Lie #22: About love

108K 1.5K 217
                                    


"I hope you're okay. Take care. Gago ba siya? Sa tingin niya ba sa mga nangyayari ngayon okay ka?" napailing ako sa sinabi ni Nico. Kung alam ko lang na magagalit siya sana hindi ko na lang sinabi yung tungkol sa nakita kong message na nakasulat sa papel.

Obviously naman kasi kay Derick galing yun.


"Hayaan mo na. Wala naman siyang alam eh" I reasoned dahil yun naman ang totoo. Bukod kay Robie at Nico, wala na akong pinagsabihang iba tungkol sa sakit ni mama.


"It's been fvcking two weeks, Erica. Ni hindi man lang siya nag abala na puntahan si tita. Sinabihan ko na siya na hindi ka okay at palaging puyat so atleast he'll come here pero wala. Ayan nakalabas na si tita at lahat, ni anino niya hindi natin nakita"

I massaged my temples. Hindi ko alam kung sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat o sa sinasabi ni Nico ngayon. In normal days, siguro makikipagtalo ako sa kanya pero ngayon wala talaga ako sa disposisyon. All I want now is to atleast sleep to my heart's content.


"Valdez, regarding pala sa hospital bill, gusto ko na pagtrabahuhan yun. And dont ever think of rejecting my idea kung hindi, magpapakamatay ako" I threatened. Sandali niya akong tinignan at binaling muli ang mga mata sa daanan. Then he chuckeled teasingly.


"Why dont you just swallow that damn pride, huh?" he asked


"Ayokong tumatanaw nang malaki- napakalaking utang na loob sa ibang tao. I mean, yeah we're friends but it's too much. Kaya please naman, Valdez. Give me a job"


"Ano ba kaya mong gawing trabaho?" lihim akong napangiti. Atleast na convince ko siya. Pero ano nga bang alam kong trabaho?


"Kaya kong magplantsa, maglinis ng bahay at maglaba"


"Eh pagluluto?"


"Ah eh.. Hehe, kung gusto mo ng sunog na pagkain bakit hindi di ba?" hindi naman sa hindi talaga ako marunong magluto. Marunong naman ako nung mga prito katulad ng hotdog at itlog.


"Hahaha nah thanks"


"Pero kasi ano ba? Nakapagpaalam naman na ako samin" sabi ko. Last night kinausap ko si papa ng masinsinan. Though naiisip ko nga na baka hindi siya papayag, kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko. Noong una sabi niya, siya na lang daw ang magtatrabaho. Tumutol ako. Mas kailangan siya ni mama ngayon.


"I'll ask mom first"

We turned left sa isang kalsada. Papunta kami ngayon sa school para magreport nang nangyari sakin. Isa pa, maaga pa naman. Mamayang alas tres pa ang uwian kaya makakasilip pa kami doon sa classroom. Two weeks akong wala. Sa panahong yun may ilan akong classmates na pumunta sa ospital. Nagulat nga sila kung bakit nandun si Nico eh. Kaya ang akala daw nila boyfriend ko siya.


"Bukas ba papasok ka na?" tanong ni Nico nang makapasok na kami sa vicinity ng school


"Oo. Okay naman na si mama eh. Sabi niya sakin mas ikamamatay niya daw kung hindi ako makakagraduate" natawa ako nang maalala ko yung way nang pagkakasabi nun ni mama. Alam niya na yung sakit niya pero parang wala lang sa kanya.


"Ibang klase din talaga yan si tita" napailing si Nico habang natatawa

Umakyat kami sa fourth floor at dumiretso sa faculty. Halos lahat ng teachers iisa lang ang sinasabi. Kung kamusta na daw ba ang mama ko, kung okay lang daw ba ako. Sa totoo lang gusto ko umiyak kasi hindi ko sa kanila masabi yung sakit ni mama. Kabilin bilinan niya saming tatlo nila Nico yun. Walang pagsasabihan ng kondisyon niya. Kaya tinext ko right away si Robie para sabihin din sa kanya na wag sasabihin kahit kanino.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now