Unspoken Words

By esereth_

98K 832 47

- Compilation of my Poems - These are all originally written by me - In english or tagalog - Some are impromp... More

πŸ’­ Deep Thought
1 || Undestined
2 || What Are We
3 || Paalam Na Hindi Na Maibabalik Pa
4 || Inang Ilaw
5 || To My Dearest Friend
6 || Sonnet // Shakespearean
7 || Sonnet // Petrarchan
8 || Tanaga
9 || Haiku
10 || Diona
11 || Paglisan
12 || Yugto
13 || Violence Against Women
15 || Sa Apat na Sulok ng Kuwarto
16 || Ang Pagkilala
// Please Read! //
// Achievement, bes! //
// 100 tula para sa taong 'di kayo pinagtadhana //
//Mashakeeeet !!/
| heart talk |
/Important Announcement/
β€’ Open Letter for Jayson β€’
Spoken Tula #001
Spoken Tula #002
Spoken Tula #003
Spoken Tula #004
Spoken Tula #005
Spoken Tula #006
Spoken Tula #007

14 || Ang Ilaw at ang Haligi

1.3K 8 0
By esereth_

Author's Note:

Hi there, guys! I'm gonna share another piece of poetry of mine entitled, "Ang Ilaw at ang Haligi", which was, the former title, "Ang Ilaw". Also, this is a revised version of Inang Ilaw (see poem no. 4).

I hope you all like this guys! I wrote this poem for my parents as a part of my letter for our activity in the subject, Personal Development last grade 11.

Hit the star button if you love your parents. ❤

***

Si Mama,

Siyam na buwan ang paghihirap,

Ngunit isang araw,

Sumilay ang ngiti ni Mama.

Nang ako'y kanyang isilang.

Si Papa,

Abut-abot langit ang panalangin,

Hindi makatulog gabi-gabi,

Tinitiis at iniintindi lahay ng

Pagsusungit, lahat ng inis,

Ngunit isang araw,

Sumilay sa labi ni Papa ang kakaibang

Ngiti na ngayon lamang niya nadama.

Masayang isinigaw ni Papa,

"Sa wakas! Isang ganap na ama na ako!"

Nang ako'y isilang ng babaing kanyang

Pinakamamahal,

Si Mama.

Mama,

Hindi mo maipaliwanag ang saya,

Na iyong nadarama.

Araw-gabi, hindi ka makatulog,

Sa t'wing maririnig ang aking taghoy,

Hindi ka magkanda-ugaga sa pagpapatahan,

"Anak, nandito lang si Mama."

Kasabay no'n ang pagpunas mo ng luha,

Sa aking mga mata.

Napawi ang lahat ng pag-aalala't

Pag-aalinlangan sa akin.

Papa,

Hindi ka man gaanong marunong

Mag-alaga ng bata,

Ngunit para mapasaya at  makapiling lamang ako,

Handa kang matuto.

Napakasaya mo noong una mo

Akong nasilayan.

Ikaw na ata ang pinakamasayang ama noon,

At sabi mo pa,

"Napakaganda ng aking prinsesa."

Ikaw ang hari,

At ako ang iyong prinsesa.

Sa aking paglaki,

Inyong nasaksihan.

Mula sa pagkatuto sa paglalakad,

Sa pagtayo, pagbabasa,

Sa pagsusulat,

Hanggang sa pagbibilang ng mga numero,

At higit sa lahat, sa pagsasalita.

"Ma-ma, Da-da."

Unang dalawang salita na namutawi sa'king labi.

Ngiti ninyo sa labi'y aking nasaksihan,

Ngiti na hindi matatawaran.

Nasanay akong nandyan ka, Mama.

Bawa't araw ika'y hinahanap-hanap.

'Di ko alam kung anong aking gagawin

Sa tuwing mawawala ka.

Noong ako'y nauwi sa kapahamakan,

Nandyan ka upang ako'y iligtas.

Laking takot ko noon

Na baka hindi na tayo magkasama pa.

Ngunit sabi mo, "Anak, nandito lang si Mama."

Nang mamutawi iyon sa iyong mga labi,

Lahat ng pag-aalala,

Pangangamba't kinatatakuta'y naglaho.

At sugat ko'y naghilom na't

'Di na nadama pa ang sakit.

Nasanay akong nandyan ka, Papa.

Hatid-sundo galing eskuwelahan,

Inoorasan ang pag-uwi at,

Kinikilatis lahat ng mga binatang umaaligid.

Makita mo lamang na may luha

Sa aking mga mata'y,

Hindi ka magdadalawang-isip na,

Turuan ng leksiyon ang kung sino mang,

Lalaking nagpa-iyak sa akin.

Sabi mo,

Gusto mo sa iyong prinsesa ay,

Isang prinsipe na hinding-hindi ako

Magagawang saktan.

Isang prinsipe na mamahalin ako kahit,

Na maging o sino man ako,

At mamahalin habambuhay.

Isang prinsipe na dadalhin ako sa harap ng altar.

At isang prinsipe na ituturing akong

Hindi lamang prinsesa, kundi isang reyna.

Gaya nang pagturing ng hari sa kanyang prinsesa.

Nagdaan pa ang mga araw,

Lumipas ang panahon,

May sariling paa't isip na,

Alam na ang tama't mali,

At marunong nang mag-desisyon para sa sarili.

Sa paglipas ng oras,

Unti-unti na akong lumilihis ng landas.

Landas na hindi ko tinungo kasama kayo.

Landas na baluktot,

Nagbago ang lahat. . .

Pakikitungo, pagbibigay-respeto,

Pagmamahal,

Lahat ay naglaho. . .

Naging matigas ang aking ulo.

Sumasagot ng pabalang,

Nagiging sinungaling,

Hindi na ako 'yong dating 'anak' niyo.

Isang araw, sabi mo Mama,

"Anak, huwag mong ituloy 'yan, mapapahamak ka lang."

Ngunit naging sarado ang aking isipan,

Hindi ako nakinig sa iyo.

Walang pakialam sa iyong mga paalala.

Mga paalalang binabalewala lamang.

Sinunod ko ang aking gusto.

Nagbulakbol,

Napasama sa maling grupo,

Nag-rebelde't lumihis ng landas,

Sinabi mo sa akin no'n,

"Anak, ano ba ang aking nagawa at lumihis ang iyong landas? Saan ako nagkamali?"

Umiiyak ka at labis na sinisisi ang iyong sarili,

Nakaluhod at nagmamakaawa.

Hindi kita pinakinggan,

Binabalewala.

Tumigil ka sa pag-iyak at,

Ang huling sinabi mo sa akin ay,

"Anak, nandito lang si Mama."

Isang araw, sabi mo Papa,

"Ginagawa ko lamang ito dahil ayaw kitang mapahamak. Ayaw kitang masaktan. Ikaw ang prinsesa ko."

Ngunit naging sarado ang aking isipan.

Nagpadala ako sa emosyon ko.

Nasakal sa pagmamahal mo.

Ayaw ko na, pakiramdam ko,

Hindi na ako makahinga.

Sumama ako sa lalaking basta-basta lang,

Sa lalaking hindi mo pinangarap na makasama ko.

Sa lalaking alam mong

Hindi karapat-dapat para sa akin.

Hinabol mo ako para pigilan sa gagawin ko,

Ngunit napagod ka na at hinayaan lamang ako.

Sinabi mo na lang ay,

"Anak, nandito lang si Papa."

Mama, Papa,

Mahirap pala. . . Mahirap kapag wala kayo.

Mahirap na walang ama't inang gumagabay sa'kin.

Na nagsasabi kung tama ba o mali ang landas na aking tinatahak.

Mahirap. . . Mahirap. . .

Ako'y tumataghoy sa paghihirap at,

Tinatawag ang inyong pangalan,

"Mama! Papa! Tulungan po ninyo ako!"

Nawalan ako ng pag-asa kasi akala ko,

Tuluyan nang mawawasak ang aking buhay.

Pero. . .

Muling nagkaroon ng liwanag,

Nang inyong i-alay ang inyong mga kamay at sinabing,

"Anak, nandito na sina Mama at Papa."

Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon.

"Salamat, Mama. Salamat, Papa."

Sabi ko no'n habang kayo'y kapwa hinahagkan,

Tumatangis, sising-sisi sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.

"Patawad, Mama. Patawad, Papa."

Ilang ulit akong humingi ng tawad sa inyo,

Pinapanalanging ako'y bigyan ninyo pa

Ng isang pagkakataon.

Ngunit sadyang malambot ang inyong puso.

Sa kabila nang lahat na nagawa ko sa inyo,

"Anak, pinatatawad ka na namin."

Ako'y pintawad ninyo.

Sadyang napakalakas ng kapangyarihan

Ng pagmamahal ng isang ama't ina

Sa kanyang anak.

Sa aking pagtanda,

Nakapagtapos na ng pag-aaral,

Nakahanap ng magandang trabaho,

At nagkaroon ng isang payak at masayang pamilya.

Dala-dala ko sa aking pagtanda,

Ang lahat ng bilin ninyo,

Itinatak ko sa aking puso't isipan,

Ibinahagi sa aking anak

Lahat nang natutunan ko mula sa inyo.

Kay Mama,

Siyam na buwan ng pagdadala ng sanggol sa sinapupunan

Na kakambal ng isang anak ang buhay ng kanyang ina

Kaya ibubuhos ko lahay ng pagmamahal ko sa aking anak.

Kay Papa,

Na handang magsakripisyo ang isang ama,

Alang-alang sa kaligtasan ng kanyang anak.

Kaya kahit buhay ay kapalit,

Handa akong magsakripisyo,

Para sa aking anak.

Mama, Papa,

Maraming salamat.

Kung hindi dahil sa inyo,

Wala ako ngayon sa kinalalagyan ko.

Mahal na mahal ko kayo,

At hinding-hindi iyon magbabago. . .

Continue Reading

You'll Also Like

864 67 3
In a family where every melody echoed the legacy of generations, there was a young girl whose heart sang a different tune. Born into a lineage of est...
22.8K 1.1K 77
Heartstrings Attached I: Music Room ThatWallflowerWrites Copyright 2016 Sa oras na yon parang hindi ko na naisip na hindi ko dapat ginagamit...
18.5K 700 40
Row row row your boat, down the bloody stream. Brutally throttling, as your blood is falling, Revenge is my loudest scream. Make sure that everybody...