Lie #48: Crying

94.7K 1.4K 333
                                    

Graduation na at sa isang buwan na lumipas madami ang nangyari. Totoo yung sinabi nung lalaking nakasayaw ko. Ikakasal nga si Robie sa iba. Though there is a small spark of pain inside me, masaya na din ako para sa kanya.

I can still remember kung paano ko nalaman at yung araw na yun mismo..

Saturday and I got nothing to do kaya naglinis na lang ako ng bahay. Patapos na ako sa pagdidilig ng halaman ng may marinig akong sasakyan na dumating sa harapan ng bahay namin.

"Besh, open up" napakunot ang noo ko. Si Annabeth ba yun? Nagtataka man ako gayong napaka aga pa, binaba ko muna sa semento yung pang dilig at naglakad papunta sa gate para buksan yun. And there is my bestfriend at may iwinagayway siyang puting sobre sa harapan ko.

"Wala ka bang plano today? Mamaya na yung party ah?" she asked na mas lalo kong ipinagtaka. Party?

"Anong party?" tanong ko

"Birthday ni Rob- oh dont tell me hindi mo alam?!" bulalas ni Annabeth witch matching panlalaki ng mga mata. Nag iwas siya ng tingin sakin pero hinawakan ko ang braso niya para iharap siya sakin ulit

"Sinong may birthday at bakit parang gulat na gulat ka na wala akong alam?" I asked in a serious voice.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita "Birthday ni Robie tonight, besh. Hindi niya ba sinabi sayo? Hindi ka man lang ba niya in invite?"

Hindi ko itinago ang pagkabigla sa sinabi niyang yun dahil wala namang nabanggit sakin si Robie. Oo, alam kong March one nga ang birthday niya pero sa dami ng inaasikaso sa school na requirements these past few days, nawala yun sa isip ko.

Sa hindi ko mawaring dahilan bigla akong kinabahan. Ewan ko. Pakiramdam ko may something sa birthday niya na sinasabi nito ni Annabeth to the extent na ako na girlfriend niya hindi niya inimbita.

May kinalaman kaya to sa pagsosorry niya sakin kagabi? Tumawag siya sakin at paulit ulit na sinabi yun sabay ibinaba na ang phone. Nung tinatawagan ko ang cellphone niya hindi naman niya sinasagot. Maging yung mga messages ko sa kanya hindi din.

"Eh ikaw bakit may invitation ka?" tanong ko bigla nang ma realize ko ang bagay na yun.

"Magkakilala ang parents ko at parents niya. Besh.. May gusto ako sabihin sayo pero sa tingin ko hindi dapat kasi ako ang magsabi" nakikita ko yung frustration sa mga mata niya. Gusto ko sana siya tanungin tungkol dun pero sa tingin ko hindi nga yun basta basta lang. I know Annabeth since forever. Kung balewala lang sa kanya yang dapat sasabihin niya, matagal ko na sanang alam.

"So ano ang gagawin natin ngayon?" I helplessly said dahil hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan na to.

"Hindi makakapunta si mommy and daddy. Tayong dalawa ang pumunta" kinuha niya yung kamay ko and her eyes are pleading for me to say yes. "Wag ka na mag alala doon sa susuotin mo, ako na ang bahala dun"

Funny. Hindi naman yun ang iniisip ko. Occupied ng utak ko yung katotohanan na hindi to sakin sinabi ni Robie. What will I wear is not on the list of my priorities now pero nakakatuwang naisip yun ni Annie.

"Hindi naman ako invited eh"

She tsked "They will not know anyway dahil masquerade party yun"

Matamlay akong ngumiti "Sige besh, magpapaalam muna ako kayla mama. Tatawagan na lang kita mamaya"

Nag stay pa siya samin para kumain ng almusal. Bumili ako ng pan de sal at itlog maalat na ipapalaman doon. For the whole morning hindi namin pinag usapan ang tungkol doon sa party. Parang ang awkward nga ng atmosphere dahil alam kong pinipilit niya na mapasaya ako kahit na ang corny ng mga jokes niya.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now