30

2K 40 0
                                    

A/N: Here's the update for the week! Hope you'll enjoy. Vote and comment ha!

Kimmy.. I love you..

Mahal kita ha? Tandaan mo yan.

Gumising ka na kasi..

Thank you.. Sorry.. I love you..

And goodbye..

Ang dami kong naririnig. Madami akong naririnig na umiiyak. Nagsasabi ng pangalan ko. Pero wala akong makita kahit isa sa kanila. Parang napakahina ng katawan ko. Pero nung narinig ako ng boses na nagsabi ng 'Thank you. Sorry. I love you. And goodbye', Parang nagkaron ako ng lakas. Nagkaron ako ng lakas na imulat yung mata ko.

"M-Mama.."

"Anak? Nak! Gising ka na!" Niyakap nila ko. Ano bang nangyari?

"Ate! Finally! You're awake!" Niyakap din ako ni Giddy. Pati si Papa.

"Finally?"

"Ate. You've been asleep for 18 days." Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Giddy. 16 days? Eh ang alam ko nasuntok lang naman ako ah.

"Si Jim po?" Si Jim.. madami syang dugo sa mukha nun. Hindi ko pa sya nakikita.

"A-ahm.. sandali tatawagin ko muna si Doc." Tumingin ako kay Mama at Giddy.

"Bibili lang ako ng pagkain mo anak. Giddy halika." Umalis na din sila. Bakit feeling ko iniiwasan nila ang tanong ko? May nangyari ba kay Jimmy? Asan na ba sya?

Chineck na ko ng doktor. Ok na naman daw ako. Pwede na kong makalabas mamaya.

"Thank you po Doc." sabi ko. Ang weird ko ha. Nasuntok lang di na nagising ng 16 days? Psh.

"Ma.. asan po--"

"Magbihis ka na. Aalis na tayo ha?" Nangingilid na ang luha ko. Bakit ba ayaw nilang sagutin yung tanong ko? Nasan ba si Jimmy?

"Ate are you crying?" sabi ni Giddy. Baka sya alam nya. Sya na lang ang tatanungin ko.

"Baby.. where's Kuya Jim?" Please baby.. answer Ate. Kahit ikaw na lang baby..

"I'm sorry Ate. Mom and Dad doesn't want me to tell you." Mas lalo akong naiyak. Bakit ba ayaw nyong sabihin? May masama bang nangyari sa kanya?

"Let's go." Wala ako sa sarili na lumabas ng ospital at pumasok ng kotse. Hindi ko alam pero nasasaktan ako kahit hindi ko pa alam kung anong nangyari.

Kinakausap nila ko pero tango at iling lang ang sagot ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Si Jim. Sa bawat pagiwas nila sa tanong ko, mas lalong lumalakas ang pakiramdam ko na may mali.

Pero hindi naman sya namatay diba? Hindi naman? Alam kong buhay sya. Nararamdaman ko yun.

Isa pang nasa isip ko, yung mga bumubulong palagi sakin. Na nagsosorry, nagthathank you, nagiilove you at nagpaalam sakin.

Ang alam ko din, may sinabi sya about teddy bears. Pero paggising ko naman, wala. Walang teddy bears sa table ko. So baka panaginip ko lang yun.

Nakarating na kami sa bahay. Dumaretso na ko sa kwarto ko. Haaaay.. how I missed this.

Feel ko kasi nakapikit lang ako pero gising ang diwa ko. May times na nakakatulog din ang diwa ko kaya wala akong marinig.

Nahiga ako sa kama. Wednesday na pala. Kailangan ko na pumasok. Namiss ko na din pumasok. Gusto ko ng makita si Jimmy!

*Tok tok*

"Pasok." Si Mama pala. Naupo sya sa tabi ko. Nagtatampo ako sa kanila. Bakit ba ayaw nila sabihin sakin? Ano bang masama?

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon