Chapter 22

773 24 6
                                    

Maayos naman na natapos ang event. Mabuti at kahit papano di naman ako nabagot.

And about kanina mas pinili ko nalang manahimik at wag ng mag react. Pilit kong nilalabanan kung anuman ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko habang lumilipas ang araw mas nasasanay na ako at nakaka-move on na ang puso ko.

Thank you Lord God.;usal ko.

Di na kasi kagaya dati na mabigat. Still napapabilis pa din ang pagtibok ng puso ko pag nandyan sya pero di na gaya ng dati.

Iba din siguro ang nagagawa pag di ka umaasa...yung tanggap mo na yung sitwasyon kaya mas nakakatulong yun para mas mabilis na makalimot ka.

Sabi nga nila it takes time.

:
:
:
:
:

One year na din ang nakakalipas and now I can say mas close na kami ni Jasper. Wala na akong ilang na nararamdaman pag magkasama kami. Parang sya na yung male bestfriend ko.

I am not hoping na bumalik kami sa dati as lovers kasi parang mas na e-enjoy ko na magkaibigan nalang kami.

Still alam ng mga friends and kakilala nya that we're together but my two bestfriends, his closest friends and his family that we're not.

Pinangatawanan lang nya sa iba talaga na may girlfriend sya. And kahit sino siguro walang maniniwala na hindi kami mag boyfriend.

He's too caring and touchy too na usual sa mag boyfriend lang yun. Akbay hugs and kiss sa forehead/cheeks. Minus kiss sa lips.

Kaya yung reward ko nalang sa nakaraan is naging mas close kami...may nabuong friendship sa kabila ng lahat.

Masaya na ako na ganito kami ka close. Para ngang mas kilala ko na sya ngayon that we are friends kesa noong may relasyon pa kami.

Sabagay masyadong mabilis yung pangyayari na naging kami at di din naman kami ganun na tumagal.

Napahinga ako ng malalim sa naisip.

"Bal what are you thinking?";tanong nito kasi magkasama na naman kami ngayon.

Napalingon ako sa kanya. Kanina pa siguro to nakatitig sakin.

"Iniisip ko lang bal kung wala ka na bang ibang kaibigan at palagi ka nalang dito.";sagot ko nalang kasi alangang sabihin ko naglalayag ang isipan ko about sa amin.

"Alam ko naman di kumpleto ang araw mo pag di mo ako nakita.";nakangiting wika nito.

Napa-rolled eyes ako sa sinabi nya.

"Sus! Asa!";saad ko.

"Bal...aminin mo na kasi.";nakangiti pa ding sabi nito.

"Bal...wag kang feeling.";taas kilay kong sagot.

Ganito na kami ka close sa isa't-isa.

Sya din nag suggest ng tawagan namin kasi...he said I am one his closest as in bestfriend. He said he still love me in a different way na nga lang. Pinagbigyan ko na sa trip nyang endearment. Masarap din naman syang kaibigan.

Minsan kinukurot pa din ang puso ko dahil gusto ko sana more than friends kasi di pa naman totally nawala ang nararamdaman ko para sa kanya but anyway I am still happy that we're too close now.

"May date ako later kaya wag kang magulo.";bigla kong sabi.

Bigla itong sumeryoso at napakunot-noo sa narinig.

My Perfect Match! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon