My Perfect Match! [COMPLETED]

By popplebear

35.5K 1K 105

Ilang beses ka mang mainlove...sa iisang tao mo lang talaga mararamdaman ang tunay na true love! Cassy is a... More

A/N
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Finale

Chapter 1

3K 59 1
By popplebear

A/N: SALAMAT GUYS SA LAHAT NG NAGBASA SA UNA AT PANGALAWANG KWENTO NA SINULAT KO. HOPE MAGUSTUHAN NYO ITONG LOVE STORY NINA CASSY AND JASPER. SALAMAAAAT SA PAGBABASA. :*

********************

Teary eyed ako at si Pao habang sinasaksihan ang engagement proposal ni Gabriel sa bestfriend naming si Roxxe.

Sobrang inlove nila sa isa't-isa kaya masaya kami habang nakatunghay sa nagaganap na eksena sa kasalukuyan.

One year anniversary nila and ngayon din naisip ni Vince na mag propose na.

Kaya kinuntsaba kaming close friends and family ni Roxxe na ma witness ang gagawin nito.

I'm really happy for both of them. Dati kasama namin si Roxxe na nag se-senti kung bakit wala pa kaming boyfriend pero heto sya...di lang boyfriend ang natagpuan nya kundi ang panghabang-buhay na nya.

Kami ni Pao kelan kaya?!;saisip ko.

One month later.

"How's your date?!;"tanong sakin ni Roxxe. May lunch date kaming tatlo nila Pao.

Napangiwi ako.

"Kalurkss! Di ko type babes kahit gwapo. Ang lakas ng dalang bagyo...akala ko nga tatangayin ako sa sobrang lakas ng hangin eh.;";hayag ko kaya napahagalpak silang dalawa ng tawa.

"Ah oh....bokya na naman pala.";tawang-tawa pa din na sagot ni Pao.

"Hay! Parang wala naman yatang pumapasa sayo babes.;"nakangiting komento ni Roxxe.

"Syempre pang husband material na ang hinahanap ko kaya medyo choosy naman daw ako.;"natatawang saad ko.

__________________________

"Ano babes?! Okay ka na?!";yan ang tanong sakin ni Roxxe kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo naman...bukas wala na ito babes. Naiyak ko na lahat eh.;"mapait na ngiti kong sagot.

Nandito kami sa kwarto ko dahil tinawagan ko sila ni Pao after ng break-up namin ni Dave.

"Lesson learned na yan sayo ha. Wag padalos dalos kasi pagdating sa love. Hinihintay yun, hindi hinahanap.;"wika ni Pao.

Napataas ang kilay ko sa narinig.

"Ah...excuse me babes...naririnig mo ba yang sinabi mo?! Pareho lang tayo noh. Goal natin na hanapin ang ating better half.;"sagot ko.

"Atleast ako babes hanggang date lang muna kasi sinasala ko.";natatawang sagot nito.

"Ikaw kasi bumibigay yang puso mo.";saad nito.

"Akala ko sya na kasi. Pa fall eh...nainlove ako. Kaya sinagot ko.";saad ko.

"Bakit kasi may mga lalaking pa fall di naman pala seryoso. Nakakainis! Buti ka pa soon ikakasal na. Nainggit ako ng konti.;"malungkot na saad ko.

Napataas ito ng kilay sa narinig.

"Babes!";wika ni Roxxe na di ko alam kung naiirita o ano.

"Kasi feeling ko ready na akong magka-lovelife ng seryosohan, yung pang lifetime. Paano na ako?!;"emote ko.

"Don't worry babes andito pa ako...di ka alone sa ganyan bagay.";komento ni Pao.

"Kaya hindi nag wo-work yang relationship mo sa iba kasi alam mo kung bakit?! Kasi pinipilit mo.;"seryosong sabi nito.

"Kasalanan ko ba kung madali akong ma fall sa lalaking sweet at ma effort...eh akala ko sya na.;"malungkot na wika ko.

"Pangatlo mo na yan ha...kaya please lang this time make sure na sya na...hindi yung pang isang buwan or limang buwan tapos wala na.;"komento pa din nito.

"Di ka ba napapagod sa pakikipag-break?!";dagdag nito na tanong.

"Huminga ako ng malalim. Sila naman nang-iiwan.";saad ko.

"Ayain mo ba naman kasing pakasal eh di natakot...ayan napala mo hiwalay ang labas mo.";napapailing na sagot ni Roxxe.

"Ang tagal kasi babes...nainip ako.;"sagot ko.

"Kaya minsan dapat sayo binabatukan ng matauhan.";sagot nito.

Di ko nga alam kung matatawa ako o maiinis sa mga sinasabi ng mga ito.

"Siguro nga kailangan kong maging maingat sa pagpili ngayon.";malungkot na wika ko.

"Dapat lang. So di ka pa nadala at napagod?!;"kunot-noong tanong ni Roxxe.

"Feeling ko hindi naman napapagod ang puso ko. Ang sarap din kasing mainlove at mahalin kahit sa huli bigo pa din.";nakangiti ko ng sagot.

"Baliw ka talaga babes.";natatawa na nitong sagot.

"Di pa siguro meant to be kaya ganun.";sagot ko.

"Pasalamat ka nga nahanap mo agad yang kahati ng puso mo...eh ako kelan kaya?!";saad ko.

"Damay mo na din ako.";natatawang sabad ni Pao.

"Hay! Ganun na ba tayo kasi ka desperada magka-asawa babes?! Ayan tuloy.";kunot-noong tanong nito.

"I'm 25 and feeling ko I'm not getting any younger kaya nga gusto ko bago man lang umabot sa treinta may family na din ako.";sagot ko.

Lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Tama na ang kadramahan mga babes. Hu-hunting tayo ng mapapangasawa nyo.";hayag ni Roxxe kaya natawa kami ni Pao.

"Oo nga eh...maling tao yung na-hunting natin.";natatawa kong sagot.

"Saan planeta kaya natin hahanapin?!";seryosong tanong nito.

"Alien ba ang ka-meant to be ko?!";nakataas ang kilay na tanong ko dito.

"Baka!";ang luwang ng ngiti na sagot nito kaya nahampas ko.

"Biro lang. Sige u-umpisahan nating ang paghahanap muli.";sabi din nito.

"Thanks babes.";sagot ko.

"So naka-move on ka na?! Agad-agad?!";natatawang tanong nito.

"Ay grabe ka babes...di naman. Palipasin ko lang ng isang linggo tapos pwede na.";tawang-tawa kong sagot.

"Pero seriously, please lang babes...pag mahanap natin sya, wag mo i-pressure na pakasalan ka baka magaya ulit sa mga ex mo na hiniwalayan ka.";seryosong saad nito.

"Agree.";saad ni Pao.

"Kaya siguraduhin natin na yung magiging next boyfriend mo this time...sya na talaga. And hintayin mo na maging ready sya sa lifetime commitment okay?!";sabi ni Roxxe muli.

"Tama.";si Pao ulit.

Ngumiti ako at niyakap ko sila.

"Thanks mga babes ko.";sagot ko.

Buti nalang araw ngayon ng linggo kaya wala akong set ngayon.

Isa akong singer sa isang kilala na exclusive restaurant/hotel. May live band dun at isa ako sa singer na kumakanta dun.

Sabagay gabi lang naman ako may raket dun. Passion ko talaga ang kumanta kaya siguro mas pinili ko ang ganitong trabaho.

Wala na din naman akong pamilya dahil ulila na din naman ako.

Nag shower ako pagkaalis nila Pao at Roxxe ng ng condo ko after kong mag emote sa kanila.

Habang naliligo ang daming pumapasok sa isip ko. Di ko din mapigilan na hindi maging emosyonal ulit.

Lahat ng mga naging ex ko..minahal ko at umasa na sana pang-habang-buhay na pero bakit ganun?

Nang makapagbihis dumiretso ako ng kusina para magluto ng dinner.

Napapikit ako. Gusto ko lang naman maramdaman na may mahal ako at mahal din ako. Yung may makakasama ako, mamahalin at aalagaan ako.

Hindi ba ako wife material?! May mali ba sakin?!;buntong-hiningang saisip ko

"Di pa siguro time para makilala kita. Paramdam ka naman na. Sana soon makilala na din kita.";saisip ko habang iniisip ang lalaking nakalaan para sakin.

_______________________

Hello guys! Hope magustuhan nyo itong pangatlong kwento ko. Thanks for reading. Please vote and share na din. :*

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
446K 6.3K 24
Dice and Madisson