41

2K 27 2
                                    

"Ateeeeee!" Ugh. Giddy. -_-

"What Baby?" tanong ko habang nakapikit pa. Psh. Ang aga aga pa eh. Sabado kaya--

"Today is your prom Ate!" Napatayo agad ako. PROM? PROM NA?!

Tinignan ko agad yung kalendaryo.

February 28

Ohemgee. Oo nga no?

"Ugh. Take your bath now. Your stylists are downstairs. Bye." sabi ni Giddy. Naks ha. Sosyal. May stylists. Wahahaha.

--

Tenen! So fresh ng pakiramdaaam. Whoo! Bumaba na ko. At nakita ko dun yung nag-make up sakin dati. Nung pageant. And of course, nandito din ang aking dyosang gf, si Joyce.

"Kimmyyyyyy!" sigaw nya sakin at niyakap ako.

"Hoy Joyce. Kakakita lang natin kahapon ha." sabi ko. Kinurot nya lang yung pisngi ko.

"Let's go to your room na, ganda. Para masimulan ko na kayong dalawa." sabi nung isang beki na stylist.

"Huh? Ikaw din, Joyce?" tanong ko.

"Duuuh. Hindi lang ikaw ang magpo-prom ha. *flips hair*" Owkay? Maldita powers ng aking gf.

Pagdating namin sa kwarto ko, sinimulan na. Tig-3 kaming stylists ni Joyce. Inuna muna yung mukha ko. Make-up make-up. Tas yung buhok ko naman. Ginawa nilang boknay yun. Tas may tira na buhok sa gilid at naka-curl yun. Tapos ginawa nilang side bangs yung dati kong full bangs.

Kay Joyce naman, ang gandeeeer. One-sided lang yung buhok nya tapos kulot din. Waaaaah! Nato-tomboy na yata ako.

"These are your dresses. Magbihis na kayo." Napa-wow kami ni Joyce sa gowns na binigay samin. Ngayon lang kasi namin to nakita.

Yung sakin, color violet na may shades na dark violet. Tube sya. Tapos may mga silver glitters. Pa-balloon yung style. Tapos ang ganda ng pagkakagawa! Sobra!

Kay Joyce naman, color pink (as usual) na parang pang-princess yung style. Tapos may mga circles na ewan. Di ko maexplain okay?

Nasuot na namin ni Joyce. Perfect fit! Umikot-ikot ako sa salamin. Perfect! Ang ganda ko. Wow.

At nung pagtingin ko kay Joyce, ang ganda din! Bagay na talaga kami ni Joyce ngayon. Hihi..

--

Hinatid kami ni Papa sa venue. Isang hotel to. 5-star. At ang pinaka-sikat na hotel dito. Bongga ang Louisville ah. Nagkiss ako kay Papa.

"You know your limits, Kimmy."

"Papa. Alam ko po yun."

"Good. Joyce bantayan mo to. Baka akalain na naman nyang juice yung mga hard drinks dyan." Hinampas ko si Papa ng mahina sa braso. Tumawa lang sya at kiniss ako sa noo.

Nung last prom ko kasi, akala ko juice yung alak! Ang daming mga colors kasi. Kaya tinry ko isa-isa. Pagdating sa bahay? Ayun! Subsob!

Pagpasok namin sa loob, fountain agad yung nakita namin. Tapos ang daming foods sa gilid. May nakalagay sa taas na, 'Louisville JS Promenade 2014'. Napangiti ako. Hindi ko pa nakikita yung mismong loob dahil pumila na kami sa backstage para sa entourage. Magkahiwalay ang babae at lalaki. Dito kami sa left side at right side naman ang mga lalaki. Magkakasalubong na lang pagpasok sa loob. Kaya di ko pa nakikita si Jimmy. :(

"Speaking! Ang malanding babae ng Louisville!" Napatingin ako sa nagsasalita. Si Angel pala. With her black shiny gown. Kasama ang mga alipores nya na nakanganga sa beauty ko ngayon.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now