Chapter 10

761 27 2
                                    

A/N: Please play the video up here. Listening music while reading...the best. ;)

:

*********************

Parang di ako makahinga. Di ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Kinalma ko saglit ang sarili ko at huminga ng malalim. Ayoko na makita ng mga ito na apektado ako sa presensya nya.

"No worries bro...by the way I want you to meet your new secretary.";pakilala nito sakin pagkalapit nito.

"Ca--Cassy?!";kunot-noong bigkas nito.

"For sure pare di ka na mahihirapan kasi you know each other very well.";nakangiting dagdag nito.

Gusto ko sana kontrahin ang sinabi nito pero minabuti ko nalang di umimik. Bakit di man lang binanggit ng mga ito na sya ang boss ko at sa kanya pala ako ma-assign?!

"Good morning sir!";kaswal na bati ko dito. Mabuti nalang at di ako nag stammer.

Gusto ko makita nya na okay ako sa kabila ng lahat.

"So pano bro ikaw na bahala kay Cassy!";untag ni Jeric dito dahil nakatingin lang ito sakin.

"Ah...Yes bro. Salamat. Tara sa office Cassy.";kaswal din na aya na nito sakin.

"Good luck babes!";nakangiting sabi ni Pao bago ako lumabas at sumunod sa bago kong boss.

Napahinga ako ng malalim. Parusa ba ito sakin? Yung kasama ko sya?!

Nakasunod lamang ako sa kanya.

"Uhm...sir. San po ba ang office nyo?!";tanong ko ng makarating kami sa parking area.

"Sa makati. Dun yung isang branch ng company. Di ba nainform sayo?!";kaswal din na saad nito. Umiling lang ako bilang sagot.

"Sakay na.";saad nito at pinagbuksan ako ng sasakyan.

"Feeling gentleman kahit hindi naman.";saisip ko.

Sabagay gentleman naman dati kontra din ng isip ko.

Tahimik ako habang daan.

"Kumusta kana lo....I mean Cassy?!";tanong na baling nito.

"Ayos lang po sir.";kaswal na sagot ko.

"Can you just call me by my name?";wika nito kaya napalingon ako dito.

"I think sir it's not appropriate since boss ko po kayo.";sagot ko.

Napansin kong napahinga ito ng malalim pero di ito kumibo.

Naging tahimik na kami hanggang sa makarating kami sa isang napakagandang building. Mukhang bago palang ito.

Umakyat kami sa 28floor din kung saan nandun ang kanyang office. 

"This is your area. If you need some stuff or anything in here just let me know.";wika nito na tinanguhan ko lang.

Pag-alis nito sa harap ko. Napapikit ako at napahinga ng malalim.

Kaya ko ba ito? Yung ganito kasikip ang mundo namin? Siguro nga kailangan din harapin yung ganito. Trabaho lang ito.

Ginala ko yung paningin ko at masasabi kong sobrang ganda at kumpleto din dahil may mini kitchen din dito. Kumbaga sa amin lang itong floor na ito kaya sobrang laki ng space.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now