Lie #43: Epitome

93.8K 1.3K 78
                                    

Minho Valenciano. Valenciano..

Nanlaki ang mga mata ko when a realization hits me. "Kayo yung sponsor nitong camping?!" tanong ko sa mataas na boses at napatayo.

Natawa siya at napailing "Ngayon mo lang napansin?"

I snorted "Syempre pinrocess muna ng utak ko yung sinabi mo!" sa totoo lang bigla akong kinabahan. Paano kung isumbong niya ako kay supremo? Alam ko naman na wala akong ginagawang masama pero baka kasi mag isip sila ng masama dahil mag isa ako dito sa dilim.

He smirked at napatayo na din. Pinagpag niya yung pants niya at inabot ulit ang kamay niya na tinignan ko lang "Let me introduce myself again. Im Minho Valenciano" inginuso niya yung kamay niya so I shook it. "And you are?" follow up pa niya

"Manilla Erica Dela Serna" I answered with pride

"Manila as in the place?"

"Oo pero double L" he just nodded at ngumiti habang nakahawak pa din sa kamay ko. Naramdaman niya ata na awkward na kaya binitawan niya na ako.

"So.. Anong ginagawa mo dito mag isa? May katatagpuin ka?" tanong niya sa mapang asar na boses

I rolled my eyes and smirked "Hindi. May tinawagan lang ako"

"Who? Boyfriend?"

"None of your business" I snapped

Na agad kong pinagsisihan. Immediately nag sorry ako. Kasalanan to ni Derick eh. Kung hindi niya ako ininis e di sana wala akong mood swings ngayon.

"Daig mo pa may regla kung makapagsungit. Okay lang yun" he said at dapat susungitan ko na naman siya pero nakapagpigil ako.

"Bumalik ka na sa tent niyo. I suppose hindi nabanggit kanina na bawal ang cellphone but then too late naman na"

At gaya nga nang sabi niya, naglakad na kami pabalik. Nung una akala ko walang makakapansin samin dahil nga busy ang karamihan sa pagkain but then nung may isa lang na makakita samin, parang domino effect na nagsunuran na din yung iba. Natanaw ko pa si Kuya Michael na naka cross arms at parang gusto ako asarin.

Maybe naiilang ako so I am fidgety. At dahil dun muntik na akong matapilok kung hindi lang ako nahawakan ni Minho. And from there he touched the small of my back hanggang sa makarating na kami sa tapat ng tent namin.

"Im going to see you around, Ms. Dela Serna" he said at tumalikod na para umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang ginulat ako ni Thalia at inasar ako.

Pwede na daw matulog pero walang natutulog. Paano ka ba naman kasi makakatulog kung ganito kaingay? Imagine there are more than fifty people na sabay sabay nagsasalita.

"Saan kayo nanggaling nung lalaki kanina?" tanong ni Kuya Glenn and by the looks of his face, answering is an order. Not an option.

"Hindi kami magkasama. Uh, I mean mag isa lang ako kanina tapos nakita niya lang ako. Minho is his name. Minho Valenciano"

Kumunot ang noo niya "Valenciano? So meaning.."

"Oo, kuya ganun nga. And anyway, nakilala ko na siya dati. That's why I said last time na parang kilala ko nga siya. Remember nung dumating ka tapos pumunta tayo ng Video City? Siya yung lalaking tumulong sakin na abutin yung CD na nasa tuktok ng rack" pag explain ko

Mukha namang naalala niya dahil nag nod siya "What's with you na parang ang daming nahuhumaling dyan sa beauty mo?" he teased at ginulo ang buhok ko.

Nakarinig na lang kami ng malakas na sigawan so napalabas kami ng tent. At kahit ako nagulat sa nakikita ko. May mga pagkain na dumarating. Katunayan may lechong baboy pa.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now