Chapter 14

778 26 6
                                    

A/N: Please play the video up here. Mas maganda magbasa habang may background music. Salamat sa pagbabasa ng kwento ko. 😘

:

Naramdaman kong pinisil muli ni Pao ang kamay ko. Pero nakatitig pa din ako sa dalawang taong pakiramdam ko pinakamasaya ngayong araw na ito.

Biglang napalingon si Dave sa gawi namin at di maiwasang magtama ang aming mga mata.

Di ko alam kung ano ang magiging reaction ko ng marinig kong nasambit nito ang pangalan ko.

Napalingon din sa gawi ko yung fiancee nito.

Di ko alam kung tatalikod ba ako o mananatili. Pero para lang akong napako kung san ako nakatayo.

"Nice to see you here Cassy.";nakangiting wika nito sakin na nagpabalik sa realidad.

Nasa harapan ko na pala sya. Iba yung nakikita kong saya nya ngayon. Na kailanman di ko nakita ng ako ang kasama nya.

"Congratulations!";tanging nasabi ko at binigay sa kanila ang isang genuine na smile. Kasi totoong masaya na ako para sa kanya. Kasi matagal na din naman akong naka-move on sa kanya.

"Thanks Cassy.";masayang sabi nito.

"Sige una na kami.";nakangiting paalam ko sa kanila.

"Sure ka okay ka lang babes?!";tanong nito ng makalayo na kami.

Paglingon ko sa kanya ay siyang pagtulo ng luha ko.

"Yes! I am just happy for him.";nakangiti kong sabi.

Niyakap ako ni Pao dahil dito.

Ewan ko siguro emotional lang ako dahil masaya talaga ako para sa kanya.

"I'm okay babes. Bar tayo later.";suhestiyon ko.

Humiwalay ito ng yakap sakin at tinitigan ako sa mata.

"You sure okay ka lang talaga? I know he was  your last boyfriend babes.";wika nito.

"I'm fine babes...sobrang tagal na namin naghiwalay di ba? Matagal na syang wala dito.";sabi ko sa kanya at tinuro ang dibdib ko.

Matagal nang wala dahil sa katunayan after nya may ibang pumalit sa puso ko na ni di ko ipinaalam sa inyo.;saisip ko pero ni ayaw ko isatinig.

Sa hitsura nya parang di kumbinsido kaya natawa ako.

"Are you sure wala ka ng feelings sa kanya?";kunot-noong tanong noo nito.

"Promise! Wala na...matagal na.";nakangiti kong tugon na nagpailing dito.

"Na miss ko kumanta babes.";wika ko na dito.

Napahinga ito ng malalim bago tumingin sa mga mata ko.

Tumango nalang ito dahil alam nilang dalawa ni Roxxe na dito ko lahat binubuhos lahat ng nararamdaman ko.

Feeling ko di pa din sya kumbinsido sakin.

After ko maggayak ng mataman akong nakatingin sa reflection ko sa salamin.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now