Chapter 32

756 19 1
                                    

"How about Rica? Di ba sobrang mahal mo sya to the point na ginamit mo pa ako?";tanong ko dito. Pero nag-iwas ako ng paningin kasi ayokong salubungin ang mga titig nito.

"Look at me please.";rinig kong sabi nito kaya tumingin ako sa kanya.

"I don't love her anymore since I admit to myself that I am madly inlove with you. And I already speak to her to leave us alone...dahil ikaw ang mahal ko.";sagot nito.

"Ikaw lang love.";seryosong titig nito sakin.


Di ba ilang beses na din nyang sinabi na mahal nya ako pero pinipili kong hindi pansinin dahil sa nakaraan.

Ang tagal kong nakatitig sa kanya.

Bakit laging ang dali kong maniwala? Bakit grabeng lambot ng puso ko lalo na sa kanya.

Di ko mapigil ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sya na din yung kusang nagpunas sa luha ko.

Bakit iba yung saya ng puso ko dahil sa mga naririnig mula sa kanya ngayon?

Maniniwala na naman ba ako sa kanya?

Mahal ko pa din naman sya.

Kaya ko ba na bumigay ulit? Gusto kong humindi pero bakit parang hirap akong ibuka yung bibig ko.

Parang this time di ko na din kayang pigilin kung ano ang nararamdaman ko.

"Cass....I want to start our love again. This time no more lies but only pure love. I am sorry for causing you so much pain. Hayaan mo akong pawiin lahat ng sakit...please love.";pagsusumamo nito.

Di ko na talaga napigilan. Dito na ako napahikbi.

"Sssshhh...I am sorry.";kabig nito sakin.

I really love this feeling. I feel safe. Dahil lang sa mga yakap nya.

Should I give ourselves another try? Kaya ko ba masaktan ulit kung sakali? Pero paano kung pareho naman na talaga kami ng nararamdaman?

Pero sabi ko di ba, di naman napapagod ang puso ko kahit masaktan pa ulit basta mahanap ko si the one.

Humiwalay ako sa yakap nya. At tumitig ako sa mga mata nya.

"Mahal mo na ako talaga?";paninigurado ko.

Biglang kumislap yung mga mata nya at ngumiti sakin.

Kinuha nya yung kamay ko at inilapat nya sa kanyang dibdib.

"Sobra.";titig na sabi nito.

Parang nabibingi na din ako dahil sa sobrang lakas at  bilis ng tibok ng puso nya. Napapikit ako dahil pareho kami ng tibok sa mga oras na to.

"I... I love you too.";nakangiting sagot ko na.

"Talaga?! You still love me?";di makapaniwalang tanong nito.

Tanging tango nalang ang sinagot ko.

Bigla nya akong kinabig at niyakap ng sobrang higpit.

"Thank you love.";titig na sabi nito sakin pagkahiwalay niya.

And he gave me three smack kisses na lagi naming ginagawa before.

"I love you. And I miss you holding like this.";sambit nito pagkatapos.

Walang pasidlan yung kasiyahan na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Sa sobrang saya nya ayaw na nyang umuwi kahit pinapauwi ko na.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now