Lie #39: Stupid love

90.7K 1.3K 108
                                    

Nag doorbell ako at wala pang ten seconds pinagbuksan na ako ni mama. Humalik agad ako sa pisngi niya at sabay kaming pumasok sa bahay. Gaya ng text ni papa kanina matutulog nga siya. Naabutan ko siya sa sofa na nakahiga at natutulog.

"Maaga ata natapos?" tanong ni mama na nagtataka. Almost eleven pm na nga eh. Maaga pa yun para sa kanya?

"Hindi pa tapos pero umuwi na ako. Nagsasayawan na lang kasi doon" sabi ko at umupo sa sofa para tanggalin yung sapatos ko. Ngayon ko lang na realize na ang sakit sakit pala ng paa ko. Mabuti na lang at hindi mataas yung takong nung sandals na ginamit ko.

Nagkibit balikat lang si mama at sinaksak yung TV. Kinuha niya yung remote control at binuksan yun.

"Oh, may mga reporters ba doon kanina? Abangan daw yung mga nangyari sa engagement party oh" tinignan ko yung tinutukoy ni mama at nabasa ko nga doon sa left side nung screen yung mga naka line up na balita. Bukod sa lagay ng traffic at weather reports, ibabalita din yung mga nangyari kanina sa party.

"Model and part time actress, Elise Fontillejo's engagement to a business tycoons' son"

Hindi na lang ako nagsalita. Instead, napailing na lang ako at tumayo para magpalit na ng damit. Mabuti na lang at pinakinggan ko si mama kagabi na mag empake na ako ng mga gamit ko dahil masyado na akong pagod kung ngayon ko yun gagawin.

"Hindi mo ba panonoorin?" pigil sakin ni mama kaya napalingon ako sa kanya

"Magbibihis lang ako" hindi ko na siya hinintay sumagot at nagpatuloy na akong umakyat

Pagpasok ko sa kwarto ko nag lock agad ako ng pintuan at dumapa sa kama para umiyak. Why is it life is so unfair? Bakit ba hindi pwede na sakin na lang siya? Kung sakaling kaming dalawa ang magmamahalan wala naman mali doon di ba?

Natatakot ako. Paano kung mahulog siya kay Elise? Di ba ganun naman ang nangyayari sa mga romance stories? Since they're getting married hindi naman na nakakapagtaka yun. Especially with the reality on how fast people can change. That one day, you mean everything. The next day, you dont exist anymore. And if that happens ano na ang gagawin ko? Kahit sabihin ko na matagal ko na siyang mahal, hindi niya pa din yun tatanggapin dahil wala na siyang pakiilam.

What if those things happen? Saan na ako pupulutin?

"Erica, anak susunod na yung kay Derick! Bilisan mo na!" napabangon ako at agad na kumuha ng damit at shorts at sinuot yun. Kinuha ko din yung wipes na nasa vanity table ko na gagamitin ko sa pagbura ng make up ko at nagmadali na bumaba.

Pagtingin ko sa screen pamilyar sakin yung babaeng nagsasalita dahil nakita ko siya kanina doon sa hotel as part nung media. Hindi ko gaano ma comprehend yung sinasabi niya dahil sinimulan ko na ang paglilinis sa mukha ko para hindi mapansin ni mama yung pag iyak ko kanina.

"Were you friends with the bride and groom?" pinapakita na yung interview doon sa dalawang babae kanina na bisita din sa party

"Actually, we're friends with Elise. Kanina lang namin nakilala yung fiance niya but I can say he's a wonderful person" sagot nung isa sa tanong nung reporter

"Do you think he's a good catch for Elise?"

"Oh, hell yeah!" magkasabay na sagot nila and the scene changed. Pinakita yung itsura nung venue that I failed to notice last time nung nandun ako. Nanlaki ang mga mata ko ng madaanan ako ng camera. Yun yung pumapasok kami ni Nico at nakahawak ako sa kanya.

"Artista ka na, anak!" sigaw ni mama. At dahil doon nagising si papa. Naging hyper ang reaction ni mama. Tinuro niya yung TV kahit hindi naman na ako nakikita and keep on saying na nakita niya ako.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now