33

2K 35 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa AC. First day ng practice para sa pageant eklabu na yon.

(Sorry for the gay-lingos! Hihi..)

"Huy Kimmy. Okay ka lang ba?"

Hindi ako okay Ivan. Sa tingin mo ba magiging okay ako kung ang nasa harapan ko ngayon ang pinakamamahal ko at ang pinakamumuhian ko na sweet sa isa't-isa? Psh.

"KIMMY!" Wala ako sa sariling tumingin kay Ivan. Oo, hindi ako nagulat. Kanina ko pa naman naririnig na tinatawag ako eh. Ayoko lang talaga sumagot.

"Okay lang ako, okay? Inaantok lang ako." Palusot ko. Na half-meant din. Kasi inaantok talaga ako.

"Dun na daw kayo sabi ni Ma'am." sabay turo nya sa stage. Walang gana akong tumayo. Hindi ako makapaglakad. Pano, nakaheels kami! Required daw mag-heels lahat para masanay daw. Psh. Kanina pa nga ako nadadapa eh!

Dahan-dahan akong naglakad. Whoo! Kaya mo to Kimmy!

Mga 10 mins. din ako naglakad and charan! Nandito na ko sa stage!

"Ano ba yan Kimmy! Wala pa ngang 1 meter yang nilakad mo, ang tagal mo na!" Tinignan ko kung san ako nanggaling. Oo nga no? Parang katabi ko lang.

"Sorry. Di pa kasi ako sanay." Nakita kong nag-roll eyes si Angel. Tss. Gawain nya naman yan. Kala mo namang bagay sa kanya.

Nagsimula na kaming mag-practice. Girls muna. Yung mga blockings chuvanes. Psh.

Nahihirapan pa kong maglakad. Walanjo. Ang hirap. -_- Ilang beses din ako muntikang matapilok.

"Ok ka lang?" Nag thumbs up ako kay Ivan. Tapos na kami mag-practice. Boys naman.

Pero actually, pagod na pagod ako. Ang sakit sakit ng paa ko. Magkakapaltos ata ako eh.

Naupo muna ko sa bench dun. Tsaka uminom ng tubig. Pinapanood ko lang sila maglakad lakad.

Haaaay. Ang pogi talaga ni Jimmy ko. Bakit kahit nakatayo lang sya dyan, ang lakas parin ng dating? Ugh.

Ohmy. Pinagtabi sila ni Ivan. Tas magkaharap pa sila. Wait, tama ba nakikita ko? Bakit parang nagliliyab ang mga mata nung dalawa? Uh oh. I smell something fishy here.

Hmm.. mas matangkad ng mga 1 inch si Jimmy. Tas mas maputi si Ivan. Moreno kasi si Jimmy ko. Matinong magdamit si Ivan. Yung tamang uniform. Samantalang si Jimmy, maporma. Naka-fold yung manggas tas nakaopen yung polo at may black t-shirt sa loob.

Naglakad lakad pa sila ng konti. Parehas nasa unahan sila Ivan at Jimmy. Chaka na yung iba eh. Hahaha. Dejoke lang.

"Uy." I snapped back to my senses when Ivan poked me. English yun mga bregs ha.

"Uy. Ok na daw?" tanong ko. Umoo naman si Ivan. Hay sa wakas tapos na din. Nagsapatos na ko at naghilamos muna sa cr.

"Haaay. Bakit ba yung iba dyan, ang lakas lakas ng loob na kalabanin KAMI ni Jim. Eh sigurado namang kami na ang mananalo." Kilala nyo na nagsabi? Yep! The one and only demon, Angel. Psh. Walang magawa yan sa buhay kaya nantitrip na naman.

"Tignan mo, speechless. It means totoo." Whoo! Sige lang Angel! Hangga't kaya ko pa.

"Bagay kasi kami--"

Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil sinabuyan ko sya ng tubig. May baso kasi dito. Tsaka sa mukha ko sya sinabuyan ha!

"Ay. Sorry! Andyan ka pala? Well, nilagyan ko ng sabon yan. Uso maglinis ha? Hindi nakakamatay." I said sarcasticly. Nakita ko namang namula ang mukha nya sa galit. Mission accomplished!

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now