MTT ~ 16

1.8K 32 2
                                    

Biglang may nag-flash sa projector ng mga pictures ko.

Tapos naging color white yung paligid. Di ko alam kung pano nangyari. Basta naging color white yung walls, nagkaron ng white na balloons, white tables, everything is white.

Then I saw him, nasa likod ko. May hawak na white flowers. Dahan-dahan syang lumapit papunta sakin.

At nung nakalapit na sya, bumulong sya sakin..

"Nasan na bridesmaid mo?"

At dahil dun, hinampas ko sa kanya yung dala nyang flowers!

"Ano to, kasal ha?! Kaaaway pa nga lang natin tapos kasal agad!! Hindi pa nga ako ready! Wala tayong guests! Wala akong gown! Ano ba tong trip na to ha!!" Sigaw ko sa kanya.

"Hoy unang-una, bakit mo hinampas sakin yung bulaklak! Eh naglakad pa kong ng dalawang kilometro para lang makuha yan! Alam mo bang sayang ang effort ko dyan tapos ibabato mo lang? At pangalawa, hindi to kasal! Asa ka namang bibigyan kita ng kasal na ganto no! Wag kang assuming!" Sabi nya naman.

"Eh bakit pa ba tayo nandito?! Ano pang balak mo ha? Ang alam ko kakain lang tayo!" Sabi ko.

Biglang huminahon yung boses nya. At huminga ng malalim.

"Kimmy.. Nandito ako ngayon, kasi gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Gusto ko ding mag-sorry dahil sa ginawa ko kahapon. Oo tama ka. Dapat hindi ko muna inaasikaso yung nasa Pinas. Dapat chinecherish ko muna yung mga araw ko na kasama kita. Na nag-eenjoy tayo. Sorry sa lahat, Kimmy. Mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang patagalin pa yung away natin."

"Hmm.. Rejected." Sabi ko.

"ANO?!" Sigaw naman nya.

"Hahahahahahaha! Joke lang! Oo na! Pinapatawad na kita! Tsaka hindi lang naman ikaw ang mali eh, mali din ako. Dahil hindi pwedeng maalis sayo yung responsibilidad sa Pinas. Sorry din!"

At para sa sorry gift ko, kiniss ko sya sa cheeks...... Na nakapag-pamula sa kanya. Hahahahaha!

"Uyyyy kinikilig syaaa!" Asar ko habang tinutusok tusok yung tagiliran nya.

"Halika na nga kumain na tayo!" Sabi nya at dinala ako sa may table.

Ang sarap pala sa feeling pag okay na kayo. Pag wala ng awkwardness. Maraming salamat po, Lord.

-----

Nandito na naman kami sa eroplano for our next and last trip. Nakakainis kasi gabi kami umalis. Para daw umaga ang dating namin dun.

Di ko alam kung san kami pupunta. Basta sabi ni Jim, matulog na daw ako ngayon since 4 hours yung byahe. Para maraming energy.

Nakatulog na ko sa hotel ng 5 hours, plus 4 hours dito sa eroplano. Aba sobra sobrang energy na meron ako no!

Nung nagising na ko, I realized na di ko pa pala nalilibot ang plane. Tumayo ako sa kilalagyan ko at pumunta sa likod.

Nakita kong ang daming pagkain dun. May mga cup noodles, may rice meals din. Haaaaaay. Sarap! Nagpainit ako ng tubig para ilagay mamaya sa cup noodles.

After kong pumunta sa likod na part, biglang nagsalita yung piloto.

"Jim, pumunta ka dito. May sasabihin lang. Thanks!"

Aba. Pilipino pala yung piloto? At parang mag-kaibigan sila ni Jim ah.

Pinuntahan ko si Jim. Sabi ko tinatawag sya ng piloto. Pero wala, walang imik. Sabi mamaya na daw.

Eh ang kulit pa naman nung piloto! Paulit-ulit na lang!

So I decided na ako na lang ang pumunta dun sa piloto since alam ko naman kung saan yung way.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon