MTT ~ 15

1.9K 31 2
                                    

= Kimmy's POV =

"Sandali nga. Bat nga pala ang dami dami mong pera para dito? San ka kumuha? Nako pag ito ninakaw mo lang humanda ka sakin!" sabi ko habang kasalukuyan kaming naglalaro ng video game dito sa eroplano.

"Hoy wag mo nga kong pagbintangan! Di ko ninakaw to no! Lahat ng to pinagplanuhan ko." Sabi nya naman.

"Pinagplanuhan?" Tanong ko. Tinigil ko muna yung paglalaro at hinarap sya.

"Oo. Simula highschool pa tayo. Simula nung.. Nakilala kita, pinangako ko na sa sarili ko na balang araw.. Gagawin natin to. Mag-tatravel tayo sa kung san-san. Kung san natin gusto. Simula nun, talagang nag-ipon ako. Alam mo yun, yung kalahati ng baon ko, nilalagay ko talaga sa banko. Every month naghuhulog ako dun."

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. To think na.. Ilang beses kong nasaktan si Jim.

"Eh diba.. Umalis ako? Sumuko ako? Bat tumuloy ka pa rin?" Tanong ko.

"Kita mo yun?" Inakbayan nya ko at pinatingin sa labas. Sa clouds.

"Araw-araw nakatingin ako dyan. Kinakausap ko yung ulap. Hindi pala. Si Lord yung nakakausap ko. It sounds weird but.. Everytime na sinasabi ko sa kanyang susuko na ko, umuulan. Sobrang lakas. And I thought na.. Lord says no. Na wag daw akong sumuko. Na wag daw akong tumigil dahil darating yung araw na to. And thankfully, dumating nga. Naging totoo nga."

He kissed my forehead after that.

I am really touched sa mga sinabi nya. At eto na naman ako.. Eto na naman yung puso ko..

"Alam mo, nung nasa States ako, I couldn't last a day without thinking about you.. Naiinis nga ko sa sarili ko kasi di ako maka-move on. Na kahit sobrang sakit ng ginawa mo sakin, ganun pa rin yung nararamdaman ko. Tapos dumating si Gino. Sya talaga yung nandun para sakin nung mga araw na yun."

"Kaya nga sobrang pasalamat ko kay Gino dahil inalagaan ka nya nung panahong wala ako. Pero kahit wala naman si Gino bantay na bantay pa rin kita."

"And what do you mean?"

"Magpapahuli pa ba ko?

"Eh kung sasabihan mo na kung bakit. Di yung pinapaikot mo pa ko." Sabi ko.

"Nandun din ako. Nung mga years na nasa States ka. Of course except pag kailangan ako dito. Lagi kitang binabantayan. Lagi kitang sinusundan. Kumpleto kaya ako ng collections ng fashion magazines mo!"

"Suuuus. Ako'y tigil-tigilan mo ha."

"Gusto mong pruweba? O eto." Kinuha nya yung phone nya at nilagay sa Gallery. Tapos pinakita nya sakin yung album na "My Precious" CHOS "My love ❤️"

Tapos ayun! Lahat ng pictures ko nandun. Simula nung highschool pa kami, nung nagpapractice kami para sa MAPEH, nung nagperform na kami, nung prom, meron pa nga tulog ako eh.

Puro stolens yung nandun. Yung iba, selfies. Tapos sa may dulong part, yun nga yung sa States. Mostly kasama ko si Gino. Nung mga fashion shows namin dun, yung mga events. Lahat yun nandun sya. Lahat yun sinuportahan nya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi mahal kita. At ayoko ng ulitin yung ginawa ko dati. Ayoko ng pakawalan ka."

Niyakap ko sya ng mahigpit at binulungan ng "Thank you at I love you."

After nun, biglang nagsalita yun piloto na mag-lalanding na daw kami kaya nag-seat belt na kami.

-----

"KOREAAAAAAAAAA!!!!"

"Huy mahiya ka!" sigaw sakin ni Jim.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now