MTT ~ 14

1.8K 31 4
                                    

= Kimmy's POV =

After that scene, umuwi na ko. Di ko na tinapos yung show.

I don't know what to do! And dami ko ng nasasaktan na tao. Ang dami ng nagagalit. And I don't know how to undo it!

"Hey. Need a friend?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Joyce dito sa kwarto ko.

"Joyce.." I ran to her and hugged her as much as I can.

Thank you Lord dahil may isa pa pala.. May isa pang natitira sakin..

"I heard everything." Napakalas ako.

"Wha-what do you mean?"

"Nasa likod nyo lang ako nung nag-aaway kayo."

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Joyce. Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko tong lahat! Kung hindi ko sana nagustuhan si Jim, hindi dapat ako papayag dun sa deal na maging gf nya. Di dapat ako masasaktan! Di ko dapat makikilala si Gino at ngayon nasaktan ko na din sya, hindi dapat--"

"Eh ano dapat? Ano bang dapat nangyari? Na walang kakulay-kulay yung mundo mo? Na ikaw yung dating Kimmy na wala lagi sa hulog? Losyang mag-suot? Na hindi alam ang gagawin sa buhay nya? Ganun ba dapat yung nangyari?" Tanong nya sakin.

"You don't get it Joyce." Sabi ko. Bigla naman nya kong hinawakan sa magkabilang balikat.

"No Kimmy. YOU don't get it. I just want to tell you na hindi kumpleto ang buhay mo kung di mo pagdadaanan to! Lahat ng to! Kasama sa life natin ang masaktan. Ang magsakripisyo. That's the trick of life, Kimmy."

"But this is too much, Joyce. This is too much for me."

"Don't be selfish Kimmy. Di lang ikaw ang namomroblema sa mundo. Sige sabihin mo na na ang bigat ng problema mo. Eh ano pa kaya sa ibang tao? Yung iba nga ang pinoproblema kung pano mabuhay. Yung iba pinoproblema kung pano makakakain. Eh hiyang-hiya nga sayo si PNoy eh! Iyon buhay ng mga Pilipino ang pinoproblema nya. Ikaw pa kaya?" Nasuntok ko si Joyce dahil pati si Pnoy sinali na sa usapan! Baliw talaga to.

"I really don't know what to do. Nagka-letse letse na yung buhay ko eh." Sabi ko. Pagkakita ko kay Joyce, ayun nakahiga na sa kama.

"Pero aminin mo mas naging exciting!" Sabi nya.

"Really? Exciting? Exciting ba yun Joyce? Tong buhay ko exciting? Ha."

"Oo! Exciting ang buhay mo no. Kasi.. Lagi mo ng nakakasama si Jim."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Excuuuuuse me, Ms. Joyce? What do you mean?" Bigla syang tumawa. As in tawang malakas! Halakhak ba kamo.

"Hahahahahahaha! Halata kaya Kimmy! Don't deny itt!!!"

I don't get this crazy girl. Umatake na naman yung pagkabaliw nyan kaya ganyan.

"What will I deny?" Tanong ko.

"That. You. Still. Love. Him. And. You. Want. To. See. Him. More."

That you still love him and you want to see him more..

"And how sure are you?" Tanong ko ulit.

"100% Kimmy! 100%! C'mon! Magkasama na tayo since birth at 6 years lang tayo nagkahiwalay. Eh natabunan lang naman ng galit yang puso mo! Ganung ganun ka pa rin sa dati alam mo yun?"

Joyce... you're really deserving to have a BESTESTESTEST FRIEND AWARD.

"Sandali nga! Bakit ba parang si Madam Bertud ka kung magsabi ng mga advices sakin? Ikaw naman nga ang magkwento! Kamusta ba lovelife mo ngayon?" Tanong ko. At aba ang bruha! Biglang nag-blush!

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now