Chapter 12

733 31 1
                                    

Salubong ang kilay ko na lumingon dito.

"Sorry?!";tanong ko kahit narinig ko naman.

"Sabi ko...good morning love.";nakangiti lang nitong sabi.

Pwede ba himatayin kahit ilang minuto. Ang gwapo eh. Sarap ng ngiti. Isa ito sa na miss ko dito yung mga ganitong ngiti na akala mo akin talaga.

Pero para di halata na lumundag ang puso ko sa narinig at sa nakikita ko...napa rolled-eyes nalang ako.

"Cassy po sir!";kaswal na paalala ko.

Bakit tatawagin pa nya ako ng love eh never naman akong minahal ng lalaking to. Kailangan pa ba nya ipaalala sakin na nasaktan ako dahil sa kanya?

Dahil sa narinig biglang nabawasan yung ngiti nya. Napahugot ito ng hininga.

"I still want to call you love.";titig na wika nito.

"Ewan ko sayo!";mahinang saad ko sabay baling sa labas ng bintana ang paningin ko.

Pumikit nalang ako para maiwasan at di ko maisip na sa sobrang sikip ng mundo namin na dalawa.

Nagising ko dahil sa haplos ng isang kamay sa pisngi ko.

Pagdilat ko mukha nya na sobrang lapit ang nabungaran ko. Yung halos ga-dangkal nalang lalanding na yung lips nya sa lips ko.

Parang nag-init yung pisngi ko sa isipin na yun.

Bigla yata sya natauhan dahil titig lang ako sa kanya.

"Uhm...we're here.";saad nito sabay layo ng mukha nito.

Napaupo ako ng maayos at napansin ko kami nalang dalawa ang naiwan dito sa eroplano.

"Where's everyone?!";kunot-noong tanong ko habang tumatayo na.

"Kabababa lang nila.";sagot nito habang kinukuha ang mga bag namin.

"Akin na yang bag ko sir.";wika ko habang kinukuha ito pero ayaw ibigay.

"Let's go love.";wika lang nito.

Napapikit ako dahil sa narinig. Parang kinukurot yung puso ko eh.

Di na ako nagpumilit mukhang wala naman akong magagawa.

Pagdating namin sa labas at maka-exit na. May mga nag-aantay na sa amin na sasakyan para magdala sa resort na pupuntahan namin.

Yung iba nga daw nauna na dahil madami kami. Hinanap ng mga mata ko si Pao pero di ko na makita. Mukhang nauna na mga ito.

After 15 mins nasa resort na din kami.

Pagdating at pagbaba ko iginala ko ang paningin ko.

What a paradise!;usal ko.

Kaya no wonder na madami akong nakikita na mga turista dahil sobrang ganda ng lugar na ito.

Nagulat pa ako ng may humila sa kamay ko.

"Let's go love.";saad nito habang hawak nito ang kamay ko. Pinilit ko hilahin pero di nya binibitawan.

Parang akong nanghihina dahil sa kakaiba na kuryente na dumaloy muli sa akin.

My Perfect Match! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon