28

1.9K 41 1
                                    


"Kimmy.. sorry. Sorry sa lahat. Sorry. Mahal kita.. kaso.."

"Ano?! Kaso? Si Angel?! Bakit ba kasi hindi mo ko magawang piliin ha!"

"S-sorry.."

Sorry..

Sorry..

Sorry..

"Kimmy! Kimmy!" Napamulat ako ng mata. Panaginip lang yun. S-si Jimmy.. iiwan na daw nya ko..

Agad nya kong niyakap. Naramdaman kong basa ang mga pisngi ko. Umiiyak ako. Pawis na pawis din ako.

"Anong nangyari? Ha?" Nakita ko sa mukha ni Jimmy ang pag-aalala.

"May napaginipan lang ako." Pinunasan nya ang pisngi ko. Medyo kumakalma na din ako.

"Tahan na ok? Kung ano man yun.. hindi mangyayari yun. Panaginip lang yun. Okay?" Tumango na lang ako kahit alam kong may posibilidad na mangyari yun.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko. Nakatigil na kasi tong kotse.

"Oo. Halika na sa labas." Pinagbuksan na nya ko ng kotse at lumabas na kami. Ang dilim na. Tinignan ko ang phone ko.

7:15 pm.

"Hala!"

"Bakit?"

"Gabi na. Sandali itetext ko lang sila Mama." Pumasok na kami sa loob after ko silang itext. Sabi ko baka gagabihin pa kami.

Maganda yung loob. Pwedeng pwede ang birthday parties. Meron yung 7 rooms, 3 swimming pools, kitchen, tables, videoke at playground. Sakto! Ang ganda.

"Ayos ba?"

"Ayos na to! Maganda. Magugustuhan to ni Giddy." Nginitian ko sya. Nakaupo na kami sa bench dito.

*Grudfkcdkrmcjekxxegkco*

Waaah! Kumulog! Oo kulog yun. Hindi lang halata sa effects.

Napatingin ako kay Jimmy. Nakatingin sya sa langit.

"Jimmy umuwi na tayo baka--"

*Pshhhhhhhh.....*

-__________-

"Halaaaaa! Bakit umuulan?! Pano tayo nito?!" Ang lakas ng ulan grabe! Parang Yolanda eh!

"Tsk. Sandali titignan ko kung pwede tayong bumaba."

Iniwan na ko ni Jimmy dito. Hala. Ang dilim. Tapos umuulan. Waaaaah!

Umupo na lang ako sa bench ulit. Whoo! Kalma Kimmy. Malakas ka. Kaya mo yan. Babalik din agad si Jimmy.

Pero 10 minuto na ang lumilipas wala parin sya!

"J-Jimmy? San ka na?" Nagsimula na kong maglibot. Dito muna sa taas.

"Jimmy!" Huhuhu.. hindi sya sumasagot. Bumaba na ko. Baka nandun pa sya.

"Jim naman eh. Takot ako sa dilim okay?" Ganun parin. Walang nasagot. Nandito na ko sa labas. Kahit wala akong payong at nababasa ako, okay lang! Basta makita ko sya.

Pinuntahan ko yung kotse. Nilibot ko yun pero wala talaga sya!

Nilalamig na ko. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad palabas. Baka nandito lang sya.

"J-Jimmy.. na-nasan ka na b-ba?" Nanghihina na ko. Sobrang nilalamig. Nag-aalala na ko kay Jimmy. Hindi ko pa rin sya nakikita.

"Jim.. Jim? Jiiiim!" Nakita ko syang binugbog sa gitna ng kalsada. Pinagtutulungan sya ng 5 lalaki.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora