The Wicked Liar 1: The Lying...

Per kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... Més

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #5: The Bastard's bestfriend

165K 2.3K 258
Per kathipuneraaa

Nagising ako sa kalabit sa akin ni mama. Gusto ko sana mainis dahil pakiramdam ko sampung minuto pa lang akong tulog pero nang makita ko ang oras bumangon na din ako. Alas cinco na ng hapon. Kailangan kong sunduin ang kapitbahay namin na si Zeke sa school nila.

Pinakisuyo kasi sakin ni Ate Yda na ako muna ang sumundo sa anak niya dahil may faculty meeting daw sila sa pinagtatrabahuhan niyang school. Si Kuya Xander naman kasi nasa ibang bansa kaya ako lang talaga ang pwedeng magsundo. Ang cute nga ng pamilya nila eh. XYZ ang initials nila. Hahaha!

Hindi naman na sila iba sakin. Mababait silang kapitbahay. At higit sa lahat kapatid na din ang turing ko kay Zeke.


"Anong oras na? Pumunta ka na doon para maunahan mo ang labasan. Baka masalisihan ka ng batang yun mamroblema pa tayo" bilin sakin ni mama. Sinandal ko muna ang ulo ko sa head rest sandali at mariin na pumikit. Nakatulog agad ako kanina pag uwi dahil sumasakit ang ulo ko. Mabuti nga half day lang kami sa school dahil mastery exam. At dahil Math yung tinest kanina, pakiramdam ko natuyo ang utak ko sa kakapiga ng sagot

Tumayo na ako at nagpalit ng cotton pants. Nagtali na din ako ng buhok dahil masyado siyang messy. Naku yang Zeke na yan subukan niya ako pahirapan lagot talaga siya sakin! Grade six pa lang ang dami na kasing kalokohan nun.


"Zeke!" malakas kong tawag sa kanya nang makarating na ako sa St. Ignatius University. Sakto lang ang dating ko. Naglalabasan na ang mga estudyante. Mukha namang hindi niya ako napansin dahil may kinakausap siya at sa dami ng kasabayan niya na lumalabas kaya lumapit ako.


"Zeke!" ulit ko sa mas malakas na tinig. Napatingin naman na siya sakin. At nagkagulatan kami pareho.

Nagulat siya sa pagkakita sakin at ako naman nagulat sa nakita ko. May ka holding hands siya na babae!


"Zeke! Halika nga dito!" nanggagalaiting sabi ko. May sinabi siya doon sa babae at nagkakamot na lumapit sakin. Binatukan ko kaagad siya


"Aray naman, Ate Erica!" reklamo niya kaya piningot ko naman siya


"Ano yung nakita ko?! Ang bata bata mo pa may girlfriend ka na?! Gusto mo bang isumbong kita kay Ate Yda ha?!"


"Ate wag naman! Mahal na mahal ko po si Bea"


"Mahal?! Alam mo ba kung ilang taon ka pa lang?! For heaven's sake twelve years old ka pa lang! You know nothing about love!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses. Concern lang ako sa kanya. Kapag nalaman to ng magulang niya patay siyang totoo. Baka pati kayla mama makatanggap siya ng sermon


"Bakit ate? Kami lang ba ang ganito? Tsaka wala naman masama ah? Wala kaming ginagawang hindi maganda!" depensa niya sa mas malakas na boses. At mukhang iiyak pa siya


"Hihintayin mo pa ba na may gawin kayong masama? Zeke, ang babata niyo pa. Hindi niyo alam ang pwedeng mangyari. Wala pa kayo sa hustong edad para sa ganyan" mahinahon ko nang sabi


"Is there any problem here?" biglang may nagsalita sa likuran namin. Nang lingunin ko, lalaking matangkad at pamilyar sakin. Si Nico! As in Nico Valdez!


"Kuya!" may babaeng sumigaw. Yung girlfriend ni Zeke at lumapit samin para yumakap sa bagong dating. Sinalubong naman siya ng yakap ni Nico.


"Erica?" pagtuon niya ng pansin sakin. Hilaw lang akong ngumiti at kumaway.


"Kapatid mo ba ang boyfriend ng kapatid ko?"


"Hindi po! Kapitbahay ko lang siya! Pero sabi nila pwede na din daw kaming magkapatid" si Zeke ang sumagot


"O di ba may date kayo ng kapatid ko ngayon?" tanong ni Nico kay Zeke. Nanlaki ang mga mata ko at hinarap siya


"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?! Kinukunsinti mo pa sila?!"


"Dumaan ka din naman sa ganito ah? Bakit hindi mo sila kayang pagbigyan?" hamon niya sakin. Sa pagkakatanda ko nung elementary ako crush lang ang meron ako dahil wala namang nanliligaw sakin. Amazona daw kasi ako at nakakatakot


"For your information, wala pa akong nagiging boyfriend!" singhal ko sa kanya. Tumawa naman siya ng nakakaloko. Pesteng to. Manang mana sa kaibigan niya! Ang kaibahan nga lang nila yung isa agresibo masyado


"So kaya ka kumokontra kasi gusto mong may karamay ka?"


"Heh! Basta masyado pa silang bata! Halika na, Zeke" hinatak ko na siya pero pumalag siya


"Zeke!" I warned


"Ate nakapangako ako ng date ngayon kay Bea. Kaya ko naman na umuwi mag isa" hindi ko na alam ang gagawin kaya pinadyak ko ang paa ko out of frustration.


"Ganito na lang. Erica bakit hindi na lang tayo sumama sa kanila? We'll just give them an hour" suggest ni Nico. Tinignan ko na lang siya ng masama. Napatingin din ako kay Bea. Mukha namang wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Nakangiti pa nga siya. Maganda din siya. Parang babaeng version ni Nico


"Okay fine!" pag surrender ko. Sa tingin ko din naman aabutin kami ng isang oras sa pagdidiskusyon lang dito kaya mas mabuti kung pagbibigyan ko na lang. Ganun din naman eh

Sumakay kami sa sasakyan ni Nico. Nasa likod yung dalawang bata samantalang ako ang nasa passenger. Panaka naka akong tumitingin sa rearview mirror para tignan sila pero nagtatawanan lang sila.

Napailing na lang ako. Masakit na nga ang ulo ko, mas lalo pang sumakit. Hindi ko alam kung paano ko to ipapaliwanag kay Ate Yda. Wala namang problema si Zeke sa school dahil matalino siya pero hindi pa din tama na magka girlfriend siya sa ganitong edad. Nakakatakot. Isa pa, hindi naman sa hinuhusgahan ko ang pamilya nila Nico pero anong malay ko? Mayaman sila. At karaniwan sa mga katulad nila matapobre.


"Have you seen Derick, lately?" basag niya sa katahimikan. Saglit ko lang siyang tinignan at binaling na ulit ang mga mata ko sa labas. Since that incident sa room, hindi na ako nilapitan pa ni Derick.

Its been two months. Hindi din siya masyadong nagpapapasok. Minsan sa isang linggo dalawa o tatlong beses ko lang siya nakikita. Meron pa nga totally wala. Then last week nalaman ko na may sarili na siyang room na kung saan teachers ang pumupunta sa kanya.

Masama pa din ang loob ko sa ginawa niya. Pagtapos ng pangyayaring yun umuwi ako samin. Nagpanggap ako na may sakit. Hanggang kinabukasan ganon kaya hindi ako pumasok. Naghahatid ng gamot sakin si mama pero itinatapon ko lang.


"Hindi eh" matipid kong sagot dahil hindi ko naman na alam ang sasabihin pa. Nagkibit balikat na lang siya. Thankfully, para hindi na madagdagan ang usapan.

Sa pinaka malapit na McDo kami pumunta. Sabi ni Zeke yun lang ang kaya ng budget niya. Umorder siya ng shake shake meal. Hinayaan namin sila na magsolo sa isang mesa. Samantalang kami naman ni Nico ang magkasama. Umorder din siya ng para samin. Yung apple pie at Coke float lang yung ginagalaw ko dahil nakakahiya naman.


"May nangyari ba sainyo ni Derick?" pagbubukas niya ng topic. Nagulat naman ako sa tanong niya kaya binato ko siya ng french fries. Nangyari?! Anong akala niya sakin kaladkarin?!


"Hala anong ginawa ko?"


"Anong nangyari pinagsasasabi mo?!"


"Kaw naman. Na misinterpret mo yung sinabi ko. Ang ibig kong sabihin, may nangyari bang something sa inyo? Like tampuhan?" paglilinaw niya. Kumagat ako ng malaki sa apple pie para magkaroon ako ng oras makapag isip. Alam kong hindi maganda kung sasabihin ko sa kanya yung nangyari. Gusto ko nang ibaon sa limot yun. At isa pa may mga bagay na dapat sinasarili mo lang. Kahit nga kay Annabeth hindi ko yun binanggit. And speaking of my bestfriend, boyfriend niya yung ka team mate ni Robie!


"Wala naman. Tsaka bakit mo naman natanong?" I still managed to say


"May kakaiba sa kanya ngayon eh. Kilala ko si Derick. Bata pa lang magkasama na kami. Kaya alam na alam ko kung may gumugulo sa kanya. Well, these past few weeks niyayaya ko siya mag bar. Tumatanggi siya. Tapos yung ginawa niya na pagsosolo ng room, unusual yun. Sanay na din ako sa pagiging hot tempered niya pero kakaiba ngayon. May mga times pa that seems he's off track"

Sumipsip ako dun sa inumin ko para hindi niya mahalata ang expression ko. Hindi naman siguro ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon. Ano bang malay ko sa pinag gagagawa niya labas ng school? Sa itsura niya pa lang na yun alam kong siya yung typical na lalaking mahilig sa kalokohan. Siguro may nagawa siyang kabulastugan sa ibang tao kaya ganun siya ngayon.


"I dont know why is it everyone keeps on judging Derick. Samantalang hindi naman nila kilala siya" dagdag pa ni Nico. Ayoko sanang magtanong sa kanya pero hindi ko mapigilan


"Paanong hinuhusgahan?"


He shrugged "Alam mo naman yung mga adjectives na dinidikit sa mga katulad naming mayayaman di ba? Me and Derick, we really hate those things. Siguro nga sa pera, hindi kami nagkakaproblema pero sa way na kung paano kami dapat mabuhay? Ewan. Palaging may standards. Kailangan ganito, kailangan ganyan. Nakakasawa. Nakakaiinis"

Minsan nung mga panahon na kinakapos kami sa pera hinihiling ko na sana iba na lang ang naging magulang ko. Pero pinagsisisihan ko yun. Narealize ko din na hindi lang pera ang kailangan para mabuhay. At sa sinabi ngayon ni Nico mas lalo akong naging positibo don. Marami ka ngang pera. Marami naman ang nakatingin sayo. Wala din. Parang bukas na libro ang buhay mo sa lahat. Nag aabang sila ng kamalian na gagawin mo. Maghahanap sila ng butas sa katauhan mo. At hindi maganda yun.


"Do not live your life by the standards of other people dahil hindi masaya yun" payo ko na lang. I know that's only the smart thing to say


"Kung sana yung iba ganyan din mag isip" sagot niya at nginitian ako. I smiled back. Nagiging komportable na ako sa kanya kaya dinamihan ko na ang pag kain. Pati yung burger kinagatan ko na.


"Back to Derick, sayo ko lang to sasabihin at umaasa akong wag mong ipagsasabi sa iba. That bestfriend of mine, maybe matigas ang pang labas niya. But deep inside he's soft"

Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang bagay na yan. Pero maaaring tama. Naaalala ko nung binilhan niya ako ng pagkain. At lalo na nung sinamahan niya ang papa ko sa paghahanap sakin. Kabutihan yun.


"Palagi mong tatandaan Erica, na ang tao hindi basta basta umakto ng walang dahilan. Palaging meron. Hindi pwedeng wala"

Hindi na lang ako sumagot. Tama siguro siya. Katulad na lang ako. Minsan may pagka sadista dahil bunga to nung experience ko noong bata pa lang ako. Basta alam kong may hindi magandang ginawa yung tao sakin o kahit na kaninong malapit sakin, sinasaktan ko kaagad.


"Maybe Derick needs a girlfriend. He never had one" nabitin ang akma kong pagsubo ng fries. Napatingin ako sa kanya at naghahanap ng sign na nagbibiro lang siya pero wala akong makita. Si Derick? Hindi pa nagka grilfriend? Imposible yun!


"Tsss. He has the looks and the money. Siguro naman nagkaroon na. Hindi niya lang talaga sinasabi sayo. O baka naman kasi ayaw niya ng relasyon. Gusto niya lang ng laro. But no strings attached" dire diretsong sabi ko. Siguro nabibilaukan na si Derick ngayon dahil kanina pa namin siya pinag uusapan.


"He's not that type of person, either. He knows what is it like to have no one. To feel unloved. Kaya kung mapapansin mo, kapag hindi siya interesado sa babaeng lumalapit sa kanya, he's being rude. Para tigilan na siya. Ng sa ganon there will be no damages"

Kaya pala nung ginawa niya yun kay Irish grabe. Straight to the point. Masakit. Kungsabagay truth really hurts. Pero sana naman kung gagawin niya yun sa maayos na paraan. Yung tipong kakausapin niya ng maayos. Hindi niya na kailangan hiyain pa.


"Let's talk about you, Erica. Tell me your story" pag iiba niya ng usapan. I shift position. Bigla akong naging uncomfortable. Hindi naman sa nahihiya ako pero hindi ko alam kung paano sisimulan


"Manilla Erica Dela Serna, seventeen years old, only daughter, may polvoron business ang family namin. It is not a big one pero sapat naman na yun to fend our needs" pagdescribe ko sa sarili ko.


"Polvoron? Wow pwede ba minsan magdala ka sa school? Favorite ko ang ganon especially yung may cashew nuts" sabi niya na tila excited. Nagulat naman ako. May mayayaman pala na kumakain ng ganon?


"Oo sige. Kapag nakagawa na kami ipagtatabi kita" I promised


"Siguraduhin mo yan ah? Wait I'll take note of that" true to his words kinuha niya yung phone niya at may tinype. Minsan talaga hindi ko lubos maisip kung paano sila naging magkaibigan ni Derick. Oo pareho silang gwapo at mayaman pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Hindi ko maimagine that they're getting along.


"I would love to be your friend, Erica. Pwede ba yun? Tutal girlfriend naman ng kapitbahay mo ang kapatid ko" tinawanan ko ang sinabi niya. Ang kagaya niya makikipagkaibigan sakin?


"See, I cant be your friend. Dahil magkaiba-"


"Screw it. Why is it ganyan kayong mga babae? I've heard that line sa mga movies at nabasa ko na din sa mga libro. Ano bang masama kung hindi tayo pantay ng katayuan sa buhay? Is that how you measure friendship?" may paghihinampo niyang sabi


"Ayoko lang na may masabi ang iba"


"Bakit naman si Derick? You two are friends right?" natigilan ako. Are we friends? Hindi ko alam. Friends dont kiss like that. At isa pa wala naman siyang sinabi na magkaibigan kami. Basta niya na lang ako nilapitan and he called the shots. But then hanggang doon na lang yun. We'll never talk again. Fourth year naman na kami. Ilang buwan na lang and we'll seperate ways.


"Kuya, tapos na kami" buti na lang nilapitan na kami nung mga bata para makaiwas na ako sa tanong na yun.


"You two had a great time?" tanong niya sa kapatid niya. Kung kanina naiinis ako ngayon naman hindi ko alam kung matatawa ba ako. They're adorable. Napakaluwag na kapatid ni Nico.


"Yeah. Madami kaming napag usapan ni Zeke" masayang sabi ni Bea at hinampas pa ng mahina si Zeke na namula naman. I tapped his shoulders at kinuha na sa kanya yung backpack niya.


"Good. Let's go?" tumayo na din ako. Nagpatiuna kami sa paglalakad ni Zeke. Mukha namang masaya talaga siya. Saka ko na lang poproblemahin kung paano sasabihin kay Ate Yda. Tutal nag enjoy din naman ako. Pa consuelo na lang dun sa magkapatid.

Nang makalabas na kami hinawakan ako ni Nico sa braso. Pinauna niya maglakad yung dalawa kaya naiwan kami


"The thing I said about Derick. Pag isipan mo ng mabuti yun. My friend is lonely and unloved" he says and let me go.

Nag suggest sila na ihatid kami pero tumanggi ako. Malapit naman na to samin. Isang tricycle lang. Pero naglakad kami ni Zeke para makapag usap.


"Ate, alam mo ba kayo lang ang pinag uusapan namin kanina? Pini picturean pa kayo ni Bea. Ang sweet niyo. Bagay na bagay kayo" ginulo ko lang yung buhok niya. Lokong bata to


"Wag ka nga. Naku ikaw ha. Paano ko to sasabihin sa mama mo?"


"Ako ang hahanap ng pagkakataon. Basta ate wag ka muna maingay. Please?" pinagdikit niya pa yung kamay niya naka posisyon na parang magp pray


"Sige na nga!" pag agree ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. First time is not bad

Pagpasok namin ng gate isinara ko yun agad. Sa bahay tumuloy si Zeke dahil wala pa si Ate Yda. Sinalubong naman ako ni mama na may malaking ngiti.


"Ano yun?" I idiotly asked


"May bisita ka"


"Sino?"


"Hi, Erica!" at mula sa kung saan sumulpot si Robie. May hawak pa siyang bouquet ng bulaklak. Napanganga ako sa gulat

Continua llegint

You'll Also Like

9.6K 113 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1M 31.8K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...