19

2K 40 0
                                    

= Jim's POV =

"Jimmy, alin ang mas masarap dito?" tanong nya sakin habang hawak ang dalawang flavors ng Mogu-Mogu.

"Yung grapes, baby." Nakita ko namang ngumiti sya at kumuha ng 3. Lagi ko na syang tinatawag na baby. Wala lang. Gusto ko syang tawaging ganun eh. Parang baby kasi sya.

Naalala ko kanina, nung sinuot nya yung mga damit sa pinili ko, natulala ako. Nawala ako sa sarili. Sobrang ganda nya kasi. Sobra. Para syang anghel. Bagay na bagay yung mga damit sa kanya. Lalo na yung puti at yung suot nya ngayon.

Nakakatawa lang isipin na magkasama kaming namimili ngayon. Ako, tagatulak ng cart. Tapos sya tagapili ng mga bibilhin.

"Ano pa bang kulang? Hmm.. ah! Yung gatas!" pumunta kami sa may section na puro gatas.

"Wow oh! May free tignan mo Jimmy." tinignan ko yung hawak nya. Gatas sya. Yung powdered tapos may free na game. Yung parang maze tapos may bola tapos i-iikot ikot mo sya para makapasok yung bola sa kabila. Basta! Yun na yon! Masaya laruin to eh.

Kinuha nya yun at nagbayad na kami. Ang dami nga naming pinamili eh. Mga 8 bags din to. Kinuha ko na yung kotse at ipinasok yung mga pinamili namin.

"Masaya ka ba?" tanong ko. Gusto ko lang malaman. Kanina pa kasi sya nakangiti eh. Yung dimples tuloy. Alam nyo yung kay Julia Barrettoa at kay Carla? Ganun yung dimples nya. Magkabilaan pa.

"Oo naman!" tumingin sya sakin. Ugh. Eto na naman ako. Natutulala sa kagandahan nya.

Binalik ko na yung tingin ko sa harap. Mamaya mabangga pa kami eh.

Ipinark ko yung kotse sa isang restaurant. Kakain muna kami. Tanghali na eh.

"Ang cute nyo naman pong couple, sir ma'am." Sabi samin nung waitress. Nakita kong namula si BT kaya napangiti ako.

Nang naupo na kami..

"Kimmy, anong gusto mo?" tanong ko. Hindi parin nawawala yung pula ng mukha nya.

"Yung sayo na lang din." Nginitian nya ko. Umorder na kami.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalaro sya sa phone nya. Bakit ba ang perfect ng mukha nya. Guys, diba sinabi ko na sa inyo? I'm attracted to her! Pero mahal ko pa rin si Angel. Kung hindi nyo ko maintindihan, fine. Basta. Nagagandahan ako kay Kimmy. Sino ba namang hindi? Pero si Angel, sa kanya parin tumitibok ang puso ko.

"Hoy LT. Bakit ka ba ganyan makatitig?" Parang naconcious sya dahil yumuko sya.

"Wala. Andyan na ang pagkain. Umayos ka na." Nakita ko na kasi yung waiter na magseserve papunta samin.

Kumain na kami. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakain. Hindi ko kasi mapigilan. Ang ganda nya talaga.

"Ano ba Jim! Nakakainis na." tumigil sya sa pagkain at nakipagtitigan din sakin. Pero sumuko din sya. Umirap pa nga eh. HAHAHA.

Natapos na kami sa pag-kain. Pero sya, hindi parin ako pinapansin. (Rhyme yun.)

= Mrs. Sanchez's POV =

Ano na kayang ginagawa ng mga yun? Kanina kasing umaga, gising na kami talaga. Nandun lang kami sa taas. Pinapakinggan silang kumanta. Grabe. Napanganga nga kami eh. Ang galing pala nila pag duet.

Kinausap ko si Jim ng masinsinan habang naliligo si Kimmy. Nagkwento ako ng mga bagay tungkol kay Kimmy. Sinabi ko din na gusto ni Kimmy ng mga magagarang damit pero ayaw nyang suotin yun. Nahihiya kasi yun.

*Pipit!*

(Wahahaha! Busina yon. :P)

"Ma! Ate's here!" tawag sakin ni Giddy. Nandito kasi ako sa taas.

= Kimmy's POV =

Ugh. Nakakainis talaga. Nacoconcious na talaga ako sa sarili ko. Pano kasi tong si Jimmy! Kanina pa ko tinititigan! Oo gusto kong tumitingin sya sakin. Pero ayoko namang tinititigan ako na parang ewan. Tss.

Nandito na kami sa bahay at di ko pa rin sya pinapansin. Nag-aayos na kami ng mga pinamili namin.

"Nak, kanino tong free sa gatas?"

"Sakin po!"

"Sakin po!"

Nagkasabay pa kami ni Jimmy ng pagsabi at pilit pinag-aagawan yung laruan.

"Ano ba! Akin nga e!" sigaw ko. Ang lakas lakas kasi nya tapos medyo madulas pa yon!

"Anong sayo! Sakin to!" Naagaw na nya yung laruan.

"Edi sayo! Hmp!" Umakyat na ko sa taas. Pabagsak kong sinarado yung pinto at humiga sa kama ko. Nagtalukbong ako ng kumot dun.

*Tok tok!*

"Kimmy? Kimmy! Sorry na! Eto na oh!" Hindi ko na lang sya pinansin. Nagkunwari akong tulog.

"Kimmy naman eh. Uy.. BT? Baby?" Sus. Dinadaan pa ko sa mga ganyan.

Naramdaman kong pumasok sya sa kwarto. Lumubog ang ibabang bahagi ng kama kaya alam kong nakaupo sya dun.

"Kimmy.. alam ko namang gising ka eh. Ang bilis mo namang makatulog."

"Sinabing tulog nga ako eh!" napatakip ako ng bibig ng masabi ko yun. Ano ba yan Kimmy! Napaka-shunga mo talaga e!

Narinig kong napa-giggle sya. Shems. Bat ang sexy. Ahhhhhh.

"Kimmy. Sorry na kasi. O, share na lang tayo para masaya." binubuksan nya yung kumot na nakatalukbong sakin. Agad akong inalis ang tingin ko sa kanya.

"Tsk. Kimmy." nilalapit nya yung mukha nya pero ako, nilalayo ko. Hindi din ako natingin sa kanya hanggat maaari.

Nahawakan nya yung pisngi ko pero naka tingin ako sa gilid.

"Kimmy, tingnan mo ko." Hindi ko pa rin sya tinitignan. Baka mahulog na naman ako sa bitag eh.

"Kimmy!" napatingin ako sa kanya dahil sumigaw sya. Tss. Pero agad ko ulit yun inalis.

"Ayokong tumingin sayo." sabi ko. Bigla naman nyang ibinaba yung kamay nya kaya tumalikod ako sa kanya.

"Bakit?"

"Baka pag nakita na naman kita, mawala na naman yung tampo ko." sabi ko habang nakatungo.

Nagulat ako sa ginawa nya. Niyakap nya ko sa likod. Para kong naging tuod dito. Hindi ako makahinga.

"Ang sweet mo talaga, baby." Lalo akong nanigas dahil yung hininga nya, tumatama sa leeg ko.

"U-umalis ka nga dyan." Hirap na hirap akong magsalita.

"Patawarin mo muna ko." Lalo nyang binaon yung mukha nya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko na talaga yung hininga nya. Kaya ayan, nakikiliti na ko.

"Oo na. Pinapatawad na kita." Imbis na ilayo nya yung mukha nya, aba! Mas nilapit nya pa! Yung ilong nya ramdam ko na din.

"W-wag mo nga kong singhutin!" Nilalayo ko na yung mukha ko pero sya nilalapit nya. Ang higpit pa ng yakap sakin. Ugh.

Nakahiga na kami ngayon. Kayo ba naman. Nilalapit nya, nilalayo ko. Syempre napahiga na kami. Naka-sideview. Hahaha. Para kaming mag-asawa dito. Yung parang galit ako tapos inaamo ako? Hahaha.

✔ Sweet

Hindi pa rin sya gumagalaw. Lumalalim na nga yung paghinga nya eh.

"Hoy LT! Babawiin ko yung sinabi ko!" Still, no response. -_- Lumuwag na yung yakap nya kaya humarap na ko sa kanya.

(-.-) Iyan ang itsura nya. Alam nyo yan? Ibig sabihin, TULOG. Oo. Natulog na sya. Tss. Aalis na sana ako ng..

"Kimmy. Dito ka muna." sinabi nya yun ng nakapikit. Sobrang parang ang hina ng boses nya kaya wala na kong nagawa kundi mag-stay dun. Pero nakaupo lang ako sa tabi nya.

Bigla nyang iniangat yung ulo nya at pinatong sa lap ko. Humiga sya. At ayun! Tulog na naman! At yung kamay ko, may sariling utak kaya sinuklay ko yung buhok nya. Ang lambooooot.

------

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now