2

3.5K 67 0
                                    

"Class, I know you're aware of the upcoming test. And according to our rules in MAPEH, hindi kayo magwriwritten exam." sabi ng teacher namin sa MAPEH. Walang exam? Yeeees!

"Yeeeees!" sabay sabay naming sigaw. Masaya yun no! Ambait talaga ni Sir!

"Instead, you'll have to do it." Yung 'Yes' namin napunta sa 'POOOOO?!'

"Yeah. Pick your partner at bubunot kayo ng papel dito. Okay? Go!" tumingin ako kay Jimmy at hindi pa sya nagalaw. Ayun! Pwede pa ko! Lalapit na sana ko ng..

"Jim! Gusto mo tayo na lang? I'm free!" sabi nung isang babae na may gusto kay Jimmy. At sunod sunod na yung nagyaya sa kanya.

Naunahan ka na naman, Kimmy.

Pero wait! Humindi sya! OMO. Is this my chance? Lalapit na nga ko!

"Bro! Tayo na lang! Wala na kong makapartner eh." napatigil na naman ako. Niyaya ulit sya nung bestfriend nyang si Mark. At umoo na sya dito. Hmp. Tumalikod na ko at nakita ko si Joyce na naghihintay na.

"O, naunahan ka na naman no. Halika na nga." nginitian nya ko at nagtabi na kami.

Bumunot na yung iba kong kaklase. Singing or Dancing pala yung pagpipilian. Grabe! Kala ko naman aacting! Nakakainis si Sir. -_-

Kami na ni Joyce ang bubunot. Nanginginig ang kamay kong tumayo.

"Huy Kimmy. Okay ka lang? Ikaw na bumunot." Looord. Sana po dancing na laaaang. Puhleeaaase. Ayoko pong kumanta!

Bumunot ako at pumikit ng mariin habang binubuksan yung papel.

Eto naaa.. eto naaa.. eto naaaa! Binuksan ko na ang mata ko at..

SINGING.

Nako. Patay.

= Joyce's POV =

Hi everyone! Ako nga pala ang dyosang bestfriend ng adik kay Jim na si Kimmy. Ako muna ang magkukwento guys ha. Natulala na kasi tong si Kimmy nung nalaman nyang singing ang gagawin namin.

Alam nyo naman sigurong anti-Jim Franco Gutierrez ako no? Ganito kasi yun.. si Kimmy, araw araw nakakatanggap yan ng mga messages na nananakot. Yung parang binabalaan. Sa Fb, Twitter, Instagram. Kahit sa mailbox nga eh! May mga nagsasabing..

'Hoy malanding babae! Layuan mo na si Jim!'

'Ano bang nagustuhan ni Jim sayo? Sa panget mong yan? Hahaha.'

'Maghihiwalay din kayo ni Jim. Tandaan mo yan.'

'Akin lang si Jim! Humanda ka sakin bukas."

Nakakaawa si Kimmy no? Pero ang totoo nyan, maganda si Kimmy. Super. Nagmumukha lang syang madumi dahil sa full bangs nya. Pawisin kasi yun eh. Lalo na sa kamay.

Naaawa ako kay Kimmy. At the same time, humahanga. Kasi kahit ganun na lang ang pambubully ng iba sa kanya, ayaw nya paring sukuan si Jim. Kahit nahihirapan na sya.

At eto namang si Jim! NAKAKABWISET! Lagi nyang dinededma si Kimmy! Kinakausap lang pag nandyan yung bruhang Angel na yun! Maganda nga, ang ugali naman. Ehem.

Yun ang dahilan kung bat ayaw ko kay Jim. Kasi binabalewala nya lahat ng efforts ni Kimmy. Simula pa 2nd year. Pero pag nagbago si Jim, nako! Ako pa ang magiging cupid nila.

= Kimmy's POV =

O.M.G. Grabeee. Bakeeeet?! Huhuhu.. :"( Wala akong alam sa pagkanta.

"Kimmy? Practice na tayo. Binigay na ni Sir yung oras para mag practice." kinakalabit nya ko.

"Pwede ba tayong makipagpalit Joyce? Ayokong kumantaaaa." pagmamakaawa ko sa kanya. Huhubells. Sino ba ang mabait na tutulong saking makipagpalit?

"Psst. Uy.. ano sayo?" tanong ko dun sa katabi ko.

"Singing." Aiiist. Singing din pala yun. Dun naman ako humarap sa likod ko.

"Dancing ka?" tumungo sya. Yeeees! Pwede na!

"Ang ganda mo." nakita ko namang namula sya.

"Salamat."

"Pwedeng makipagpalit?" Sana magwooork please. Nakuuu.

"Sorry. Ayoko. Bolera." Luh? Nagalit pa? Pinuri na nga eh. Weird. Tss.

"Wala ka nang magagawa Kimmy. Kaya natin yan! Marunong ako mag-gitara." kinindatan pa ko ni Joyce. Nako. Bahala na next week. Bahala na si Batman!

Tumingin ako kay Jimmy. Ano kaya ang sa kanila? Sana both. Para makita ko syang sumayaw at kumanta! Yiiee.

"Kimmy, punta ka sa bahay mamaya. K? Dun tayo magpapractice." tumango naman ako.

-------

Nandito nako sa bahay nila Joyce. Nakaupo sa kama nya habang sya eh naghahanap ng kanta.

"Uy Kimmy! Magbigay ka naman ng kanta!" Haaay. Ano bang magandang kanta..

"Uhmm.. Happy Birthday?" binato nya ko ng sapatos. Bakit ba?! Kanta yun ah!

"Umayos ka nga Kimmy!" hinimas himas ko yung braso kong natamaan ng sapatos nya.

"Wrecking Ball kaya?" HALAA?! Ayoko nun!

"Wag yon! Ayoko mag ala- Mommy D." umakto akong nag iisip. Ano bang kantaaa. Alam ko na!

"Perfect Two." mahinang sabi ko. Favorite song ko kasi yun. Pang senti mode. Hahaha.

"TUMPAK!" napatalon na naman ako sa lakas ng boses ni Joyce.

"Ang galing mo Kimmy! Alam ko yun!" sinearch nya sa net yung chords at nagsimulang mag strum.

------

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant