Chapter 4

921 26 0
                                    

Wedding day na nina Roxxe and Vince. Maaga palang naayusan na kami and ready na kami waiting for the bride.

"Ang aga-aga babes ang lagkit ng tinginan nyo.";pang-aalaska ko kay Pao na katabi ko pero hinampas nya ako.

"Are you blind babes? Alin ang malagkit? Pinapatay ko sya sa tingin baka sakali mawala sya bigla sa paningin ko.";nakasimangot na sabi nito.

"Akala ko pinagpapantasyahan mo na sya sa isip mo.";patuloy na pang-aasar ko.

"Babes it's not funny!";seryoso at nakasimangot na turan nito.

"Ikaw naman babes...pinapatawa lang kita.";natatawa kong sagot.

Kahit sino kasi matatawa kung paano nya titigan si Jeric. Feeling ko nga may something sa dalawang ito. Pero bagay sila.

Maya-maya pa'y dumating na ang bride kaya pumwesto na kami.

Napahinga ako ng malalim habang mataman na sinasaksihan ang nagaganap na kasal.

One of every girls dream to find the right one. And I'm happy that one of my bestfriend finally found her true love.

Sino ang mag-aakala na ang playboy dati napatino ng kaibigan namin. Kita at ramdam namin kung gaano kamahal ni Vince si Roxxe.

Di ko alam pero bakit naiiyak ako habang masaya ko silang pinapanood.

Naramdaman kong may sumiko sakin.

"Huwag na tayong mainggit babes...darating din yung para sa atin.";nakangiti pero teary-eyed din na sabi sakin ni Pao.

Natawa ako dahil pareho yata kami na nag-eemote habang sinasaksihan ang kasal ng amin matalik na kaibigan.

"Oo naman babes.";nakangiting sagot ko.

"Congratulations babes! Mrs. Fernandez kana!";bati ko kay Roxxe ng masolo namin sya ni Pao sa reception na.

"Oo nga eh... finally di ka na single.";nakangiting segunda naman ni Pao.

"Thank you babes! I'm so blessed having you both. Thank you for your unending support. Kahit sa umpisa naging kontrabida kayo sa amin.";nakangiting wika nito.

"Sus! Tinetesting lang namin noon yang playboy mong asawa kung seryoso ba.";natatawa kong sagot na tinawanan namin.

"Seriously mga babes...salamat ha sa pagtanggap sa kanya. Kasi bukod sa parents ko gusto ko kayong dalawa may basbas para sa aming dalawa.";nakangiti nitong sabi.

"He prove that he changed and loves you so sino pa ba kami na kokontra kung nakikita namin na sa kanya ka sasaya.";wika ni Pao.

Niyakap kami ni Roxxe sa narinig.

"Hey ladies! What's happening here?";nakangiting tanong ni Vince ng makalapit.

Niyakap nito ang asawa.

"We're just so happy to both of you. Take good care of our bestfriend.";nakangiting saad ko.

"Yes! Once umiyak yan...naku kukunin namin sayo. Uso annulment ngayon.";natatawang wika ni Pao na tinawanan namin.

"Don't worry...sobrang mahal ko itong bestfriend nyo.";nakangiti at sinserong sagot ni Vince.

Maya-maya pay nag-umpisa na ang program na ginawa. Tinawag ang lahat ng single na binata't dalaga.

Syempre dahil atat din kami maging next bride nakipagsiksikan din kami para makasalo ng bouquet ni Roxxe.

"Aw! Babes you're next!";natutuwang tili ko ng lumanding yung bouquet sa kamay nya.

My Perfect Match! [COMPLETED]Where stories live. Discover now