Hi, I'm His Girlfriend (Compl...

By juliameeeyzing

144K 2.4K 62

"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to... More

Hi, I'm His Girlfriend
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
JoMar Special Chapter
39
40
41
42
Part 2
MTT ~ 2
MTT ~ 2 Continuation
MTT ~ 3
MTT~4
MTT~5
MTT ~ 5.1
MTT ~ 6
MTT ~ 7
MTT~ 7
MTT ~ 8
MTT ~ 9
MTT ~ 10
MTT ~ 11
MTT ~ 12
MTT ~ 13
MTT ~ 14
MTT ~ 15
MTT ~ 16
EPILOGUE

28

1.9K 41 1
By juliameeeyzing


"Kimmy.. sorry. Sorry sa lahat. Sorry. Mahal kita.. kaso.."

"Ano?! Kaso? Si Angel?! Bakit ba kasi hindi mo ko magawang piliin ha!"

"S-sorry.."

Sorry..

Sorry..

Sorry..

"Kimmy! Kimmy!" Napamulat ako ng mata. Panaginip lang yun. S-si Jimmy.. iiwan na daw nya ko..

Agad nya kong niyakap. Naramdaman kong basa ang mga pisngi ko. Umiiyak ako. Pawis na pawis din ako.

"Anong nangyari? Ha?" Nakita ko sa mukha ni Jimmy ang pag-aalala.

"May napaginipan lang ako." Pinunasan nya ang pisngi ko. Medyo kumakalma na din ako.

"Tahan na ok? Kung ano man yun.. hindi mangyayari yun. Panaginip lang yun. Okay?" Tumango na lang ako kahit alam kong may posibilidad na mangyari yun.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko. Nakatigil na kasi tong kotse.

"Oo. Halika na sa labas." Pinagbuksan na nya ko ng kotse at lumabas na kami. Ang dilim na. Tinignan ko ang phone ko.

7:15 pm.

"Hala!"

"Bakit?"

"Gabi na. Sandali itetext ko lang sila Mama." Pumasok na kami sa loob after ko silang itext. Sabi ko baka gagabihin pa kami.

Maganda yung loob. Pwedeng pwede ang birthday parties. Meron yung 7 rooms, 3 swimming pools, kitchen, tables, videoke at playground. Sakto! Ang ganda.

"Ayos ba?"

"Ayos na to! Maganda. Magugustuhan to ni Giddy." Nginitian ko sya. Nakaupo na kami sa bench dito.

*Grudfkcdkrmcjekxxegkco*

Waaah! Kumulog! Oo kulog yun. Hindi lang halata sa effects.

Napatingin ako kay Jimmy. Nakatingin sya sa langit.

"Jimmy umuwi na tayo baka--"

*Pshhhhhhhh.....*

-__________-

"Halaaaaa! Bakit umuulan?! Pano tayo nito?!" Ang lakas ng ulan grabe! Parang Yolanda eh!

"Tsk. Sandali titignan ko kung pwede tayong bumaba."

Iniwan na ko ni Jimmy dito. Hala. Ang dilim. Tapos umuulan. Waaaaah!

Umupo na lang ako sa bench ulit. Whoo! Kalma Kimmy. Malakas ka. Kaya mo yan. Babalik din agad si Jimmy.

Pero 10 minuto na ang lumilipas wala parin sya!

"J-Jimmy? San ka na?" Nagsimula na kong maglibot. Dito muna sa taas.

"Jimmy!" Huhuhu.. hindi sya sumasagot. Bumaba na ko. Baka nandun pa sya.

"Jim naman eh. Takot ako sa dilim okay?" Ganun parin. Walang nasagot. Nandito na ko sa labas. Kahit wala akong payong at nababasa ako, okay lang! Basta makita ko sya.

Pinuntahan ko yung kotse. Nilibot ko yun pero wala talaga sya!

Nilalamig na ko. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad palabas. Baka nandito lang sya.

"J-Jimmy.. na-nasan ka na b-ba?" Nanghihina na ko. Sobrang nilalamig. Nag-aalala na ko kay Jimmy. Hindi ko pa rin sya nakikita.

"Jim.. Jim? Jiiiim!" Nakita ko syang binugbog sa gitna ng kalsada. Pinagtutulungan sya ng 5 lalaki.

"Tigilan nyo yaaaan!" Kahit hinang hina na ako, tumakbo pa rin ako papunta sa kanila.

"Akin na yan!" Inaagaw nung isang lalaki yung hawak ni Jimmy.

"Ano ba!" Effective naman yung pagsigaw ko dahil tinigilan nila si Jimmy. At ngayon, palapit na sila sakin. Uh oh.

"Uy pre. Chicks oh. Hi babe." Kinindatan pa ko ng mukhang adik na lalaking yun. Eww.

"Mukhang mahina ka na ah? Gusto mo bang palakasin kita ha?" Hinawakan nung isa ang mukha ko.

"Bitawan mo ko!" Tinignan ko si Jimmy. Wala syang malay.

"Uyyy.. boypren mo ba yan? Ang swerte naman nya. Nakakuha sya ng maganda na, sexy pa." Mas lalo akong nanghina. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sakin.

"Pero ngayon, samin ka na." Umatras lang ako ng umatras habang papalapit sila ng papalapit sakin.

Tumama na ko sa isang puno. Nako patay.

"Please.. m-maawa naman--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sapilitan akong halikan nung mukhang adik. Tinulak tulak ko sya ng malakas kahit alam kong mahina ako. Kinagat niya yung labi ko. Ang sakit.

"T-tama naa!" Naitulak ko sya pero hinawakan naman ako sa dalawang kamay ng dalawa. Pinagsususuntok suntok pa ko sa mukha.

"Akala mo makakatakas ka ha." Pilit akong kumakawala sa hawak nila pero sadyang sobrang lakas nila.

Nung nakalapit na yung mukhang adik sakin, sinipa ko sya sa alam nyo na. Namalipit naman sya sa sakin.

*Tugsh!*

Napaupo ako ng suntukin nya ang sikmura ko. Naramdaman ko din na may dugong lumabas sa bibig ko.

"Hoy! Itigil nyo yan! Mga pulis kami!" Bigla akong binitawan nung dalawa at tumakbo na. Napahiga ako. Tuloy tuloy sa pag agos ng dugo sa bibig ko.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi sila pulis. Sila yung mga helper sa resort.

"S-si J-Jimmy.. a-andun sya.." Hindi ko na magawang magsalita ng tuwid. Hinang hina na ako. Pinilit kong tumayo kahit na pakiramdam ko tutumba ako anytime.

Binuhat na nila si Jimmy. Ang daming dugo sa mukha nya. Mas lalo akong nanghina sa nakita ko. Tumulo agad ang luha ko.

Nakita kong dinala na sya sa Ambulansya. Pinapasok na din ako dun.

"J-Jimmy.. sorry.. sorry.." Yun lang ang nasabi ko habang hinahawakan ang kamay nya. Ako ang may kagagawan nito..

Nakarating na kami sa ospital. Nakahawak lang ako sa kamay ni Jimmy.

"Jim.. lakasan mo ha? Nandito lang ako palagi. I love you." Tuluyan na syang naipasok sa ER. Habang ako, pahina na ng pahina. Hindi ko alam--

--

= 3rd person's POV =

Parehas ipinasok sa emergency room sina Jim at Kimmy. Nahimatay si Kimmy dahil sa kanyang kahinaan. Hindi alam ni Kimmy na naririnig ni Jim ang lahat ng sinabi nya. Gising ang diwa ni Jim pero hindi kaya ng katawan nya.

Samantalang ang pamilya nila, walang kaalam alam sa nangyari. Kaya kinontak ng ospital ang number na nakasave sa phone ni Kimmy. Agad namang nagpunta sa ospital ang Mama, Papa at kapatid ni Kimmy. Pati na rin si Joyce at Ivan. Maya maya, dumating na din ang Mama at kapatid ni Jim.

Wala silang nagawa kundi umiyak at magdasal. Wala silang masisi dahil hindi nila alam ang nangyari.

Si Giddy, nagwawala na. Iyak ng iyak dahil mahal na mahal nya ang kanyang Ate. 2 oras ang lumipas at stable na silang dalawa.

= Joyce's POV =

Lahat kami nakaluwang ng paghinga ng malamang safe ang dalawa. Pero may sinabi ang doktor na mas lalong nagpakaba sa amin.

"Si Kimmy po. Stable na sya. Pero.." Kinakabahan ako sa sinabi ni Doc na pero.

"Hindi parin po sya nagigising. Sa pagsusuri namin, nasuntok sya sa tiyan. Sa sobrang lakas ng impact, maraming dugo ang nawala sa kanya. Basang basa din sya ng ulan. I'm sorry pero hindi ko pa masasabi kung kailan sya magigising." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng Doktor.

"Hindi totoo yan! Hindeee!" Pinapalo palo ni Tita ang doktor kaya agad namin syang pinigilan.

Iyak lang kami ng iyak. Pati ang mga Mama ni Jim pinapatahan si Tita.

"Gising na po ang pasyenteng lalaki." Napatayo na ang Mama at kapatid ni Jim sa narinig.

= Jim's POV =

Jimmy.. lakasan mo ha? Nandito lang ako. I love you..

Jimmy.. lakasan mo ha? Nandito lang ako. I love you..

Sh*t. Ang sakit ng ulo ko. Nasan ba ko?

"Jim anak." Niyakap ako ni Mama. Nandito din si Mikkie. Nasa ospital ako.

"Anong nangyari Ma?" tanong ko. Umiiyak sila. Ang pinakamahahalagang babae sa buhay ko umiiyak.

"A-anak. Tinawagan nila kami. Hindi ko alam ang nangyari. Puno daw ng pasa ang buong katawan mo."

Ugh. Naaalala ko na. Bumili nga pala ako ng makakain namin ni Kimmy dahil hindi pa kami makakauwi. Tapos biglang may nambugbog sakin. Napikon ata dahil pinilosopo ko sila. Tapos hindi ko na kaya. 5 sila kaya napahiga na lang ako. Tapos dumating si Kimmy kaya tinigilan na nila ko. Teka, si Kimmy.. si Kimmy!

"Ma nasan si Kimmy?!" Napaupo na ko kahit masakit yung ulo ko. Kailangan ko syang makita. Kailangan ko syang pasalamatan. Utang ko sa kanya ang buhay ko.

"Yun ba yung kasama mong babae?" Tumango ako. Hindi na nakapagsalita si Mama. Anong.. anong ibig sabihin?

"H-hindi pa rin sya nagigising anak." Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi ni Mama. S-si Kimmy? Pero bakit..

"Tinawagan na ako nung tumulong sa inyo. Nakita nya daw yung pangyayari." Hindi ko na napakinggan yung sinabi ni Mama. Ang nasa isip ko na lang ngayon, si Kimmy.

Bakit hindi pa sya nagigising?

Nabugbog din ba sya?

Bakit..

"Ma'am." Pumasok na yung helper namin. Baka siya yung nakakita.

Pinagkwento na sya ni Mama. Dito sa kwarto ko. Gusto kong malaman ang lahat.

"Ang nakita ko na lang po, binubugbog si Sir Jim. Eh hindi naman ako makalapit dahil po pilay nga po ako. Tinawagan ko na lang po yung iba. Tapos dumating po si Ma'am. Hinang-hina po sya. Nilapitan nya po kayo. Tapos po tinigilan na po kayo nung lima. Si Ma'am naman po. Hinalik-halikan po sya nung isa po dun."

"ANO?!" sigaw ko. Nagagalit ako. Kung sino man ang gumawa kay Kimmy non humanda sakin!!

"Nak. Calm down ple--"

"Eh Ma binastos si Kimmy!"

"Tapos po pumalag po sya kaya po kinapitan po nung dalawa yung kamay ni Ma'am. Sinuntok pa po sya. Nung nakalapit na po yung lalaki, sinipa po ni Ma'am yun. Tapos po.. sinuntok po sya sa sikmura. Halata pong malakas dahil nakita ko po na napabuga ng dugo si--"

"TAMA NA!!!" sigaw ko. Sinuntok ko yung pader malapit sakin. Gusto kong makaganti sa gumawa nun kay Kimmy!

"Kuya.." napatingin ako kay Mikkie. Umiiyak sya. Bigla akong nanghina. Pero galit parin ako.

"Gusto kong makita si Kimmy." Sinunod naman nila ang sinabi ko dahil dinala nila ko sa kwarto ni Kimmy. Iniwan nila kami dun.

"K-Kimmy.." Biglang tumulo ang luha ko. Namumutla sya. Nakita ko din ang sugat sa labi nya. Ang dami nya ding pasa sa mukha.

Bakit sya pa? Lord, ginawa nya po yun para sakin. Bakit sya pa ang ganito? Bakit hindi na lang ako?

Napaupo ako sa katabing upuan sa kama ni Kimmy. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito.

Bakit ba kasi hindi ko pa sinabi sa kanya?

"Bakit ba.. natakot ako sabihin.. bakit.." Tumulo lang ng tumulo ang luha ko. Tinignan ko ulit ang mukha nya.

"Bakit.. bakit ba pinilosopo ko pa yung mga lalaki dun imbis na nagmadali akong lumapit sayo at.. sabihin na..

MAHAL NA KITA.."

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 522 32
"Mahal naman kita ah! Ikaw nga lang sandalan ko kasi dalawa ang likod mo." Hay! Si Doom yan. Boyfriend ko. Ay---EX na pala. Masyado kasing LAITERO eh...
250K 6.4K 83
Simula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay...
3.4K 92 64
A simple girl who just want to study hard but end up falling inlove with a guy who makes her world stop in just a snap. "Bakit ganito? Nagmahal lang...
60 0 10
Isang tinig ang makakapag-pabagal ng takbo ng mundo ng binatang si Rome at makakapag-pabilis ng takbo ng puso nya. Isang tinig na hindi nya makaka-li...
Wattpad App - Unlock exclusive features