagbabanlaw. It was fun.

Naglalakad kami ngayon papunta sa kanto na nilikuan namin kanina. Seungkwan insisted na ihahatid nya daw ako kahit hanggang dun lang. Syempre, wala akong nagawa.

"May alaga ka pa lang pusa?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, oo. Sya ang gumising sayo kanina, no?" Sabi nya at tumawa.

"Oo. Ano bang pangalan nya?"

"Bongbong. Regalo lang sya saakin actually noong maka-graduate ako ng high school," sabi nya habang nakangiti.

"Buti hindi napupuno ng balahibo nya ang bahay mo?" Mabalbon kasi 'yong pusa nya.

"Hindi naman."

Tinitigan ko sya habang naglalakad kami. Nakangiti nanaman sya. Paano nya nagagawa yan? Paanong mukhang totoo ang mga ngiti nya? Hindi ba sya napapagod ngumiti buong araw?

"Matutunaw na ako, Sol," sabi nya at tumawa. Kumurap ako ng ilang beses bago napansing tumigil na pala kami sa paglalakad dahil na sa kanto na kami.

"Hindi kita tinititigan," sabi ko at umiwas ng tingin. Nakakahiya.

"Okaaaay, sigeee," sabi nya sa nang aasar na tono at tumawa nang tumawa. Aish.

"Ewan ko sayo, bye." Paalam ko at mabilis na naglakad palayo. Bakit ka nahihiya, Hansol?

"Ingat! Chat mo ako pag nakauwi ka na!" Rinig kong sigaw nya habang tumatawa pa rin. Itinaas ko na lang ang isa kong palad bilang pasabi na narinig ko sya.

––

Seungkwan Boo
Active Now

Seungkwan: hoy nakauwi ka na ba

Vernon: opo boss

Seungkwan: buti naman hehe

Vernon: go to sleep. it's late

Seungkwan: wooooow concerned. ♡

Vernon:

Seungkwan: HAHAHAHAHAHA

Seungkwan: ikaw ah saan mo nakuha yan

Vernon: secret

Seungkwan: sabay tayo pumasok bukas

Vernon: ok

Seungkwan: tipid netong magreply! hmp

Vernon: ano po bang gusto nyo? yung pang nobelang reply? yung mangangalay ka na lang sa kakabasa di pa rin tapos? yung kasing haba po ba ng buhok ni rapunzel? yung kasing haba po ba ng traffic? yung kasing haba po ba ng wall of china? gano po ba kahabang reply reply ang gusto nyo?

Seungkwan: HAHAHAHAHA

Vernon: go to sleep, boo. susunduin kita bukas

Seungkwan: opo boss

Vernon: gaya gaya

Seungkwan: goodnight, Hansol! ♡

Vernon: night boo

—°—

bongbong exists

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

180K 3.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
9.1K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.2K 67 41
The melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your fee...