Chapter 36

1K 23 11
                                    

A/N: Please play the media up here. Para mas feel magbasa. :)

Thank you for reading my third story. Please give some love to Cassandra and Jasper's love story. Share and votes. Salamat. Nearly the end :)

:
:
:

"Good morning love. I'll see you after your date. I'll pick you up.";basa ko sa message ni Jasper pagkagising ko.

Nireply ko lang siya at sinabi sa bahay nila Jeric and Pao nya ako sunduin.

Perfect timing na din para maipakilala ko na siya after ko mag confess sa kanila.

Pagkatapos ko mag reply tsaka na din ako bumangon.

After ko maggayak nang tinawagan ko si Pao.

"Hi babes! Paalis na ako dito.";saad ko pagkasagot nito.

"Okay babes. See you. Pauwi na din ako. Bumili lang ako ng milk tea for us. Nag request yung buntis. Kararating daw nya dun sa bahay.";sabi nito bago nagpaaalam.

I just take a cab kasi sabi ni Jasper sunduin nya ako.

Sinabi ko lang yung address sa driver.

"Andito na tayo ma'am!";pukaw sakin ng driver dahil abala ako sa pagkalikot ng phone ko.

Dumukot ako ng bayad at binigay ko kay manong.

"Thanks kuya.";sabi ko dito bago ako bumaba.


"Hi babes!";bati ni Pao sakin. Sakto pagbaba ko siya ding dating nya kaya pinarada nito yung sasakyan nya.

"So where's Roxxe?";tanong ko pagkababa nya.

"Nandyan na siya at hinatid ni Vince. Alam mo na buntis baka mapaanak pa.";nakangiting sagot nito.


"So tara!";aya nito.


"So dito pala lungga nyo ni Jeric.";sabi ko habang papasok kami.


Palibhasa di pa nya kami dinala dito at naging busy sila after wedding nila. Alam ko lang na dito sila nakatira.

"In fairness ang ganda ng love nest nyo. Mag pinsan nga sila ni Vince.";pang-aasar na puri ko.

"Anong silbi naman ng pera nya kung di nya ako i-bahay sa maganda.";natatawang sabi nito.

Ang luwang ng bakuran. Sobrang ganda ng garden.

"Sa backyard tayo babes at doon tayo tumambay. Presko doon para sa buntis.";sabi nito at iginiya ako sa gilid.


"So how's your week? Anong business meeting nyo ni Jasper?";kaswal na tanong nito.

Nag-uusap kami habang naglalakad.


"Ahm...I'll tell you pag kasama na si Roxxe kasi for sure same questions lang kayo. Para minsanan ang pagsagot.";tumatawa kong saad sa kanya.


Medyo nagulat pa ako ng isang hakbang nalang at nasa backyard na kami ng biglang may tumugtog.

Song: Incase you didn't know.

Biglang nagtama ang mata namin ni Jasper at ngumiti ito and he gave me a wink.

Napalingon ako kay Pao and niyakap nya ako.

"I'm happy for you babes.";bulong nito.

Teary eyed din na lumapit si Roxxe and gave me a squeezy hugs.

My Perfect Match! [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora