The XL Beauty: Double Trouble...

By superjelly

2.7M 59.9K 16.1K

May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT PO... More

The XL Beauty: Double Trouble
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Special Chapter: Kei's POV
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter Six

92.1K 1.9K 751
By superjelly

"Hindi ako makapaniwala. Tapos ayon, hindi niya na ako pinansin after the whole shooting." Sabi ko pagkatapos sumubo naman sa lasagna ko. Ni-treat kasi ako ni Ally dahil nakapasok daw siya sa pinag-apply-an niyang company. Mataas naman kasi ang grades ni Ally kung tutuusin, tapos since maraming connections ang St. Lourdes College, hindi naman talaga kami mahihirapan maghanap ng trabaho. You know? May ibang companies na tumitingin na lang sa name ng school, pero 'yung iba lang naman 'yon. Saka magaling naman talaga si Ally so yeah, hindi ko rin alam kung ano'ng pinaglalaban ko. May masabi lang.

Napatingin naman siya sa'kin kaya natigil ako sa kakakain. Naningkit 'yung mga mata niya. "Ikaw, best friend pa naman kita tapos ngayon mo lang sa'kin sinabi na magiging commercial model ka na pala?"

"Bakit ko pa sasabihin e commercial model nga 'di ba? Malamang malalaman mo rin 'yun kahit ano'ng lihim ko pa." sabi ko. "Saka kasi napaka-biglaan din. Ni-accept ko na nga lang nang hindi masyadong pinag-iisipan. Saka, that's not the point! Ang sinasabi ko ngayon, 'yun nga, si Kei pala 'yung ni-hire na camera man at hindi man lang niya ako pinansin. Parang hindi niya nga ako kilala, e. Ganoon ba talaga nagbago ang hitsura ko dahil nawala 'yung fats?!"

Nangiti naman si Ally. "Ikaw ha, sinasabi na nga ba at hindi ka pa rin nakaka-move on kay Kei. Nasasabi mo na nga ang pangalan niya oh."

"E kasi ang haba ng hewhoshallnotbenamed! Sayang sa laway. Saka wala na akong gusto sa kanya. Ew. Ang sa akin lang kasi, gusto kong maghiganti sa kanya pero parang wala rin naman kasi ibang-iba na siya ngayon."

Tumango si Ally. "Iba na nga si Kei, at dapat matanggap mo na 'yun, Tabby. Hindi na siya 'yung Kei na makulit at corny. Hindi na siya 'yung Kei na naging boyfriend mo, hindi na siya 'yung Kei na minahal mo. Probably he moved on na kaya hindi na talaga siya affected... And Tabby, you should probably do the same. Ang mainstream na ng revenge thingy at wala rin naman 'yang idudulot na mabuti. In the end, ikaw lang ang masasaktan kasi ikaw lang naman 'tong may paki, e."

"Sinong nagsabing may paki ako? Wala. Akong. Pakialam."

Bigla namang napatili si Ally. "OMG. Si Kei oh!" Tapos turo niya sa labas. Nagulat ako kaya nag-ayos lang ako ng buhok tapos huminga nang malalim at nilingunan 'yung tinuro niyang direksyon. Pagkalingon ko, wala namang tao.

"Wala ka palang paki, ha?" Tanong niya na ngumingiti pa na nakakaasar.

Tiningnan ko siya nang masama. "Wala talaga akong pakialam. Sadyang napalingon lang ako kasi sayang naman 'tong beauty ko kung ikaw lang nakakakita. Mabuti na rin 'yung may iba pang makakita."

"Nako, Tabby, ang lame naman ng excuse mo. Pero alam mo, best, you should really move on na kay Kei. Nandyan naman si Alexis para sa'yo, tapos ni-friendzone mo lang. Ang gulo mo e, gusto mo ng taong magmamahal sa'yo pero iniisip mo pa rin 'yung taong nanakit sa'yo, tapos ngayong may naghihintay sa'yo, hindi mo naman minamahal."

Napataas ako ng kilay. "Excuse me? Sinong nagsabi sa'yo na gusto ko ng taong magmamahal sa'kin? Okay na akong single 'no."

"Pero bakit minsan parang naiinggit ka sa'min ni Daph? Kasi ako, merong Greggybear, at siya may Rowell."

"Hindi ako naiinggit. Fine, maganda nga mga lovelife niyo, pero at least ako kahit wala 'yong lovelife, maganda naman. And ew, what's with Greggybear? Parang 'nung nakaraan lang Mahal tawagan niyo ha? Pa-callsign callsign pa kayo e hindi naman kayo."

Natawa naman siya. "Iniisip ko na nga na sagutin si Greg, e."

"E 'di sagutin mo na. Ako 'tong sinasabihan mo na pinaghihintay ko si Alexis tapos ikaw nga 'yang mas matagal 'yung pagpapahintay kay Greg. Ilang taon na ba siyang nanliligaw sa'yo? 3 years na rin 'di ba? See? Hay nako nga naman, 'yung mga sinasabi natin minsan patama sa sarili natin. Bago mo 'ko sabihan nang ganun, tingnan mo muna 'yung sarili mo, Ally, ha?"

"Pero at least ako si Greg lang ang laman ng puso ko. E ikaw, nandyan nga si Alexis for you pero si Kei naman nasa isip at puso mo."

Boom panes boom boom panes panes!

Biglang tumugtog 'yung kantang 'yun, pagkatingin ko ringtone pala ng isang lalaki malapit sa table namin. Ew, ang corny naman ng ringtone niya, saka bakit sumakto?!

"Yeah, si Kei nga laging nasa isip ko. Naiisip ko siyang pahirapan, itorture, balatan nang buhay, lagyan ng asin pagkatapos, at sunugin nang buhay."

Ngumiti naman si Ally. "Hay nako Tabby. Maldita ka na nga, bitter ka pa, in denial ka rin?"

Boom panes boom boom panes panes!

Napatingin ako at tumunog ulit 'yung ringtone ng lalaki. Napataas ako ng kilay. "Pwede ba, kung ganyan din naman pala ang ringtone ng cellphone mo, paki-silent mode na lang?!"

Napatingin sa'kin 'yung lalaki at natahimik na lang siya tapos ni-silent mode 'yung phone niya. Bumalik ako sa pagkain ko.

"Uy, joke lang ah. Peace. Love you, best!"

Nginitian ko na lang siya at sumubo sa lasagna ko. Napapaisip pa rin ako kay Kei. Bukas magkikita na naman kami, pero paano ko kaya siya haharapin? Hindi kaya tama nga si Ally, na affected pa rin ako kay Kei? Na hindi pa rin ako maka-move on? No way. I don't like him anymore. Gusto ko lang ibalik 'yung sakit na pinaranas niya sa'kin. That's all.

***

"Alam mo, may napapansin kami sa'yo, Tabby e." Sabi ni Sarah 'nung nagkaroon kami ng break. Niyaya nila akong kumain sa may isang resturant malapit lang sa studio.

"Ano? Na maganda ako? Hindi na bago 'yon." Sabi ko naman.

Natawa naman sila, tapos nagsalita na naman si Sarah. "Hindi 'yun, ang napansin lang namin ay iba 'yung mga tingin mo kay Mr. Kevin, e. Kanina nga habang nag-shoot, parang matutunaw na talaga siya sa titig mo."

Kung nag-aapoy lang sa galit ang mga mata ko, malamang hindi siya matutunaw. Masusunog siya.

"Magkakilala ba kayo ni Mr. Dela Vega?" Tanong naman ni Yza. Bakit ang daming mga chismosa dito?!

"Oo, malamang magkakilala kami. At kilala mo rin siya, alam mo nga pangalan niya e." Sagot ko naman sa kanya sabay subo sa pagkain ko. Napatingin ako sa table namin at aba'y matinde, ako lang ang kumakain ng totoong lunch na as in 'yung kanin. Sila isang brownie lang o kaya 'yung maliit na lalagyan lang na vegetable salad. Kung ako ang kakain n'yan, baka hanggang lalamunan ko lang 'yan e.

Pinalo naman ako ni Tanya na katabi ko ngayon. Chismosa na nga 'tong mga ito, sadista pa? 'Yung totoo? "Siguro type mo si Mr. Kevin ano? Ayee, aminin! 'Wag kang mag-alala, crush din namin 'yun e." Tapos pinalo na naman ako sa kilig. Tinuro ko sa kanya 'yung hawak kong tinidor at tumigil siya sa kakapalo. "Ikaw Naara, type mo rin si Mr. Kevin?"

Umiling siya at napasimangot. "Pwede ba, 'wag niyo kong idamay sa kalokohan niyo." Tapos tahimik na lang siyang kumain ng vegetable salad niya. "Saka para namang type kayo 'nun. Lalo ka na, Tabby."

Boom panes boom boom panes panes!

Biglang may dumaan na waiter na nagsabi 'nun tapos tumawa. Akala ko nga sinadya, 'yun pala kumakanta talaga siya kasi hindi naman siya tumingin sa direksyon namin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakakainis na 'yang kantang iyan a, kung saan-saan ko na lang naririnig.

"Well, kung hindi ako type ni Kei... I mean ni Kevin Dela Vega, e ikaw pa kaya? 'Di hamak naman na mas maganda ako sa'yo." Sagot ko sa kanya.

"Mas maganda ka nga, mas payat naman ako sa'yo." Sagot naman niya.

Boom panes boom boom panes panes!

Napatingin ako at bumalik pala 'yung waiter sa may counter at kinakanta pa rin 'yun. Kairita ah.

I raised my brow. "Okay nang chubby, kaysa naman sa katulad mong hipon. Paano na lang kaya kung naging kayo ni Kei... Ni Kevin Dela Vega ano? Ano'ng tawag doon? In a relationshrimp?"

Naghintay ako na bumalik 'yung waiter para mag-boom panes dahil ako na 'yung nangbara pero wala. Parang nanadya ah.

"Psh. Whatever," Nasabi niya na lang. "Oh, speaking of, ayan na 'yung prince charming niyo oh." 'Nung sinabi 'yun ni Naara, napatingin kaming lahat sa direksyon na tinitingnan niya. Nandoon nga si Kei, papasok ng restaurant. Mukhang ngayon pa lang siya bibili ng pagkain. 'Yung mga kasama ko naman dito sa table na medyo mahaharot, nagsi-ayusan ng mga buhok at nagpaka-prim and proper. Aysus. Parang si Kei lang naman.

Bigla naman silang natigil dahil huminto rin si Kei sa may table namin. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa amin.

Well, more like sa kanila. Hindi naman niya ako tinitingnan. What the heck is his problem?

"Yes, Sir Kevin?" Tanong ni Tanya sa kanya.

Napatingin naman si Kei kay Tanya. "Do you girls have a watch or something? May I know what time is it?"

Natawa naman ako at lahat sila napatingin sa'kin. "Wala kang orasan? E 'di ba two timer ka?" Sabi ko na natatawa pa rin. Ako lang 'yung tumatawa sa table at lahat sila tahimik lang na nakatingin sa'kin kaya natigil na lang ako sa pagtawa. "Boom panes boom boom panes panes! Joke lang! Kayo naman. Masamang mag-joke?"

Hindi na lang nila ako pinansin at sinabi na lang nila 'yung oras. Nag-thank you lang si Kei tapos nag-order na rin ng pagkain. Mukhang nag-take out na lang siya kasi umalis na rin siya after.

"What was that, Tabby?" Tanong ni Yza.

"Uhm, that was a joke?" Sagot ko naman at uminom ng tubig. "Kasi 'di ba, parang kaylangan maging friendly eklavu tayo sa co-workers so you know...."

"Ahhhhhhhhh." Sabay-sabay naman nilang sabi except kay Naara na napa-"Psh" na naman. Buti na lang umepekto 'yung excuse ko. Nakakainis, hindi ko na rin kasi napigilan 'yung sarili ko sa pagsabi 'nun. Naiinis ako na hindi man lang niya ako pinapansin. Kaasar talaga.

After 'nung lunch break, tinapos na rin namin 'yung dalawa pang scene so medyo late na kami nakauwi. Bukas daw kasi wala muna, rest day, then the day after that pupunta kami somewhere para sa last shoot. 'Nung natapos na, gustong-gusto ko na lang umuwi sa pagod. Nakakainis naman kasi si Kei, paulit-ulit sa take kahit na maayos naman. Hindi ko alam kung nanadya o ano, kasi naka-mum mum mum mah can't read my, can't read my poker face siya. Uuwi na sana ako kasabay nila Sarah pero tinawag naman ako ni Miss Joyce. Sinabihan ako na uulitin daw 'yung pinaka-last na scene kasi may naputol daw sa frame. Ako lang naman 'yung kaylangan kaya pinauwi na 'yung iba at ako na lang ang naiwan.

Nakakainis. Pagod na pagod na ako, kanina pa namin inuulit 'yun, tapos uulitin na naman. Nanadya na ata talaga 'tong Kei na 'to e!

"Ang haggard mo na Tabby oh. Put some powder pa nga and brush your hair. Oh siya, mauna na rin ako." Sabi ni Miss Joyce.

At iniwan pa ako kasama si Kei roon. May mga iba pa naman na kasama sa crew, pero kasi, naiilang talaga ako kay Kei. Tapos wala na akong kasamang ibang babae.

"Yung pinakahuling frame lang Miss Zaragosa, 'yung smile." Sabi ni Kei sa akin.

"I know. Bilisan mo na nga lang." Nakapagsuklay na ako ng buhok at tumayo roon sa harap ng camera. Ang hirap mag-smile, in fairness, lalo na at pagod na ako tapos ganyang lalaki pa 'yung nasa harapan ko. Nagbilang siya ng ilang segundo then sinenyasan na ako ng "Go". Nagpa-cute lang ako tapos ngumiti sa harap ng camera then nag-"Cut" na siya.

Ine-examine niya 'yung nakuha and lumapit ako sa kanya na naka-crossed arms. "Ano? Okay na ba? Can I go now?"

"Hmm." Sabi niya na nakatingin lang sa camera. "Medyo pilit 'yung smile mo rito, Miss Zaragosa."

"E paano ba naman hindi magmumukhang pilit 'yan e talaga naman kasing pilit? Sino ba namang mapapangiti kung ikaw ang nasa harapan, ha?"

He looked at me then, at hindi ko alam pero natigilan ako. First time niyang tumingin sa akin na as in na nakatingin talaga sa mga mata ko tapos malapitan pa. Parang nanumbalik lang tuloy ang lahat sa dati, 'yung times na nandoon siya sa bahay namin nakatira at lagi kong tinitingnan ang mga mata niya.

"Look, you're smiling right now. That's the kind of smile I am looking for." Sabi niya sa akin na wala namang emosyon ang facial expression.

Napahawak naman ako sa mukha ko. Bakit ako napangiti? Yuck. Ew. Mamaya kung ano pang isipin niya at sabihin niya na nahumaling ako sa tingin niya. No way. I can't afford that. Bumalik na lang ako sa harapan ng camera and tried to focus. I swear I can feel my heart beating rapidly. I swear I can feel my cheeks burn. Shocks, ganoon na ba katindi ang rage ko sa kanya? Mamaya maka-murder na ako e.

Nagbilang siya and when he said "Go," I flashed the best smile I could ever wear. Hindi ko alam pero pumasok sa isip ko 'yung time na nag-Pinoy Henyo kami at sumagot siya ng "Pokra". Kusa na lang lumapad ang ngiti ko tapos 'nung nag-"Cut!" na si Kei, I still can't stop smiling.

"Ano? Ayos na ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa camera at hindi niya na naman ako tinitingnan. "Yes. This will do." Tapos tinalikuran na ako. Wow ha, effort ako sa smile na 'yun tapos wala man lang compliment?! Nakakairita. Ano bang problema sa'kin ng Kei na 'yan?! Sa sobrang inis ko, inayos ko na lang 'yung mga gamit ko at umalis na roon sa studio. Nakakainis talaga. Nandoon na ako sa may labas at napapaisip.

Gusto kong maghiganti, pero parang ako naman 'yung ginagantihan. Wala naman akong nagawang masama ha? Bakit ganun? Siya nga 'tong nanakit sa'kin tapos siya pa 'yung ganyan? Ang unfair naman 'non!

Hindi ko alam kung bakit, pero natrip-an kong sumakay ng jeepney ngayon. Wala, nakikilasap lang ng pollution. Naglakad na lang ako papunta sa may pilahan ng jeep. Medyo malapit-lapit lang din naman. Kahit pagod na ako, nakakatawa na mas pinili ko pang mag-commute. Ewan ko ba. Siguro dahil na rin sa inis 'to.

Nakapila na rin ako sa wakas. Medyo mahaba 'yong pila kasi rush hour. Maya-maya rin, sa wakas, nakapasok na ako sa Jeep. Umupo lang ako sa isang tabi at 'nung kukuha na ako ng barya sa pitaka ko, bigla ba namang may nagsalita sa tabi ko.

"Bayad, para sa dalawa." Sabi 'nung boses. Teka, pamilyar 'yung boses na 'yun ha? Pagkatingin ko, ta-da, si Kei Dela Vega nga.

Napatingin ako sa kanya. Siya naman straight lang 'yung tingin. Pero teka... Dalawa? E isa lang siya ha? Kaylan pa siya natuto ng Kagebunshin technique times two times two times two?

"Huh... Binayaran mo ako?" Tanong ko sa kanya.

Napa-crossed arms naman siya at sumandal. "Yeah, Miss Zaragosa."

Natahimik lang ako tapos 'nun. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita, pero ang awkward lang talaga. Nakaupo siya sa tabi ko at nagkakadikit ang mga braso namin. Para akong nakukuryente. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Sparks... Sparks...

Nag-iispark na naman ako sa galit.

"E putang ina mo pala e, ano'ng akala mo sa'kin poor? Afford ko naman 'yong pamasahe rito sa Jeep! Bakit mo binayaran? Wala naman akong sinabi tapos binayaran mo? Ano? Para may utang na loob ako sa'yo? Dahil ba sa pagbayad mo ng pamasahe ko, sa kakaunting baryang iyon, utang na loob ko na ba ang buhay ko?"

Napatingin sa'kin lahat ng tao sa Jeep, including him.

"I didn't say that, Miss Zaragosa. And please, you're being overreacting. Binayaran ko lang 'yong pamasahe mo because I was being a gentleman. You should just thank me."

"Oh? Thank you ha? Privilege pala na mabayaran 'yung pamasahe ko ng isang Kevin Dela Vega. And wow, gentleman? Sa sobrang pagka-gentleman nang-two time?"

Nagbubulung-bulungan na 'yung mga tao roon. Wala akong pakialam. Nakakainis kasi e, ang yabang. Si Kei naman mukhang naiinis na rin.

"Kuya, dito na lang po." Bigla niyang nasabi tapos bababa na, pero laking gulat ko na sinama niya pa pala ako pababa. Hindi naman ako nakapalag kasi malakas siyang manghila, at kung papalag ako for sure gugulong ako sa labas ng Jeep. Bumaba na kami at naglakad sa may gilid ng kalsada, sa harapan ng isang convenience store.

"What's your problem?" Tinanong niya ako.

I crossed my arms. "Wow, ang lakas din ng loob matanong ako na kung ano'ng problema ko, e ikaw naman 'yung may problema r'yan. Kanina ka pa e. Sa shoot kanina, paulit-ulit mo pinapagawa sa'kin 'yung mga eksena kahit maayos naman. Tapos pinaulit mo pa 'yung last frame. Tapos ngayon, sa jeep, binayarano pa 'yung pamasahe ko for what? Para magyabang sa'kin? E ikaw nga 'tong parang may amnesia 'di ba? Bigla na lang dumating tapos kung makaasta parang hindi mo ako kilala. Don't tell me may amnesia ka talaga? Dao Ming Si, is that you? Umayos ka, Kei, ha."

Natawa naman siya, pero 'yung sarcastic laugh. "Of course I don't have amnesia. I remember you, Tabby. Even though you've lost some weight, I do know you, Tabby."

"Wag mo kong ma-English English d'yan at hindi eepekto sa'kin 'yan. Nag-States ka lang feeling Amerikano ka na."

"At ikaw naman, graduate ka na ng college pero para ka namang bata kung umasta." Sagot niya naman sa'kin.

Boom panes boom boom panes panes!

Biglang may dumaan na jeep na 'yun ang tugtog. Napa-roll eyes na lang ako. Aalis na sana ako para iwan siya pero bigla niya namang hinawakan ang braso ko at tinawag ang pangalan ko.

"Tabby."

'Yung navisualize ko. May background music na naman sa utak ko, tapos slowly akong napalingon sa kanya. Seryoso ang mukha niya.

"Bakit?"

"Globe ka ba?" Tanong niya naman.

Napataas ako ng kilay. Ano'ng Globe? 'Yung sim? Malamang tao ako, hindi Globe. Tapos, bigla kong narealize na si Kei nga pala siya. He's still Kei. Siya pa rin 'yung Kei from 2 years ago. I smiled. Ewan ko ba. Nakakainis na nakakatuwa dahil kahit papaano hindi pa naman pala siya nagbabago. "Bakit? Kasi ako ang mundo mo?"

"Hindi, makiki-text kasi ako. Na-expire ako kanina, e."

Nawala 'yung background music. Nawala 'yung happy thoughts. Nawala 'yung ngiti ko. Sparks na lang. Puro sparks.

Sparks sa galit.

Kinuha ko na lang 'yung cellphone ko at inabot sa kanya. Tapos nag-text lang siya at 'nung natapos na, binalik niya na sa'kin.

"Thank you." Sabi niya naman.

"Fuck you." Sagot ko naman sa kanya tapos lumakad na palayo roon. Nakakairita.

Bakit ko nga ba inisip na pick up line 'yun? Globe? Ako ang mundo niya? How could I even forget na pinagpalit niya na pala ako sa iba? And worse, mas bilog pa sa mundo ang shape?

Napatingin ako sa phone ko at tiningnan 'yung sent messages. Aba, nandoon pa 'yung text niya. Binasa ko nga.

'Babe, pauwi na ako. Stay safe ka rin. I love you. Si Kei 'to.'

Ang kapal ng mukha niya! Ugh! Ang kapal talaga. Nakitext pa sa girlfriend niyang balyena using my phone?! What the heck?!

Boom panes boom boom panes panes!

Napatingin ako sa paligid ko at wala namang pinanggagalingan 'yung kanta na 'yun. Kairita. Shut up, conscience. Shut up, author.

Makikita lang talaga 'yang Kei na 'yan. Sa last day of shooting namin, I swear, maghihiganti talaga ako sa kanya. Makikita niya talaga... Mabu-boom panes siya sa'kin. Humanda ka, Kevin Dela Vega.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 4.4K 78
Every midnight: A stalker. A stranger. A phone call. I should be scared. I should not talk to him. I should not entertain him. But all I did was... f...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD
4M 59.2K 44
Married to an idol (Published under LIB/Pastry Bug)- Available in all National book stores and Precious Pages store. :) Hana Kim and her parents used...
1.1K 89 27
Kadiliman, ang di maipaliwanag na sobrang puot, aking kinuha ang aking sandata at tumingin sa aking tukador, lahat ay nabago sakin dahil sa isang kar...