Lie #8: Ticklish moment

128K 2K 52
                                    

"Pssst" nag angat ako agad ng tingin nang marinig ko na may tumawag sakin. Magtatago pa sana si Robie sa puno pero nakita ko na siya. Kaya wala na din siyang choice kung di lapitan ako. Napansin ko agad yung dala niyang bouquet ng bulaklak at heart shaped na something.


"Kanina ka pa?" nakangiting tanong niya sakin. Umiling ako. Ten minutes pa lang ako nandito dahil medyo late na din naman nag dismiss si Mrs. Velasco. At kung nung isang araw nadelay yung pagkikita namin dito sa garden, ngayon naman tuloy na tuloy na. Medyo okay na din yung mga bruises niya sa mukha. Though medyo maitim pa din yung paligid ng mata niya.


"For you.." he handed me the bouquet of roses maging yung heart shaped. Ferrero chocolates pala yun


"Uy nag abala ka pa" sabi ko. Wala naman okasyon para bigyan niya ako ng ganito eh. Isa pa, tsismis na naman to panigurado lalo na kapag nakita ng iba. Wala naman problema kung mga classmates ko pero yung mga schoolmates namin na taga lower section matatalas ang dila. Lalo na yung Eunice. May incident nun na pinatid niya ako. Kung di lang ako nasalo nung isa naming schoolmate malamang madadapa talaga ako. Aawayin nga sana ni Annabeth pero pinigilan ko. Siguro pinag iinitan lang ako nun dahil binuhusan siya ni Derick ng tubig sa cafeteria noon.


"Masama ba kung bibigyan kita ng ganyan? Hmm anyway, may dala ka bang pagkain dyan?" siya na ang kumuha ng backpack ko at kinuha yung lunch box ko. Nagrequest siya na magbaon ako ng adobong sitaw na niluto ni mama nun. Nasarapan siya. Kaya pala nagtataka ako kung paano nalaman ng iba na kumain siya ng dinner samin. Nalaman ko na lang na pinost niya pala sa Instagram.


"Dinamihan talaga ni mama yan dahil dalawa na daw tayo dyan" sabi ko sa kanya dahil sa tingin niya sa ulam ko mukhang magbabalak siya na kumain ng madami.


"Ibibili na lang kita ng pagkain. Sakin na lang to" niyakap niya pa yung lunchbox ko at nag pouty face. Akala niya ata madadaan niya ako sa ganyan. Aba matinde!


"Tsk, maghati na lang tayo dyan. Ang dami nyan eh" sabi ko at pilit kinukuha sa kanya yun pero tinaas niya yung kamay niya para di ko maabot. Ang daya palibhasa kasi matangkad!


"Uy, Robie.." pakiusap ko habang patalon talon.


"Sabihin mo muna na sakin lang to?" he bargained


"Wala akong kakainin!"


"Ibibili nga kita ng pagkain sa cafeteria. Kahit gaano kamahal okay lang"

Sumuko na ako. Hay, papayag na lang ako na bilhan niya ako ng pagkain tutal mukhang wala din naman siyang plano na tirhan ako kung maghahati kami.


"Sige na nga!" tumawa naman siya at naglakad palayo papunta sa cafeteria na bitbit pa din ang lunchbox ko.

Umupo na lang ulit ako sa bench at kinuha ang cellphone ko. Naglaro muna ako ng dont tap the white tiles. Medyo madali kasi dito sa phone ko dahil maliit. Di katulad sa Ipad medyo mahirap.


"Erica" nag angat ako ng tingin only to see Derick na nakatayo sa harapan ko. May hawak siyang stuffed toy na baboy. Ang cute, color pink.


"Uy kanina ka pa?" tanong ko


"Di naman. Just dropped by here para ibigay to" inabot niya yung hawak niya sakin. Tinanggap ko naman. Hindi ko namalayan na napapangiti ako. Nakakatuwa kasi ang cute talaga tapos ang lambot pa.


"Thank you" sabi ko at tumayo para yumakap sa kanya. Naramdaman ko naman na nanigas siya pero napayakap na din. Napatawad ko naman na siya. Kaya magandang pagkakataon to para maging magkaibigan kami. Though hindi pa siya bumabalik sa classroom.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن