18

2.3K 37 6
                                    

Nagising ako ng maaga. Ewan ko ba kung bakit. Tinignan ko ang oras. 6:15? Seriously? Bakit ba ang aga kong magising. -_- Nakita kong tulog pa si Giddy kaya lumabas na ko. Tulog pa rin siguro sina Mama.

"Makapagluto kaya.." Wala lang. Napagisipan ko lang magluto.

Kumuha na lang ako ng itlog, cheese at corned beef. Gagawa ako ng omelette! Yiee. Mah fevorit!

Habang nagluluto ako, kumakanta ako. Wag kayo. Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin.

(I'll be there - Julie Anne San Jose)

"♪First time I laid my eyes on someone like you.. I can't forget the hour, that moment with you. Then I have realized, that love was growing deep inside. I feel the beating of my heart. ♪"

Feel na feel ko ang pagkanta. Tulog pa naman sila eh.

"♪ 'Cause everyday, everynight, I keep looking at the skies. And I'll pray that someday, you will wake up in my arms. And love will never end.. We belong together, always and forever. Call my name and I'll be there..♪"

Ewan ko ba. Pero ang nasa isip ko lang ngayon, si Jimmy. Eto kasi ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

"♪ Spending my days and nights, just thinkin of you.. How you make me wanna smile with the things that you do. When will I hear you say, love is coming on your way.. And that you start to feel the same.♪"

Tumigil ako ng konti. Naluluha kasi ako. Naiisip ko yung times na sinabi ni Jimmy na hinding-hindi daw sya magkakagusto sakin. Bakit ba? May kulang ba? Ilang beses ko na ba tinanong sa sarili ko to. Pinatay ko na yung niluluto ko. Tapos na naman.

"♪Cause everyday, everynight---"

"I keep looking up the skies.." Napaharap ako ng makita ko si Jimmy. Sya yung kumanta. Teka, nananaginip ba ko? Hala. Kinusot kusot ko yung mata ko. Para kung totoo man to, hindi nya ko makikitang umiiyak.

"And I'll pray that someday, you will wake up in my arms.." Tinuloy nya yung pagkanta. Ibig sabihin, totoo sya. Kaya luha, makisama ka. Wag kang iiyak iyak ngayon.

"And love will never end.." itinaas nya ang ulo kong nakatungo para magtama ang mga mata namin. Hindi pa rin natigil sa pagtulo ng luha sa mukha ko.

"We belong together.." hindi na ko makaalis ng tingin sa kanya.

"Always and forever.." Ako naman ang kumanta. Gusto kong sabihin yan sayo. Sana maintindihan mo.

"Call my name and I'll be there.." Nagkasabay kami sa pagkanta. Jimmy, tawagin mo lang ako. Nandito lang ako palagi. Kahit na saktan mo ko. Andito lang ako.

(A/N: Gusto ko lang sabihin na nagiging musical na ang storyang to. HAHAHA. O sige na, ituloy na ang kilig moment.)

Inilapit nya ang mukha nya sakin. Nagkadikit yung mga labi namin. Joke lang. Noo lang. Assuming lang ako.

"Bakit ka naiyak?" Ugh. Ayokong sagutin. Kaya humiwalay ako. Tumalikod ako. Ayokong malaman nya na nasasaktan ako. Baka kasi itigil nya. Mas lalong ayoko nun.

"B-bakit ka nandito?" pinunasan ko na yung mga luha ko at naghanda na ng pagkain. Habang sya, nakatayo lang sa gilid.

"Magpa-practice tayo sana eh. Kaso wala ka yata---"

"Hindi. Ok lang. Ok lang ako." Ayoko ngang umalis sya.

"Bakit ka ba naiyak?" Tinulungan nya kong mag-ayos ng hapag. Ugh. Ano bang sasabihin ko?

"Uhmm.. may naalala lang akong embarassing moment. Ano.. nakakahiya talaga eh. Nakakaiyak tuloy." Oo na. Alam kong sobrang hindi kapani-paniwala yung excuse ko.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin