10

2.8K 46 0
                                    

*Ding dong*

*Ding dong ding dong ding dong*

Ughhhh. Sino ba yung bwisit na yoon?! Kita ng nagsasapatos pa ko eh!

"ETO NA! Di makapaghintay. Tss." binuksan ko yung pinto at nakita ko si Jimmy na nakasandal sa gilid dun. Naka-shades pa ang loko. Pwedeng tumili? Hahaha. Anubayan. Kailangan ko pang maging masungit sa kanya ngayon.

"Bakit nandito ka na naman?!" hinubad nya yung shades nya at lumitaw yung blue eyes nya. Hindi yung pang-Amerikano ah. Dark kasi yung pagkablue nya. Pero malalaman mo pading blue yon.

"Sinusundo kita, baby." Napalunok ako ng ilang beses. Di ba ako lang ang tumatawag sa kanya ng baby? Di kashi ako shanay na tinatawag nya ku nun ihhh. Hihihi.. (landi ko lang ^_^)

"Maglalakad na lang ako! Anlapit lapit lang eh." Kinuha ko na yung bag ko at nagsimula ng maglakad.

"Ahhhhhhh!" sigaw ko ng buhatin nya ko. Yung pang bride. Waaaaah! Kinikilig na talaga koooo.

"ANO BA! IBABA MO KO!" sigaw ko sa kanya pero tuloy tuloy parin sya at nilapag ako sa passenger seat.

Tumalikod na lang ako sa kanya. Humarap ako sa bintana.

"Responsibilidad kong ihatid sundo ang girlfriend ko." Awtomatiko akong napatingin sa kanya.

"Eh hindi mo nga ko girlfriend! Ilang beses ko ba sasabihin yun!" Parang wala syang narinig kasi nakangiti parin sya. Ano bang problema nito?

"Ngayon mo pa naisip yan. Eh nung 2nd at 3rd tayo, lahat na lang ng babaeng lumalapit sakin, sinasabihan mong girlfriend kita." Feel kong namula ko sa sinabi nya. Ugh.

"Dati yon! Hindi ngayon." umiwas na ulit ako ng tingin. Nadidistract ako sa kanya eh.

"Kayo talagang mga babae. Kailangan nyo pang pilitin. Alam ko namang gusto mo--"

"Gusto kong maging girlfriend mo kung mahal mo talaga ko!" Ayan na. Sumabog na ko. Di ko na kaya eh. Feeling naman nito.

Naging awkward na ang simoy sa kotse. Di na kami nagsasalita.

"Andito na tayo." Bababa na sana ko ng inunahan na nya kong buksan yung pinto. Teka, kanina nasa tabi ko lang yun ah?

Hinawakan nya yung kamay ko pero agad ko din yung binawi. Ayokong magpanggap.

"Baby! Hintayin mo naman ako!" napatungo ako ng isigaw nya yun. Ugh. Mahihirapan ako nito.

Naabutan nya ko at inakbayan nya ko. Bat pag si Jimmy ang nakaakbay sakin, di ako naiirita. Pag si Ivan, naiirita ko. Hahaha.

"Tanggalin mo nga yang kamay mo Jimmy."

"Hindi ko to tatanggalin hangga't di mo ko tinatawag na Baby." Ano?! Pede sa isip ko na lang? Ihhhh. Nahihiya akooo.

"Tanggalin mo na yan, B-baby." halos pabulong kong sabi.

"Ano Baby?" napalunok na naman ako. Whoo! Kaya ko to.

"Baby. O ayan na. Baby." napangiti sya at tinanggal na yung kamay nya. Hay nako.

Sabay kaming dumating sa classroom kaya nagtilian yung mga kaklase namin. Yung mga hindi fans ni Jimmy ha. Kaya puro boys lang yung sumigaw. Kasi lahat ng girls, baliw na baliw dito sa kasama ko.

Pati ako. Hihi..

Hinatid nya ko sa upuan ko kasi magkalayo kami nun ng upuan. Nasa unahan sya, nasa medyo gitna ako.

-Jim-Other-

-Other-Other-

-Joyce-Ako-

Ganyan. Medyo malayo kami.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now