Lie #32: Unexpected

106K 1.4K 297
                                    

"Ano bang nangyari, huh?" tanong ko kay Robie. Sinabihan ko yung dalawa kong pinsan na lumayo muna samin para makausap ko siya.

Alam kong siya naman talaga ang nauna. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganon ang inasta niya. Wala naman akong nakitang mali sa ginawa ni Derick. Natural lang na matapal siya of course basketball to. Physical sports. And why in the hell I was dragged into their quarrel.

"Nothing. What do you expect from a Derick Lusterio? Syempre pikon!" sagot niya sakin sa mataas na boses. I stepped back a bit dahil galit siya. Namumula ang mukha niya and he's brushing his hair in frustrated manner.

"Ikaw ang nauna" sabi ko bago pa mapigilan ang sarili ko. Tinignan niya ako ng masama. As if hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Pardon?"

"Sabi ko, ikaw ang nauna. Nakita ko yung nangyari" ulit ko kahit naman alam kong narinig niya yung kanina.

He shook his head at tumaas ang kilay. He laughed sarcastically na hindi tinatanggal ang tingin sakin "So meaning, siya ang kinakampihan mo? Is that what you are telling me, huh?"

"Hindi naman sa ganun. Ang sakin lang, wala naman talaga siyang ginawa. Oo, tinapal ka niya pero natural lang yun since nagba basketball kayo"

"No. Kaya mo sinasabi yan dahil siya ang mas kinakampihan mo" pilit niya pa din na parang bingi.

"Wala akong kinakampihan! Sa tingin mo ba kung siya ang kinakampihan ko, ikaw ang hahawakan ko?!" sigaw ko sa pagmumukha niya that made him flinched.

"See, babe-"

"Goodbye, Robie. Call me when you grow up" I ended at tinalikuran na siya.

Nakakapikon lang kasi talaga. I know somewhat na siguro nagpapalambing lang siya pero nakakainis pa din. Okay lang naman sana kung aawayin niya ako dahil sa maliit na bagay pero wag naman sana yung may nadadamay na iba.

So ano na lang ngayon? Sigurado ako na magbabago ang tingin ng mga pinsan ko sa kanilang dalawa. Kainis!

"Bakit mo iniwan si Robie?" salubong sakin ni Kuya Michael. Marahil nagtataka siya na nakabusangot ang mukha ko

"Nakakainis lang kasi. Wag mo muna ako tanungin kuya, please" pakiusap ko dahil baka pati siya masinghalan ko. Minsan kasi talaga kapag ganitong naiinis ako, nagiging immature din ako.

"Babe" nandyan na siya sa likod ko pero di ko nililingon. Nakatingin lang ako dun sa iba kong pinsan na naglalaro ng volleyball. Yung mga nagba basketball kanina nakaupo na lang sa bleachers at nakatingin din sa direksyon namin. Kahit si Kuya Michael naglakad na din pabalik dun. Hindi ko makita si Derick at Nico. Probably, magkasama silang dalawa and went somewhere

"Sorry. I know it was immature pero naiinis lang din kasi talaga ako"

"Okay"

"You're killing me. Please, im sorry"

"Wag ka sakin magsorry" sabi ko at nilingon na siya. Bigla akong may naisip. "Kay Derick ka magsorry" mariin na sabi ko

Halata sa mukha niya ang gulat at the same time yung urge na tumutol. Kitang kita ko kung paano niya pigilan yung pag ikot ng mga mata niya. Iniisip niya siguro na isang malaking kalokohan ang sinasabi ko.

"I cant do that" huminga siya ng malalim and tighten his jaw

"Okay lang" akma akong tatalikod na naman pero pinigilan niya ko. Hinagip niya yung braso ko so I am forced to look at him.

"You cant just expect me to apologize that fast, missy. Baka nakakalimutan mo, lalaki ako. And I cant just do that lalo't alam ko naman na wala akong kasalanan sa kanya"

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now