Chapter 5

908 30 4
                                    

"Wow! Bago sa pandinig ko ha babes. Usually mga negative ang naririnig ko kada date mo.";sagot nito sakin.

"First date. You like him? Babes ha...rendahan mo yang puso mo. Baka kung san na naman mahuhulog yan.";seryoso nitong dagdag.

Napahinga ako ng malalim.

"Don't worry babes. It doesn't mean na I like him mahuhulog na naman ako.";wika ko.

"I just want to remind you babes para di ka na iiyak ulit just because of a man.";sagot nito.

"Na-gwapuhan lang ako babes and ang sarap nya kasi kausap. Pero di ko naman hahayaan ang sarili ko na mahulog ulit sa maling tao.";nakangiti kong sagot.

Dahil yun ang totoo. Pagod na din naman akong masaktan. Kahit pinapakita ko sa kanila okay na okay ako...part of me masakit pa din.

Mabuti din na di-distract ako sa ibang bagay nakakalimutan ko malungkot pala ako.

Ang dami naming pinag-usapan hanggang sa magpaalam na ako kasi kailangan ko pang mag ready para sa trabaho ko.

Dumaan ang ilang araw...linggo, di na ulit kami nagkita ni Jasper.

Di ko alam pero since that date di na sya naalis sa isipan ko. Parang na miss ko sya.

He asked my number and I expected him to call or sent me any messages after our date pero wala.

Ewan ko pero nalungkot ako dahil dun.

Kahit gusto ko tanungin si Pao about Jasper pinipigil ko. Baka iba na naman ang dating at usisain pa ako.

Ewan ko dahil yata na miss ko sya. Dinala ako ng mga paa ko sa restaurant kung san kami nag date.

Bigla naging special sakin ang lugar na ito.;saisip ko habang nakatingin sa labas.

Papasok palang sana ako sa restaurant ng biglang may yumakap sakin.

Di ako nakakilos agad dahil sa ilang boltaheng naramdaman ko.

Sino ba itong basta nalang yayakap?

"What's the meaning of this?";nakarinig ako ng boses ng babae.

Biglang kumalas sakin itong nangyakap at nagulat ako ng makilala ko na si Jasper ito.

"Jasper.";usal ko.

Hinawakan nito ang kamay ko. Para akong nalilito sa ginawa nya. Ni di naman ako makapag-protesta.

"Mildred this is Cassy...my girlfriend.";kaswal na pakilala nito.

What? Girlfriend? Ako? Kelan pa?;saisip ko pero di ko maisatinig sa kanila.

"After Rica wala ka ng ibang niligawan. How come? Ang bilis mo namang pinalitan ang bestfriend ko.";kunot-noong hayag nito.

"Like what she did...ang bilis nya akong tinalikuran.";seryosong sagot nito.

I can see sadness and pain in his eyes while saying those words.

"Kaya mabilis mo din syang pinalitan?";nakataas ang kilay nito.

"I don't need to explain anything to you. After all wala na din naman kami ng kaibigan mo.";wika nito.

"Excuse us may lakad pa kami ng girlfriend ko.";saad nito at hinala na ako papasok ng resto.

Pagpasok namin ng restaurant di ko pa din mahanap yung boses ko. Di ko pa din alam kung ano ang sasabihin ko.

"What was that?!";sa wakas naitanong ko din pagkaupo namin.

"Nakita ko kasi sya na palabas ng restaurant.";umpisa nito.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now