Chapter 2

1.4K 36 0
                                    

Abala ako sa pag-aayos ng biglang may tumawag sakin.

Napabuntong-hininga ako ng makita ko yung caller at napangiti.

"Yes babes.";bungad ko.

"Hi babes! How are you? Sorry busy these past few days. I'll see you tonight.";mahabang saad nito.

"I'm good babes. Na miss kita...kayo ni Roxxe.";saad ko kay Pao.

Parang 3 days lang naman kami di nagkita. O.A lang.

"Buti naman...goal ko talaga mag-pa-miss sayo.";tumatawa nitong sagot.

"Hulaan ko...may date ka mamaya ano?";natatawang tanong ko.

"Sabi ko na nga ba kamag-anak mo si Madam Auring!";tumatawang saad nito.

"Oo nga eh...yun na nga lang naipamana nya sakin.";sakay na sagot ko kaya napahalakhak ito lalo.

"Kalurks ka babes!";wika nito.

"Ano nga may date ka? Sino naman this time? Puro ka date wala ka naman napipili sa kaka-date mo.";wika ko.

"Reto ng pinsan ni Vince daw.";tumatawa nitong sagot.

"Pinsan? Eh di chickboy din?";tumatawa kong sagot kaya napahagalpak lalo ito.

Si Vince kasi ang fiancé ni Roxxe. Dating chickboy pero nagtino lang ng makilala nya ang bestfriend namin.

"Oo nga eh. Di ko nga trip sana pero mapilit yung dalawa.";sagot nito.

"So we'll just see you tonight.";wika nito.

"Good luck babes. Malay mo sya na.";nakangiti kong sagot.

"Hmp! I doubt it babes.";humahagikgik na sagot nito.

8pm ang set ko. Napatingin ako sa orasan at ako na pala in 10mins ang sasalang.

Hanggang 5 songs lang naman ako. Ganito na ang buhay ko. Gising na gising sa gabi.

May mga naka line up na din na kanta para sa gabing ito.

Naka-tatlong kanta na ako ng mamataan ko si Pao na papasok ito at iginiya sya ng lalaki papunta sa naka-reserved na table sa kanila.

Napangiti ako.

Gentleman. Check. Gwapo at mukhang mabango. Check. Pero bakit parang di masaya itong kaibigan ko?;saisip ko.

After ng set ko ng lumapit ako sa kanila. Abala na ang mga ito sa pagkain.

"Hi babes!";bungad ko.

Napangiti ng maluwang si Pao at napatayo ito at binigyan ako ng yakap.

"Hi babes! I'm glad to see you. Musta ang heartbroken?";natatawang tanong nito kaya napa rolled-eyes ako.

Ganito kasi kami ginagawa nalang namin biro ang lahat.

"Ouch!";drama na sagot ko kaya natawa ito.

Pero naudlot yung kumustahan namin ng marinig namin may tumikhim.

Oo nga pala may kasama nga pala sya.

"Uhm...babes anyway meet Jeric! Jeric bestfriend ko nga pala...si Cassy.";kaswal na pakilala nito samin kaya napatayo naman ito at nakipag-kamay.

"Nice to meet you Cassy.";nakangiting wika nito.

"Likewise.";nakangiti ko ding sagot.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now