Lie #45: Disappear right now

81.8K 1.3K 79
                                    

Kapag naiisip ko yung reaksyon ni mama at papa nung makita si Derick, hindi ko mapigilan matawa. December 30 nung makauwi sila from Singapore. Bukod sa mga keychain wala na silang nabiling iba pa dahil ang mahal daw ng mga bilihin dun. Biglaan din naman kasi talaga ang pagpunta nila dun sa ganon talaga.

We spent the New Year's eve together. So much into my family's shock. Pero hindi ko inaasahan na magiging grateful ang mga tita at tito ko sa kanya. At mas lalo ang Lola Pipay namin na saksakan ng sungit.

Marami kaming ginawa na sa totoo lang kapag naiisip ko gusto kong tumili. Saktong 12 am hinatak niya ako sa gilid ng bahay namin and kissed me hard under the fireworks. At muntik na kaming mahuli ng tito ko. Mabuti na lang nakatakbo kami.

Hindi kami natulog nun. Though yung ibang pinsan ko hindi din naman nakatulog still they gave us space. Hindi nila kami gaano pinagkakausap at niyaya sa mga laro nila.

Three am, we sneaked out of the house at nagpunta malapit sa beach to watch the sunrise together. But unfortunately, nakatulog ako at paggising ko nakayakap siya sakin.

Seems like Tita Patricia did really covered up for him. Sinundo siya nito at ni Nico kinabukasan at bumalik doon sa beach na pinuntahan nila sa Batangas to take pictures para daw kung sakaling maghanap ng ebidensya ang mommy niya.

And that's when I thought na para bang paligid na namin amg gumagawa ng paraan mapaglapit lang kami. Relasyon na nga lang daw ang kulang samin.

But then, in the end of the day alam kong mali tong ginagawa namin. May girlfriend siya at may boyfriend ako. That fact will never change unless makikipaghiwalay na kami.

At yun nga ang gagawin ko ngayong araw na to.

"Erica, anak gumising ka na!" narinig kong sigaw ni mama mula sa labas.

"Oo ma eto na!" sagot ko at tumayo na para mag unat. Tapos na ang maliligayang araw dahil pasukan na naman.

At hindi ko alam kung mae excite ako kakabahan. I have this gut feel na may mangyayari ngayong araw na to. Hindi lang ako certain kung maganda ba o pangit.

Lahat ng nakakasulubong ko sa hallway nginingitian ako at kinakawayan. Nang makarating ako sa classroom wala pa kaming kalahati. Pero nandito na si Nico at kasalukuyang natutulog. Pinuntahan ko siya kaagad.

"Hey, Valdez!" masayang bati ko sa kanya sabay akbay. Nagising naman siya, nagkamot ng mga mata and narrrowed his eyes on me.

"Seriously, Erica?" pagtataas niya ng kilay sabay gulo sa buhok ko.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas yun. Derick entered and when our eyes meet ngumiti siya. Papunta siya sa upuan niya at madadaanan niya ako.

"Love is in the air.." narinig kong sabi ni Nico sabay sundot sa tagiliran ko. Sakto na malapit na samin si Derick so he saw the thing. Napakunot ang noo niya sabay tingin kay Nico ng masama.

Nico raised his arms dahil siguro naramdaman niyang kinainis yun ng kaibigan niya. But personally speaking, I dont see anything wrong with that dahil kaibigan ko naman si Nico.

"Elise will be absent today" he whispered to me "Gusto mo tumabi sakin?" I looked at him with that are-you-serious way na tingin. Based on his body language he has this urge to kiss me pero hindi niya lang magawa dahil may mga tao na. Katunayan sunod sunod na nga yung mga pumapasok.

Wala pa kami sa kalahati na nasa room. Karamihan daw kasi ng mga classmates ko sa abroad nag New Year and maybe hindi pa din nakakauwi hanggang ngayon. Si Elise daw tinanghali ng gising kaya hindi pumasok.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora