Lie #29: Let go

106K 1.8K 119
                                    

Neither of us say a word. Tahimik siya pero nararamdaman ko pa din ang galit niya. Sobrang higpit ng hawak niya sa manibela to the extent na sobrang puti na ng knuckles niya. His jaw in tight form. He's chewing his lips furiously.

Now I am afraid. Gone was the Robie I used to know. Totoo pala talaga ang kasabihan na wag gagalitin ang taong masayahin at tahimik. Cause you'll never know when they'll explode.

"I told you to stay away from him" he said sternly then turned the wheels left. Since this night is too loaded, ihahatid niya na ako samin.

"Hindi ko sinasadya. Hindi naman ako ang lumapit sa kanya" mahinang sabi ko na halos bulong na lang.

Ni hindi nga ako makagalaw ng maayos. That feeling na parang pinapagalitan ka ng magulang mo? That you're afraid to move dahil natatakot ka na baka bigla ka na lang bigwasan kapag nagkamali ka ng galaw.

"That sneaky bastard. He's obviously hitting on you. I know wala ka pang nagiging boyfriend before me, but then sana naman marunong kang tumingin kung nilalandi ka o hindi" he growled, made an unpleasant sound on his throat.

"May tinanong lang naman siya sakin. Kaibigan ko si Derick, and somehow siguro concern lang siya" I dont know if those were the right words to say but much better than nothing. Dahil kung mananatili akong tahimik, baka mas lalo niyang isipin na nilalandi nga ako ni Derick.

If he only knew. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Sa galit na nakita ko sa mga mata ni Derick kanina, I doubt it kung magagawa niya pa akong lapitan. Probably now he's thinking na pakawala na akong babae. Na may nangyari na mga samin. The kiss he witnessed last time is enough proof.

"Shut up" Robie said in gritted teeth. At nanahimik na nga lang ako. Isinandal ko sa bintana yung ulo ko and glued my eyes outside. Kaya pikit mata akong nakipagrelasyon kay Robie eh para manahimik na ang lahat. But it turned out na parang mas gumugulo.

After what it seems like forever, nakarating na kami sa bahay. He parked sa tapat mismo ng bahay namin. Hindi pa din siya kumukibo. Hindi din ako gumagalaw. Nakatingin lang siya ng diretso habang ako nakasandal pa din sa bintana.

"Bababa na ako" sabi ko para kunin ang atensyon niya. Tinignan niya ako at kinuha yung isa kong kamay. Now nakikita kong unti unti ng bumabalik yung normal na Robie. Hanggang sa matamlay na siyang ngumiti at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Sorry for bursting out last time. I didnt mean to be rude maging sayo" he said seriously

"I understand" ngumiti din ako ng kaunti. Matagal kaming nagtitigan. Then he pulled me towards him for a kiss. I responded with equal intensity.

"See you next week. And expect changes" mariin niyang sinabi na ipinagtaka ko. Changes?

"Changes? What do you mean?" tanong ko na nakakunot ang noo

"You'll see. Ayoko muna pag usapan siya sa ngayon" hindi na ako nagtanong pa. His tone is enough to dismiss the topic

"Okay" nagkibit balikat lang ako at pinosisyon na ang sarili ko para lumabas. He unlocked my door at agad naman akong bumaba

"Hindi na ako papasok kasi baka magtagal pa ako. Gabi na din kasi and I need to go. I love you" yun lang at umalis na talaga siya.

It took me a couple of seconds bago ulit makagalaw. Nung totally hindi ko na makita yung sasakyan niya I started walking at kumatok sa gate. Which is surprisingly bukas. Hindi ugali nila mama na iwan tong nakabukas kaya kinakabahan na naman ako.

"Mama!" kahit di pa ako nakakapasok nagsisisigaw na ako. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay namin napahinto ako sa gulat

"Erica?" tanong sakin nung lalaking nasa harapan ko. Malaki ang ngisi niya at parang nang aasar

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now