Lie #13: Date

139K 1.8K 191
                                    

His face inches away from mine. And I know this is crazy. But my heart is beating so fast that it throbs.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Halos mabingi na ako sa malakas na pagtambol ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa muntik ko nang pagkalaglag sa sahig o ang pagkakalapit ng mukha ni Derick sakin


"I can hear your heart beat" bulong niya sakin at tinabig yung buhok ko na nakatakip pala sa pisngi ko.

I want to push him. God, this is wrong. I should not feel this way. Unang una kaibigan ko si Derick. Pangalawa dapat ang bagay na to kay Robie ko nararamdaman dahil siya ang nagconfess ng feelings sakin. But Derick is draining my strength. His hypnotizing eyes, yung labi niya na hindi ko alam kung aware siya na kinakagat at dinidilaan niya.


"Ehem" and just like other stories, nang dahil sa isang tikhim automatic na naghiwalay kami. Malakas ko siyang tinulak at napahiga sa sahig. Habang ako naman napatayo. Yung lalaking kumuha ng first aid pala. Nakanganga siyang pinaglilipat ang tingin samin dalawa ni Derick na nakatayo na ngayon at nayayamot na nakatingin sakin.


"Young lady, nandito na po yung pinakuha niyo" sabi niya sakin at inabot yung first aid bag na kulay puti. Nagmamadali ko naman na kinuha yun at nagpasalamat.


"Butler Eustace, this is my lady. Erica" pagpapakilala sakin ni Derick sa tinawag niyang butler. He seems so nice at parang ilang taon lang ang agwat ng edad samin. And uhm.. Gwapo siya.


"Of course, your lady. Paano ko naman hindi makikilala eh araw araw--"


"Oh shut up. Cant you just tell her you're glad to meet her like normal people do?" said Derick cutting him

Nakangiti ulit na humarap sakin si butler at nilahad ang kamay niya sakin. Tinanggap ko naman yun kahit na parang medyo naiilang ako. Nakakakilig kasi eh. It's not everyday na may makikilala ako na ganito kakisig


"For a butler, you're hot" huli na nang ma realize ko yung sinabi ko. Tinawanan niya ako habang si Derick pabalyang hinila yung kamay ko na hawak hawak ni butler


"Poor taste, huh?" he growled and dragged me out.


"Poor taste?! Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo! Yung mga butler na napapanood ko sa mga tv series matatanda na. Di katulad niya na parang ilang taon lang ang tanda satin at ang gwapo pa" I justified dahil yun naman talaga ang totoo. Tsaka mali ba na humanga?!


"Cut your fantasy, baby. May asawa at isang anak na yun"


"Whe?!" sa sobrang pagkabigla ko napataas ang boses ko. At dahil malaki nga ang bahay na to, nag echo pa yung sinabi ko

Derick seems irritated. He rolled his eyes at nagkamot "Shut up, now"


"Nasaan ang banyo? Akin na yang kamay mo gagamutin ko na" sabi ko nang maalala ko yung kamay niya na dumudugo. Hahawakan ko sana pero iniwas niya


"Bakit kailangan sa CR pa?" angal niya


"Para mahugasan na din! Ewan ko ba naman din kasi sayong baliw ka bakit bigla ka na lang nagbasag ng mga gamit sa kwarto mo!" singhal ko sa kanya. Umiling na lang siya at naglakad. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa dapat namin puntahan.

Mas malaki pa to sa kwarto ko eh. Katumbas na ata to ng dalawpung CR namin sa bahay kung pagsasama samahin. May malaking bath tub sa gitna, may shower doon sa corner, cabinet na hindi ko alam kung ano ang laman at mga sink na nakahilera tapos color gold yung mga gripo. Halatang well maintained dahil wala akong nakikitang dumi. Kahit yung mga toiletries maayos na nakalagay doon sa metal na patungan.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang